Kabanata 15

2.8K 60 5
                                    




"Putangina ka talaga Tyrus!"


Sigaw ni Shannon pagkatapos niyang dinura yung tubig na bigay sa kanya ni Tyrus. Tinignan niya si Tyrus na tawang tawa habang naglalakad palayo sa amin. Tuluyan na siyang tumakbo nong tumayo si Shannon mula sa pagkakaupo sa bleacher para habulin si Tyrus.


Andito kami sa Gymnasium ngayon at kakatapos lang ng P.E namin. Linapitan kami ni Tyrus dito sa kinauupuan namin at binigyan ng mineral water si Shannon.


Hindi sana yun tatanggapin ni Shannon kasi baka pinagt-tripan na naman siya kaso wala na siyang choice kasi uhaw na uhaw na din siya. Pero mali talagang tinanggap niya yun, tama nga siya pinagt-tripan talaga siya ni Tyrus.


"Problema non?" Tanong ni Eurika. Nilapitan niya yung mineral na iniwan ni Shannon at inamoy iyon.


"Amoy fishpond!" Nakangiwing sabi ni Eurika at inilayo ang mineral sa ilong niya.


"Ewww!" Nandidiri naming sabi ni Kalice at nilingon sila Shannon at Tyrus na naghahabolan na sa court.


"Ba't hindi yun napansin ni Shannon?" Tanong ko.


"Uhaw na uhaw na siguro." Sabi ni Kalice kaya nagtawanan kaming tatlo.


Tawa lang kami ng tawa nong dalawa habang nakatingin kinila Shannon. Nahabol na niya si Tyrus at sinasabunotan pa habang sinusubukang sipain yung tiyan ni Tyrus.


Nagtinginan na din yung ibang students sa kanila at tumatawa din. Inawat sila nong dalawang kaibigan ni Tyrus habang tumatawa. Nang mailayo sila sa isa't isa sinamaan ng tingin ni Shannon si Tyrus bago naglakad pabalik dito.


"Ano inuuhaw ka pa? Inom ka pa oh." Tumatawang sabi ni Eurika at inabot pa yung bote ng mineral water.


"Bwesit to!" Sabi ni Shannon at tinanggap yung bote at tinapon yun sa basurahan na malapit sa amin.


"Naisahan ka na naman Shannon." Tumatawa kong sabi nakisabay din yung dalawa sa pagtawa habang si Shannon naman ay napabusangot.


"Lunch na tayo guys gutom na ako." Sabi ni Kalice kaya inayos na namin ang mga gamit namin at lumabas na ng Gymnasium.


"Tapos na kayong mag lunch?"


Tanong ko kay Art nang makasalubong namin siya na kasama si Keonna. Tumingin ako sa hinahawakan niya. Putik?! Ang kakapal ng mga librong dala niya!


"Ang kapal naman ng mga librong yan." Nakangangang sabi ni Kalice at nakatingin pa sa libro.


"Ah ano may long quizz kami, oo yun kailangan naming mag review." Nauutal na sabi ni Art at iniiwas pa ang tingin sa amin.


Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon