-35-

7 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~

Jherzy's POV

Kababalik lang namin dito sa Seoul pero imbes na sa bahay kami dumiretso ay nagpahatid kami sa Bighit dahil nandun daw yung pitong itlog sabi ni Tito. Hindi sumama sa amin si Eun Kyung, hindi pa rin siguro sila ayos ni Jungkook.

Sa totoo lang ngayon lang namin silang nakitang nag-away ng ganito katagal at may involve pa na babae. Sana naman magka-ayos na yung dalawang yun, medyo masakit na sa ulo dahil kami ang laging kinukulit ni Jungkook para maka-usap si Eun Kyung pero yung babaeng yun napaka-tigas ng ulo pag ayaw niya ayaw niya talaga.

Hindi nila alam na ngayon yung balik namin dapat kasi next week pa talaga kaso nga lang nag-aalala daw si Tita Gen kay Eun Kyung at Jungkook naikwento kasi namin sa kanya na nag-away yung dalawa kaya nung araw din yun nagbook siya ng flight.

Pagdating namin sa company ay dumiretso kami sa practice room nila. Naabutan namin silang sumasayaw, hindi pa siguro sila tapos kaya hinintay na lang muna namin silang matapos.

"Babe, you're here." hindi makapaniwalang tanong ni Yoongi sa akin.

"Picture ko lang to na nagsasalita" pamimilosopo ko sa kanya. Kung sa anim ay tumatalab yung pagiging pilosopo niya sa akin hindi.

"Pilosopo talaga" rinig kong bulong niya. Natawa naman ako.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" mataray na tanong ko sa kanya dahil wala atang balak na lumapit sakin.

"Miss na miss mo naman ako, wait lang basa pa ako ng pawis" ayaw niya kasing nagpapayakap pag basa siya ng pawis dahil nanglalagkit daw siya.

Ako na lang ang lumapit sa kanya at dinamba siya ng yakap. Hindi na rin naman siya pumalag dahil mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko.

"I missed you." bulong ko sa kanya.

"I missed you too." tugon niya pabalik at hinalikan yung tuktok ng ulo ko.

Bumitaw din naman ako sa yakap para makapagbihis na din siya dahil baka matuyuan siya ng pawis.

After niyang magbihis ay niyaya niya akong kumain sa labas. Nung una nag-alangan pa ako dahil baka may makakita sa amin pero pumayag din naman ako dahil minsan lang din naman kami kumain sa labas ng kaming dalawa lang madalas kasi ay lagi kaming may kasama.

Lumabas kami ng building nang magkahawak yung kamay, kinikilig naman ako. We're still dating privately unlike Ji Ah and Jimin, nareveal na kasi yung relasyon nilang dalawa nung kinasal sila Tita Gen. Ang harot kasi ng dalawang yun nakalimutan niya sigurong may mga taga-media na invited dun.

Bilib nga ako kay JK at Eun Kyung dahil ang galing nilang magtago ng relasyon nilang dalawa pag nasa labas kami. Kami kaya ni Yoongi hanggang kailan magtatago. Lately kasi nagiging clingy and touchy na din siya sa public. Siguro pag may lumabas na dating rumor about us hindi na ako magugulat ng sobra.

"Babe, you're spacing out. Kanina pa kita tinatanong kung saan mo gustong kumain" hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.

"Ay sorry, kahit saan na lang babe." nakangiting sagot ko.

"Ano ba kasing iniisip mo? muntik ka pang matisod kanina buti na lang hawak ko kamay mo" nag-aalalang sabi niya.

"About us. I mean hanggang what if may makakita sa ating dalawa and may lumabas na article. Will your fans accept me?" napahinto naman kaming dalawa sa pag lalakad.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon