"Did you bring extra clothes?"
Tanong sa akin ni kuya pagkapasok ko sa kotse niya. Tumanggo ako sa kanya habang sinusuot yung seatbelt ko bago pinakita yung paper bag na dala ko. Sinabihan ko silang tatlo nila mommy at daddy about sa pagsali ko sa Dance troupe ng BMSU.
"Ba't hindi ka naka uniform kuya?" Tanong ko sa kanya nong mapansin na hindi siya naka uniform. He's only wearing a white plain t-shirt and ripped jeans.
"Training." Maikling sagot niya at nagsimula ng magdrive.
"Sa Star fly?" I asked.
"RF Airline." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sagot niya.
"What? Akala ko sa Star fly nag t-training ang mga taga BMSU? Paano nangyari na sa RF Airline?At tsaka diba hindi tumatanggap si Daddy ng trainees sa RF Airline kung hindi galing sa RFU? Bakit hindi sa G&Airline?" Sunod-sunod na tanong ko kay kuya.
"Daddy suggested our airline, you know him too many connections and I don't know why did he suggested the RF company." Kuya answered and shrugged his.
"Well okay na kung ganon para kapag 4th year at mag t-training na din ako hindi na ako mag a-adjust." Nakangiting sabi ko kay kuya at tumingin sa harap namin. Hindi na din naman siya nag salita.
Hindi na ako sumama kay kuya sa parking lot at nagpahatid lang sa main gate ng RFU. Medyo malayo kasi yung building ko sa parking lot baka ma late na naman ako.
Pagdating ko sa room namin agad akong tumabi kinila Shannon. Magkakasama na naman kaming apat sa first subject. Habang papalapit ako sa tatlo nakatingin lang sila sa akin.
"Ba't may dala kang paper bag?" Nagtatakang tanong ni Eurika habang nakatingin ang mata sa paper bag na dala ko.
"Extra clothes." Maikling sabi ko at umupo sa tabi ni Shannon. Inilapag ko din yung paper bag sa sahig malapit sa paa ko.
"Para saan?" Nakangiwing tanong ni Shannon.
"Sumali ako sa Dance troupe." Sagot ko.
"What?!" Sabay na sigaw nong tatlo kaya nagsitinginan sa amin yung mga kaklase namin.
"Yes. Sinali ako ni Presly." I said.
"Ano?!" Sigaw na naman nila kaya napatakip ako sa tenga ko.
"Alam niyo yang mga bunganga niyo!" Naiinis na sabi ko sa kanila at isa-isang pinagpapalo yung mga braso. Lumalayo naman sila sa akin.
"Ako muna magtatanong. Sumali ka sa Dance troupe so magaling kang sumayaw?" Sabi ni Shannon at tinakpan muna yung mga bibig nong dalawa bago ako tinanong.
BINABASA MO ANG
Between the Ocean and Sky (Course Series #1)
Novela Juvenil[UNDER EDITING!] Course Series #1 Between the Ocean and Sky A story of a Mariner and a Flight Attendant. "If you want to know how much I love you, count the the waves." - Ship Captain Presly Knox Foster "I love you 38,000 ft." - Chief Flight Attenda...