-7-

22 1 0
                                    

Mabilis lang lumipas yung araw. Yung pito ayun sobrang busy na dahil malapit na yung Anniversary celebration nila and yung come back nila. Sobrang awang awa na nga ako dun sa pito dahil halos sa company na matulog.

Gaya ng sinabi ni Ji Ah nung nakaraan pupunta nga sila unnie dito sa Seoul para bisitahin kami kasama yung kapatid niyang tukmol na si Troy pati si Mama Gen. Hindi daw nakasama si Tita Jes, mama nila unnie dahil may aasikasuhin daw.

I just wear my favorite pair of denim shorts and a white shirt. I'm also wearing my favorite white shoes na niregalo ni Jungkook last year. Ngayon kasi ang dating nila unnie kaya susunduin namin sila sa airport kasama si Tito.

Nung medyo malapit na kami sa airport ay panay na tawag ni Troy sakin sa skype.

"yow wazzup panget" bungad ko pagkasagot ko ng tawag niya.

"Wow huh, di talaga uso hello sayo." sabi niya may pag-irap pa ang tukmol. medyo bakla.

"Bading ka ba para umirap? anyway, bakit ka nagcall?" natatawang tanong ko sakanya pano kasi panay irap ni tanga.

"Dito na kami sa lobby ng airport. Mga 2hrs ba kami dito. Si Ate umuusok na yung ilong bagal niyo daw" kunyareng inis na sagot niya.

"Huh? Ulaga ka ba? bat parang ang aga niyo?" nagtatakang tanong ko dahil iba yung sinabing oras ni unnie sakin nung tumawag siya kahapon.

"pano kasi may isang tanga dito, sa sobrang pagkaexcite maling oras yung nasabi sayo. It was supposed to be Harper's flight" narinig ko naman na napasinghap siya dahil binatukan ng ate niya. Harper is one of their cousins who is based in America. Malapit din naman kami kay Harper pero hindi katulad sa magkapatid dahil nga hindi naman din namin siya madalas makasama.

"oh, i see. lapit na kami see youu!" nakangiting sabi ko bago ko pinatay yung video call.

Medyo traffic na din papasok sa airport dahil andaming fans na nagkalat may darating ata na artista or baka lalabas ng bansa dahil dun medyo nahirapan din pumasok yung van, naharang pa nga kami akala sasakyan ng artista. Kami na lang ni Ji Ah ang pumasok sa loob para sunduin sila. Iniwan namin si Tito sa van dahil mahirap na baka matsismis, may mga media pa naman kaming nakita dito.

"Mama Gen!!!!!" matinis na sigaw ni Ji Ah kaya napalingon agad sila samin kahit kailan talaga napaka-eskandalosa ng bunganga netong bestfriend ko.

"Mga anak" sabi ni Mama Gen sabay yakap saming dalawa. She always call us 'anak' kahit nung na sa Pilipinas pa kami kaya nasanay na din kami after all siya na lang at si Tita Jes yung mother figure na meron kami.

"Unnieee" masiglang bati ko atsaka siya dinamba ng yakap na sinundan din ni Ji Ah at dahil may pagkaloka-loka kami hindi namin pinansin si Troy.

"Ay wow, sana pala hindi ako sumama dito, di naman ako nainform na di pala ako nag eexist sa paningin niyong dalawa" angal ni Troy sa tabi ni Jherzy

"Asus, nagdrama kala mo naman pogi. Panget ka pa din uy" pang-asar ni Ji Ah kaya agad kaming natawa dahil mas lalong lumukot yung mukha ni Troy. Troy is handsome. May dating din naman ang itsura ni Troy yung tipong mapapasecond look ka talaga pero we always tease him na pangit dahil masarap siyang asarin may pagkapikon din kasi.

"Nagsalita ang maganda eh pangit di naman" balik niya kay Ji Ah kaya agad siyang nakatikim ng sapok. "Kyung, saklolo naman" baling niya sakin dahil pano ayaw siyang tigilan ni Ji Ah kakahampas.

"Neknek mo" natatawang sabi ko pagkatapos ay hinila ko na yung luggage ni Mama Gen para makalabas na kami ng airport dahil baka naiinip na si Tito dun sa van.

Mabilis lang ang naging byahe namin pabalik sa bahay. Pinagpahinga na muna namin sila dahil for sure mga pagod yun sa byahe.

Since wala rin naman akong magawa dito sa bahay nagdecide na lang akong pumunta sa company para bisitahin yung pito. Wearing the same outfit nagtungo muna ako sa isang cafe para bumili ng meryenda nila. Nung nakuha ko na yung mga inorder ko ay dumiretso na agad ako sa company.

When I arrived there naabutan ko silang nagpapractice. Just by looking at them alam kong kanina pa sila dito dahil kahit naka-aircon na ay basang-basa pa din sila ng pawis.

Napako yung tingin ko kay Jungkook. He look so tired pero tuloy pa din siya sa pagsayaw. That's one thing that I really admire about him, he's so passionate on what he's doing. Isa rin yun sa dahilan kung bakit nainlove ako sa kanya.

He look so good in white. Simpleng sweatpants at tshirt na puti lang yung suot niya na tinernuhan ng itim na rubber shoes pero ang lakas ng dating plus nakatalikod pa siya sakin pano na lang kung humarap edi tulo laway na talaga.

Sa sobrang busy ko sa panonuod sa kanya hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Jimin Oppa "baka matunaw Kyung" bulong niya na ikinagulat ko.

"ay pandak" sigaw ko sa sobrang gulat pero agad din ako nagsorry kay Jimin Oppa. "sorry hehe, kanina ka pa dyan Oppa?"

"Oo, kitang kita ko nga kung pano kamuntik tumulo yung laway mo" biro niya kaya nahamapas ko siya pero siya ay tawang tawa lang.

Ganun na ba ako katulala kay Jungkook para tumulo laway ko. Grabe naman kasi likod pa lang ang lakas na talaga ng hatak.

"Hoy, maknae! Tara na dito. Masyado ka namang nawili dyan kakasayaw" may halong ngising tawag niya kay Jungkook na hindi pa rin ata alam na nandito ako.

Medyo nagulat pa nga si Jungkook nung nakita niya akong naka-upo. Agad naman niya akong nilapitan at sinalubong ng bunny smile niya.

"Uy love, kanina ka pa dyan?" nakangiting tanong niya sa aking habang nag pupunas ng pawis.

"Medyo" natatawang sagot ko pagtapos ay kinuha ko yung towel sakanya at ako na nagtuloy mag punas ng pawis niya.

"Ang tamis naman, pati ata yung paminta lalanggamin. Kaumay." pang-asar ni Jimin Oppa. Sus bitter lang kasi natotorpe umamin kay Ji Ah halata naman na nalove at first sight siya dito nung bumisita sila sa Pinas.

Napansin ata ni Jin Oppa yung mga drinks and pastries na nasa tabi ko kaya agad itong lumapit sa tabi ni Jungkook at ngumiti ng napakalawak, basta talaga may pagkain ganyan itsura nyan. Dahil napansin ko na duon siya nakatingin ay inaya ko na sila konsensya ko pa pag nagutom silang pito.

"I bought some snacks" masiglang sabi ko sakanila. Agad naman silang lumapit at kanya kanyang kuha ng pagkain na dala ko. Habang etong si Jungkook mukha yatang walang balak kumain dahil nakahiga na siya ngayon sa hita ko at nakapikit na.

Hindi ko na rin siya ginising dahil mukhang napagod ata siya kakasayaw. Naawa tuloy ako sa kanya bigla. Ngayon ko na lang kasi ulit siya nakita ng ganto kalapit, yung sobrang payapa ng mukha niya. Madalas naman kaming magkita pero kasi lagi kong nakikita yung pagod sa mukha niya. Tinitigan ko lang yung mukha niya na parang kinakabisado iyon kahit na kabisado ko naman na talaga yung features ng mukha niya kahit ata nakapikit ako kaya kong idescribe yun eh. Dahil sa pag-aalala na baka mangalay siya sa ganung pwesto nagpatulong ako kay Jimin Oppa na ilipat siya sa sofa. Hindi naman siya nagising dala na rin siguro ng pagod.

"I love you, Eun Kyung" sambit niya habang mahimbing pa rin ang tulog.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon