Kabanata 10

3.1K 63 5
                                    




"Who's that?"


Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita si Daddy na pababa ng hagdan at nakapamulsa. Nakita niyang may naghatid sa akin?! 


"You're home?!" Tanong ko sa kanya at inilagay sa sofa ang gamit ko. He stopped in front of me and crossed his arms. Tumingkayad ako at hinalikan ang pisnge niya.


"Obvious?" I pouted. Minsan talaga dinadalaw si Daddy ng kasungitan niya.


"Now, who's that again young Lady?" Dad asked and raised his eyebrows. I pouted again because of what he calls me.


"A friend of mine , haggang alas 7 pa yung klase ni kuya tapos ang hirap pang maghanap ng taxi sa BMSU buti nalang inaya niya akong sumabay sa kanya." I explained.


"Boy or girl?" He asked again.


"Lalaki! Pakialamero ka din minsan daddy eh." Naiinis na sabi ko and crossed my arms too.


"Eh ano naman ngayon? I'm your father." He proudly said kaya napangiwi ako. Tinutupak na naman.


"Ingat ka sa mga lalaki . Some of them are just playing." Seryosong sabi ni Daddy.


"So you're saying na pinapayagan mo na akong magka jowa?" I said habang nakangiti at tinaas baba ang mga kilay ko.


"Why would I? You're just 19, so its a no for me." Nakataas ang isang kilay ni Daddy habang sinasabi yun.


"Eh bakit si Tita Zadie 18 pa lang noon pinayagan niyo na?! I'm 19 kaya pwede na." I pouted after I said that.


"Ewan ko sayo isusumbong kita sa mommy mo." He said and put his hands inside his sweatshort pockets.


"For sure papayag si mommy." I proudly said and smirked at him.


"Whatever. Take a shower! You stink." Sabi niya at tinakpan ang ilong gamit ang nike gray T-hirt niya.


"Ang bad mo!" I shouted at kinurot ang braso niya. He chuckled at kinuha ang pagkakatakip nong damit niya.


"Sige na!" Ginulo niya muna ang buhok ko bago siya pumasok sa kusina namin.


Kinuha ko ang gamit ko na nilagay ko sa sofa kanina at umakyat na sa kwarto ko. I turned on the aircon and put my things above my study table chair.


Kinuha ko ang I.D ko sa pagkaclip non sa blazer ko at sinunod iyong tanggalin. Tinaggal ko din ang black highheels ko.


Pabagsak akong humiga sa kama ko at bumuntong hininga bago pinikit ang mata. Ilang minuto din akong nakapikit bago nilingon ang cellphone ko na tinapon ko dito sa kama ko.

Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon