Kabanata 11

2.9K 72 7
                                    




"Desisyon mo yun tapos ngayon nagrereklamo ka. Ewan ko sayo Kevlar Void!"


"Bakit Mommy?" I asked nang marinig ang sabi ni mommy. Kakapasok ko lang dito sa kusina at umupo sa harapan nila ni kuya.


"Hindi sanay kuya mo sa schedule niya na 7 to 7." Sagot ni mommy at uminom ng kape.


"Lumipat pa kasi! Balik ka nalang sa RFU kuya!" I said at umabot ng isang sandwich from the plate in front of us.


"No, Okay na ako." He answered habang ngumunguya.


"Ang gulo mo kuya." Sabi ko at kumagat sa sandwich. Mommy laughed.


"By the way, sama kayo? Pupunta kami ni Daddy niyo mamaya kinila lola at lolo niya. Mga alas 3 siguro dadating na Daddy niyo baka doon na din kami mag dinner." Mahabang sabi ni mommy.


"I want to go but I can't. Pupunta ako sa library ng BMSU ngayon Mommy." I said at tumanggo lang si mommy bago binalingan si kuya na nasa tabi niya.


"Ikaw kuya sama ka?" Tanong ni Mommy sa kanya. Tumanggo lang din si kuya.


We finished our breakfast before going out from the kitchen. Si Mommy demeretso sa garden at tumulong sa mga katulong doon. Sabado ngayon at off niya for two days lunes pa ang next lipad niya.


Si kuya naman umalis muna at makikipagkita kinila kuya Xano. Babalik din siya mamaya para makapag ready sa pag-alis nila mommy. Gusto ko talagang sumama pero hindi talaga pwede. Schoolwork first


Andito ako sa kwarto ko ngayon at nag t-take note kung anong gagawin ko sa report ko. Wala akong ma search sa google about sa topic ko. Kaya napagplanohan ko na pumunta sa BMSU library at maghanap ng libro doon about sa topic ko.


Inabot ko ang cellphone ko na nasa sidetable. Naalala ko bigla si Art. Hindi na kami sabay umuwi kahapon. Just like kuya 7 to 7 ang schedule niya at sobrang busy pa. Hinanap ko ang pangalan ni Art sa contacts ko at denial iyon. Medyo matagal itong nag ring bago niya sinagot.


"Hello?" Bungad niya. Medyo humihingal pa siya sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.


"Where are you?" Tanong ko. Hanggang ngayon rinig ko pa ding humihingal siya.


"Nasa field. Kakatapos lang ng ROTC namin." Sagot niya.


"Ahhh, Samahan mo ko sa library. Pupunta din ako diyan ngayon." I said.


"Gaga! Haggang alas 4 pa tong ROTC namin." She said. My eyes widened because of what she said. Seriuosly!?


"Ano? So buong araw kayo magbibilad sa araw?"Hindi makapanewalang sabi ko.Heck!Ang init kaya ngayon!


Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon