"Ikaw ha! Ba't mo pinost sa story yung picture ko? Hmmm."
Nakangising tanong ko kay Presly habang naglalakad palabas ng campus. Tinutukso ko siya pero ang totoo niyan kinikilig pa din ako hanggang ngayon.
Niyaya ako nila Brice na kumain sa labas. Sakto namang break ko na. May pasok pa yung tatlo kaya nagpaalam ako sa kanila na una nalang akong mag lunch.
"Napindot lang." He said na hindi nakatingin sa akin. Nakapamulsa lang itong nakatingin sa harap namin.
"Sus! Napindot daw! Sinadya mo talaga yung ipost eh!" Natatawang sabi ko at tumingin din sa harap namin.
"Assumera to! Napindot nga lang daw!" Napatingin naman ako sa katabi ko.
"Demonyo ka talaga!" Sabi ko kay Fern at binatukan ng malakas sa ulo. Narinig kong tumawa si Brice na nasa tabi niya.
"May katapat ka na bro!" Tumatawang sabi ni Brice at tinapik pa ang braso ni Fern.
"Sus kung hindi lang to-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng takpan ni Brice ang bibig niya.
"Tanginang bibig to." Sabi ni Brice habang nakatakip pa din ang kamay sa bibig ni Fern. Kinuha yun ni Fern at sinamaan ng tingin si Brice.
"Lets go." Sabi ni Presly at pinindot yung susi niya. Agad namang tumunog yung sasakyan niya na nasa harap namin.
Agad naman kaming nagsipasukan nong dalawa. Sa frontseat ako umupo habang yung dalawa nasa likod. Hindi ko alam saan kami kakain. Bahala na kung saan nila ako dadalhin basta masarap lang yung pagkain.
Habang nasa byahe puno ng tawa yung sasakyan ni Presly. Sinasabayan kasi nong dalawa sa likod yung kanta na nakatugtog sa stereo ni Presly tapos iniiba pa yung lyrics. Napapangisi at umiiling din si Presly sa mga kaibigan niya.
Hindi kami umabot sa Roxas kaya hindi traffic yung dinadaanan namin. Sa Party Fowl nila ako dinala and its my first time here. Puro chicken yung pagkain nila dito kaya kung ano ang sakanila yun nalang din ang inorder ko.
"May girlfriend ka na Brice?" I asked him. Binaba niya naman yung iniinom niya na juice tsaka tumanggo. Naghihintay pa kami nong order namin.
"Talaga? Sino?" I asked again.
"Wag mo ng itanong Capri mag b-break din sila bukas tapos sa iisang araw may bago na naman yan. Fuckboy kasi Amputa!" Nakangising sabi ni Fern.
My eyes widened because of what Fern said. Sinamaan naman siya ng tingin ni Brice.
"At least may jowa ikaw wala." Sabi din ni Brice sa kanya.
"Tangina mo Bro! Pag asaran, asaran lang walang personalan." Napakamot si Fern sa ulo niya. Natawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Between the Ocean and Sky (Course Series #1)
Novela Juvenil[UNDER EDITING!] Course Series #1 Between the Ocean and Sky A story of a Mariner and a Flight Attendant. "If you want to know how much I love you, count the the waves." - Ship Captain Presly Knox Foster "I love you 38,000 ft." - Chief Flight Attenda...