"Ano ba Maceo! Pinag t-tripan mo lang kami eh!"
Sigaw ni Nakeisha at napatakip sa ilong. Ganon din kami nila Art at Max. Inutusan namin si Maceo na picturan kaming apat, tinanggihan niya kami at sinabi na si Niko lang daw kasi siya yung gagawa ng effects.
Pumayag naman kami pero hindi kami nag expect na buhangin yung itatapon niya sa amin kaya nagsitakipan kami ng ilong at mukha. Nasa beach kami ngayon na pagmamay-ari ni Tito Aiden.
Kakatapos lang ng exam namin kahapon. Sakto namang nagplano sila mommy at sila Tita Astrid na mag o-outing sila kaya nagsisama kami nila Art. Kahapon pa kami dito at uuwi kami bukas ng hapon.
"Tanginang mga mukha yan!" Sabi ni Maceo ng makita niya ang mga reaction namin. Nakahawak pa sa tiyan niya habang tumatawa.
"Bwesit ka talaga!" Sigaw ko sa kanya at hahabulin na sana ng biglang may tumama na tsinelas sa ulo niya.
"Aray ko!" Daing niya at nakahawak pa sa ulo niya. Nilingon namin si Niko na siyang nagtapon nong tsinelas.
"Kalokohan mo." Sabi niya kay Maceo.
"Alam mo mana ka kay daddy ang-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya.
"Sinong nagmana sa akin?" Agad kaming napatingin sa gilid namin ng marinig ang boses ni Tito Maverick. Napaayos naman ng tayo si Maceo.
"Dad." He said ng makita ang ama.
"Pinag t-tripan na naman niya kami Tito! Taponan ba naman kami ng buhangin!" Pagsusumbong ni Max. Nagsamaan naman sila ng tingin ni Maceo.
"Sumbongerang pinsan." Bulong niya at inirapan si Max.
"Maceo Jake, to the hotel room now." Maotoridad na sabi ni Tito sa kanya.
"Eh Dad ang layo pa no-" Pinutol na naman ni Tito ang sasabihin niya.
"Wag puro reklamo. Get my iPad and laptop there. And the rest go back to the cottage , lunch is ready." Sabi ni Tito at binalingan kami ng tingin bago siya tumalikod.
"Nasa outing na nga mag t-trabaho pa." Sabi ni Maceo at nagsimula ng maglakad. Huminto naman siya sa harap ni Max at nagpataasan ng noo.
"Problema mo?" Masungit na tanong ni Max sa kanya.
"Mahal kita eh kaso sumbongera ka." He said.
"Hala si OA!" Max said. Nagkunwari pa itong nasusuka. Napasimangot nalang si Maceo. Tumatawa kami nila Art at Nakeisha habang papalayo si Maceo habang si Niko umiiling lang habang naglalakad para pulutin yung tsinelas na tinapon niya.
Pagbalik namin sa cottage agad kaming tumabi sa mga kuya at ate namin. Ang daming alak sa table nila lalong-lalo na sa mga magulang namin. Uminom silang lahat except sa akin. I know liquors name but I don't drink.
BINABASA MO ANG
Between the Ocean and Sky (Course Series #1)
Novela Juvenil[UNDER EDITING!] Course Series #1 Between the Ocean and Sky A story of a Mariner and a Flight Attendant. "If you want to know how much I love you, count the the waves." - Ship Captain Presly Knox Foster "I love you 38,000 ft." - Chief Flight Attenda...