Kabanata 18

2.9K 63 6
                                    




"Hoy! Baliw ka ba? Kanina ka pa nakangiti!"


Nawala ang ngiti sa labi ko at nilingon si Kenzie na nasa tabi ko. Hindi nawala sa utak ko ang pinagsasabi ni Presly sa akin kanina. Hinatid pa niya ako pabalik sa Dance Room na nakahawak sa kamay ko. Kaya naman lahat ng mata ng students naa sa amin at nagbubulungan pa.


Buti nalang hindi siya nagpakita sa ibang dancer for sure I-interviewhen na naman nila ako. Kaya simula kanina hanggang pumunta kami dito sa Gymnasium hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at napansin pala yun ni Kenzie.


"No, I'm not." Pag d-deny ko.


"Liar! Share naman diyan?!" She said at mahina akong tinulak. I smiled at iniling ang ulo.


"Saan na ba si Coach?" Tanong ko at hinanap ng mata ko kung nasaan si coach.


Halos mapuno na ng students ang Gymnasium. Madilim na din dito at tanging stage lights lang ang nagbibigay liwanag dito. Ang lakas na din ng music na pinapatugtog. There are also students from different schools.


"Napaka change topic nito! Busy yun sa pagtulong sa set up kaya huwag ka ng umasa na makikita mo pa si coach." Kenzie pouted before answering me.


"Okay. Dito muna kayo hahanapin ko lang mga kaibigan ko." I said tumanggo lang siya at umalis na ako sa pwesto namin para hanapin sila Shannon pati din si Art.


Hindi pa naman ako nakakalayo sa pwesto namin nang makita ko si Art at si Keonna na may kasamang matangkad na lalaki na nakasuot ng white longsleeve, black pants and white converse shoes. Mukhang naghahanap sila ng mauupuan.


"Ba't ngayon lang kayo?" I asked kaya napalingon silang tatlo sa akin. Nagulat naman si Art nang makita ako. Palipat-lipat naman ang tingin ko sa kanya at sa lalaking kasama niya.


"We ate our dinner first. Nilibre kasi kami nitong si Dazz." Si Keona na ang nagsagot.


"Wag mo kong titignan lang babae!" I said and snaped my finger in front of her face. Bigla naman siyang natauhan at tumikhim.


"Nga pala Capri, si Dazzler yung law student na kaibigan ko. Dazz, si Capri childhood bestfriend ko." Pagpapakilala ni Art sa amin. Ngumisi naman ako sa kanya, sinamaan naman niya ako ng tingin. I didn't mind her at nilipat ang tingin kay Dazz at ngumiti.


"Nice meeting you Dazz." Sabi ko at nilahad ang kamay ko. He just nodded at tinaggap ang kamay ko. Ay cold type!


"Naghahanap kayo ng mauupuan?" I asked them tumanggo naman sila Keona at Art.


"May pwesto pa doon sa kinauupuan ng troupe tara doon tayo." Yaya ko sa kanila sinundan din naman nila ako.


"Pwedeng hiramin ko muna si Art? Hahanapin din namin yung tatlong kaibigan namin." I said to Keonna and Dazz nang makaupo na sila sa bleacher.


Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon