"Hoy! Tulala ka!"
Nabalik ako sa ulirat nong kinakaway-kaway ni Eurika yung kamay niya sa harap ko. Nagkita kami dito sa Cafeteria kasi magkaklase kami sa next class namin. Afternoon class pa kami magsama-sama nila Kalice at Shannon.
"Ikaw kaya 1 week yung red days! Tapos ang sakit pa nong puson mo." Nakabusangot kong sabi. Tumawa naman itong si Eurika.
"Kayanin mo kasi babae ka naman." Sabi niya sa akin at sumubo ng meatballs.
"Tara na nga." I said to her. Agad naman niyang inubos yung kinakain niya. After I fixed my things tumayo na ako.
"Oh check mo muna yang pwetan mo at baka may tagos ka na naman. Another blazer na naman ni Presly makukuha mo! Sana all!" She said and stood up while looking at me.
Naikwento ko din sa kanila yung nangyari last week. Hindi sila makapanewala na ginawa yun ni Presly. Hindi naman daw ganong tao si Presly kaya nagtataka sila. I just shrugged my shoulder kasi hindi ko din alam yun.
And speaking of blazer, nasa locker ko yung blazer niya. Kahapon ko pa yun dinala baka sakaling magkita kami at maibalik ko sa kanya. Plano ko sanang ihatid nalang sa room nila pero hindi ko alam kung saan. You know palipat-lipat kami ng building.
"By the way. May training ngayon yung mga soccer player? Balak kong isauli sa kanya yung blazer niya." I said while looking at my back. Chineck ko talaga kung meron ba, buti nalang wala.
"Hmmm? Mamayang lunch time. Every Tuesday and Friday kasi yung training nila." Sagot niya habang papalabas na kami ng Cafeteria.
"Okay." I answered.
Pagdating namin ni Eurika sa room namin. Agad kaming pinag-review ng mga kaklase namin kasi nalaman nilang may surprise quizz si Prof Salud. Natigil lang kami sa pagreview nong dumating na si Prof at agad na nagpa quizz.
Pababa pa lang kami ni Eurika sa building namin nong tumawag si Kalice sa kanya na nasa labas ng campus daw sila ni Shannon. Pinapapunta nila kami sa Jollibee na katabi lang sa BMSU.
"Eurika pwede bang isama natin yung kaibigan ko?" I asked nilingon niya naman agad ako. Palabas na kami ng Campus ngayon.
"Sure! No problem! Welcome na welcome siya hindi naman sa amin yung jollibee." She answered and laughed because of her joke. I laughed too and get my phone from my blazer pocket. I texted Art immediately.
To: Art bby <3
Sama ka?
From: Art bby <3
Saan?
To: Art bby <3
Lunch sa Jollibee.
From: Art bby <3
Sino kasama?
To: Art bby <3
Mga kaklase ko. Dali na.
From: Art bby <3
Okay! Okay!
Sinabihan ko na si Eurika na sasama si Art. She smiled and nodded. Nilakad lang namin yung Jollibee. Medyo nakipagsisikan pa kami sa daan. Ang dami kasing mga students na andito at kumakain ng streetfoods.
"There they are." When we entered the Jollibee agad na tinuro ni Eurika kung saan sila Shannon at Kalice.
"Hindi pa kayo nag order?" Tanong ni Eurika nong marating namin yung table nila Shannon. Umupo ako sa harap ni Shannon. Si Eurika naman sa pinaka gitna siya umupo.
BINABASA MO ANG
Between the Ocean and Sky (Course Series #1)
Novela Juvenil[UNDER EDITING!] Course Series #1 Between the Ocean and Sky A story of a Mariner and a Flight Attendant. "If you want to know how much I love you, count the the waves." - Ship Captain Presly Knox Foster "I love you 38,000 ft." - Chief Flight Attenda...