"Nakakainis talaga si Tyrus!"
Naiinis na sabi ni Shannon at padabog na umupo sa tabi ko. Galing siya sa room namin kanina at kinuha yung naiwan niyang libro.
Andito kami sa harap ng building sa last subject namin. Nakaupo kami dito sa mga nakahelerang sementadong lamesa at upuan.
Friday ngayon at naka P.E uniform kami. Isang white t-shirt ito at sa harap nakatatak ang school logo at navy blue na jogging pants at may nakatatak na BMSU sa right side.
May jacket din kaming navy blue na suot at may apilyedo sa likod namin tsaka white shoes and dapat lahat ng babae ay naka braid ang buhok. Si Kalice yung pina braid ko sa buhok ko na haggang bewang kaya ayun nag reklamo kanina.
"Tyrus? Yung sinadyang tamaan ng bola sa basketball ang ulo mo?" Natatawa kong tanong. Kaya napabusangot siya.
Kanina kasi habang busy yung mga kaklase namin sa pagb-braid ng mga buhok, yung iilang lalaki naming kaklase naglalaro ng bola. Ewan ko at anong trip ni Tyrus at tinaponan ng bola si Shannon, tawa pa siya ng tawa ng makita niya ang itsura ni Shannon.
"Ba't ba? Ano na namang ginawa?" Tanong ni Kalice. Tinignan namin siya at hinintay ang sagot.
"Nakasalubong ko siya habang pababa ako papunta rito, akala ko itatapon na naman niya yung bola sa akin kaya umilag ako. Trip niya lang pala niya! Mukha tuloy akong tanga." She explained at tumingin sa likuran nila Eurika at Kalice.
Nakita naming nakatingin dito si Tyrus at nakangisi kay Shannon. Nakaupo siya sa sementadong lamesa habang nilalaro yung bola ng basketball.
"Naku teh! Baka may gusto sayo! Kaya ganun." Sabi ni Eurika kay Shannon. Nagreact naman ito agad.
"Yak! Hindi ko siya type no! Hell! Hindi ko siya gusto!" Nandidiring sabi niya.
"I didn't say that you like him and I didn't ask if you like him. I just said that baka gusto ka niya hindi gusto mo siya." Sabi ni Eurika at diinan ang pagkasabi nong pinakahuling salita.
"Ikaw ha! Kung ano-ano ang nandiyan sa utak mo." Panunukso ko sa kanya habang nilalaro ang dulo ng naka braid ko na buhok.
"Baka gusto niya din! Ayieeee!" Dagdag din ni Kalice kaya sabay kaming tatlong tumawa.
"Isa din kayo! Nakakainis!" Sabi niya at padabog na kinuha yung libro na nakalagay sa harap niya at nakabusangot na nagbasa. Nagkatinginan naman kami nong tatlo at pinigilang tumawa.
Busy kaming tatlo sa pag c-cellphone. Halos nasa labas ang mga students at hinihintay na mag lunch break katulad namin. Pinindot ko ang messenger ko at hinanap ang pangalan ni Art at chinat ito.
Me: Bili ka foods! Malapit naman building mo sa Cafeteria.
Artemisa Ezri Turner: Gaga! Pera muna!
Me: Oo na babayaran kita! Andito kaming apat sa harap ng bldg 2431 diretso ka dito pagkatapos mong bumili! Pang apat ang bilhin mo ha!
Artemisia Ezri Turner: Alalay mo ako sis? Oo na! Bye!
Napailing nalang ako sa reply niya. Minsan talaga ang tamad niya pero masunirin naman. Ha? Ano daw? Ang labo! Ewan ko sayo Capri! Baliw!
"Guys papunta dito si Art, pinabili ko ng lunch natin." Nakangiting sabi ko at inilapag sa taas ng libro ang cellphone ko.
Natuwa naman yung tatlo. Bumalik na din yung mood ni Shannon at nakipag-usap sa amin. Napangisi ako, pagkain lang pala ang katapat nito eh. Nag-usap lang kami. Nagkwento si Eurika sa mga katangahan niya kaya sobra yung tawa naming apat. Pareho pala kami eh! Puro katangahan ang buhay!
BINABASA MO ANG
Between the Ocean and Sky (Course Series #1)
Fiksi Remaja[UNDER EDITING!] Course Series #1 Between the Ocean and Sky A story of a Mariner and a Flight Attendant. "If you want to know how much I love you, count the the waves." - Ship Captain Presly Knox Foster "I love you 38,000 ft." - Chief Flight Attenda...