Simula

1.8K 28 1
                                    

"Never jugde a book in its beginning." --silentfurrycat

~*~

Simula

"Congratulations love birds!" bati ko sa newly weds na nilapitan ko.

Kakatapos lamang ng kasal ng dalawang kaibigan kong ito at narito na ang lahat ng bisita sa sea side restaurant ng hotel ko. Dito nila napili na mag-reception dahil dito rin naman sila nag pre-nup noong engaged pa lamang sila.

Ngumisi kaagad ang haliparot na si Klaudia sa akin nang makita niya akong nakalapit na sa kanila. "Oh my gosh! Thank you, Madame Lazigosia! Hectic na hectic ang schedule nito pero um-attend pa rin! Lakas ko talaga!" humalakhak si Klaudia sabay lingkis ng kaniyang braso kay Caspian na dati niyang hinahabol-habol noon, ngunit ngayon ay asawa na niya. 

Iba rin talaga ang fighting spirit ng babaeng 'to, e. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang iniyakan si Caspian pero bilib ako sa kaniya dahil hindi niya ito sinukuan. Caspian used to ignore and hate her but now look at these two. Napailing na lamang ako bago hinawi ang maiksi kong buhok na masuyong nililipad ng hangin.

Klaudia and Caspian are my friends. I met them in manila during my college days. 

Inirapan ko ang nakangising si Klaudia. "Drop the Madame, Klaud. Nang-aasar kana naman. We're best friends." sambit ko. Well, I have been telling her a long time to stop calling me Madame and consider me as her friend just like before but she didn't stop. She keeps on teasing me.

"Oh! Sorry." she laughed. "Madame-- I mean, Fleur! Hindi ko ma-iwasan! Owner kana kasi ng isang sikat na Hotel, e! Parang dati, nakiki-tulog kapa sa condo ko. Time flies so fast!"

I just smiled at the thought. "Yeah it is... Sana patuloy lang na bumilis ang paglipas ng panahon..." makahulugan kong sambit.

Matapos kong makipag-kwentuhan sa bagong kasal ay nagpaalam na ako na aalis na dahil marami pa akong kailangan gawin. Marami akong trabaho na kailangang tapusin ngayong araw. Kung hindi nga lang malapit si Klaud sa 'kin ay hindi ako dadalo sa kasal na 'yon. Simply because I hate weddings... I don't like seeing lovers getting married and exchanging their wedding vows in front of the altar. It reminds me of my past. Ang nakaraan na gusto ko na lamang ibaon sa limot o kaya naman ay ipatangay sa mga malalaking alon sa dagat upang hindi ko na iyon maalala pa. I just get hurt every time those memories haunt me.

I hate those memories... I really hate it. Kung pwede nga, magka-amnesia na lang ako para makalimot na ako. Keeping those memories inside my head makes me sick. Ano nga ba kasi ang dapat na gawin upang makalimutan ko iyon?

Bago ako tuluyang makabalik sa opisina ko dito sa hotel, napasulyap ako sa tabing dagat. Tirik ang araw kaya naman maraming mga turista ang nandoon at nagkakasiyahan sa paglangoy.

Sa dalampasigan, naroon ang mga nakahilerang sun lounger. Ang ilan ay inuukupa ng ilang turista upang mag sun bathing.

Habang pinagmamasdan ko ang mga tao roon na lumalangoy at nagsasaya sa paghahabulan sa tabing dagat, isang alaala ang bigla na lamang lumitaw sa isipan ko.. Parang may isang matalim na bagay ang tumusok sa dibdib ko dahil doon.

"Era! 'Wag kang lumayo sa'kin at baka tangayin ka ng alon!"

Napalingon ako sa lalaki na sumigaw sa may bandang likuran ko. Nasa dagat ako at hanggang baywang tubig sa katawan ko habang siya naman ay nasa dalampasigan. He was just wearing a black beach short. Wala man lang siyang suot na pang-itaas o tsinelas kaya naman kitang kita ang magandang hubog ng katawan nito na para bang alagang-alaga sa ehersiyo. Magulo ang itim at medyo tuwid nitong buhok habang naniningkit ang mga matang nakasunod sa 'kin. Tirik na tirik ang araw at natatamaan no'n ang maputi at makinis niyang balat. Mukha talaga siyang anak mayaman. Simula nang mapadpad siya rito sa Isla ay hindi na magkanda-ugaga ang mga kababaihan dito sa pagtitig sa kaniya. Napairap ako sa bagay na iyon.

Unwanted Waves (ECS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon