Kabanata 16

2.6K 57 4
                                    




"Ang sipag mo naman Capri!"


Saba sa akin ni Kalice habang nakatingin sa sinusulat ko. Andito kami sa korean restaurant na kinainan namin noon dito namin napag-isipan na kumain. Nakakasawa na din kasi sa Cafeteria.


Pagkatapos naming magpractice kanina agad akong nag text sa tatlo at niyayang mag lunch. Actually kaya ko sila niyaya para makahingi ng notes sa mga lessons sa same subjects na pinapasukan namin. Nagsusulat ako ngayon. Tapos na din naman akong kumain.


Excuse lahat ng kasali sa dance troupe ngayon at lalo na bukas. Kanina, tuwing may nakakasalubong ako na classmates ko sa ibang subject kinapalan ko talaga ang mukha ko at nanghingi ng notes. Kahit na busy at pagod dahil sa practice namin humahabol pa din ako sa klase.


"Syempre! Mahirap na at baka mabagsak pa ako." I said still writing.


"Sus kahit na wala kang notes pasado ka pa din! Ang talino mo kaya! Valedictorian kang gumdrate ng SHS diba?" Shannon said and asked. Napalingon naman ako sa kanya na nasa tabi ko.


"Iba na ngayon kaysa sa SHS mas mahirap ang college no!" I said at nagpatuloy sa pagsulat.


"Hindi na kami magtataka na magiging Summa cum laude ka pag graduate natin." Dagdag ni Eurika sumang-ayon naman yung dalawa. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagsulat.


"Are you seeing what I am seeing?" Sabi ni Kalice na nasa harap ko.


"Ang ganda niya! Who is she?" Sabi din ni Eurika.


"After Capri may bago na naman siyang kasama? Don't tell me nagiging fuckboy na si Presly?" Napatigil ako sa pagsulat nang marinig ang pangalan ni Presly. Napatingin ako sa likuran ko kung saan nakatingin yung tatlo.


Presly and his friends is now with the girl na kasama din ni Presly noong byernes. Magkatabi si Presly at yung babae habang naglalakad patungo sa counter. Nilayo ko agad ang tingin sa kanila ng maramdaman na naman ang kirot sa puso ko.


"Kilala mo yan Capri? Magkaibigan naman kayo ni Presly." Tanong sa akin ni Eurika.


"Hindi naman kami ganun ka close para sabihin niya sa akin yan." I just said and continue writing. Kanina habang nagsusulat iniintindi ko lahat ng sinulat ko pero ngayon ni isa walang pumasok sa utak ko.


"Baka girlfriend niya yan. Supper close nila eh." Sabi ni Kalice.


"Impossible! Bukod kay Capri wala na akong kilala na babaeng kaibigan niya." Shannon said.


"Tapos na kayong kumain?" I asked and looked at them. Nag sitanggohan naman sila kaya inayos ko na yung mga gamit ko.


"Tara na." I said and stood up. Nagsitayuan naman sila at naglakad na.


Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon