Kabanata 37

2.3K 56 1
                                    




"Caprize!Where the hell are you?"


Nakeisha shouted from the other line. Agad kong inilayo sa tenga ang cellphone ko at napangiwi. Bunganga talaga ng isang to.


"Im on my way." I answered.


"Gosh!Alam mo bang ikaw nalang ang wala dito?" Bulyaw na naman niya sa akin. I rolled my eyes and stepped the accelator when I saw the traffic light turned green.


"9:00 am pa lang Nakeisha!Alas 10 ang alis natin. Excited ka lang eh!" Bulyaw ko din sa kanya.


"Ahhh basta bilisan mo nalang!" Naiinis na sabi niya. Napataas naman ang isang kilay ko.


"Eh kung sabihin ko kaya kinila daddyLo na iwan kayo?Ba't galit ka?" I said.


They are coming with us. Ngayon yung araw na eh babyahe yung kauna unahang cruise ship ng RF marine corp. Actually, hindi lang sila Nakeisha ang sasama kundi ang buong barkada nila mommy at daddy kasama na din yung mga anak nila.


Hindi makakapunta si Art kasi may duty siya ngayon hanggang bukas. Nainggit nga iyon sa amin eh. 3 days and 2 nights kami sa cruise ship, sakto naman sa Thursday ang uwi namin tapos sa Friday duty ko na ulit.


"Ah eh...galit ba ako?Hindi ah!" Napatawa naman ako sa sagot ni Nakeisha.


"I'll hang up now, malapit na ako sa port." Sabi ko.


"Sige!Ingat." She said. I did not answer anymore and ended the call.


After 15 minutes narating ko na din yung port. Napanganga ako ng madaanan ko yung cruise ship, sobrang laki at ang ganda. Nadaanan ko din sila mommy na nakatingin sa sasakyan ko kaya I beep my car at them at dumeritso na sa private parking lot.


Pagkababa ko, sumalubong sa akin ang malakas na ihip ng hangin. I smiled when I saw my friends running towards me, except kay Niko na nakapamulsa lang na naglalakad.


"Capri!Kita mo yan?Ha?Shit sobrang laki tapos ang ganda pa!I just want to stay there for the rest of my life!Charot!" Sabi ni Nakeisha pagkarating nila sa pwesto ko, tinuro pa nito ang cruise ship.


"Kaya naman pala sobrang excited mo!" I said at mahina siyang binatukan, tumawa lang naman siya kaya napailing nalang ako at binalingan ko ng tingin si Max.


"Himala at naisipan mo ng lumabas sa kwarto mo?" Nakangising sabi ko sa kanya, we all chuckled when she pouted.


"Siya pa yung may ganang magmukmok eh siya naman yung nanakit ng tao." Pang-aasar ni Maceo ka Max. Nag-iba naman yung ekspresyon ni Max at handa na sanang sapakin si Maceo ng maunahan siya ni Niko.


"Aray ko!" Sigaw nito at hinawakan ang ulo niya na binatukan ni Niko. Tinignan niya si Niko ng masama pero agad namang napaiwas nang makita na sinamaan din siya ng tingin ni Niko. Napailing nalang kami nila Max at Nakeisha.

Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon