-20-

13 0 0
                                    

Please vote and comment! Lovelots <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Wala namang masyadong ganap yung Bangtan kaya lagi kaming nakakalabas pero mas madalas silang manggulo sa bahay, hindi na nga kami nakakapasok ni Ji Ah dahil sa pitong yun. Ginawang chill place yung bahay ni Tito. Katulad ngayon nandito kami ni Ji Ah dahil pinatawag kami ni Tito dahil may sasabihin daw sa amin tapos yung pito naman ay nangungulit na umuwi na daw kami dahil nasa labas daw sila ng bahay.

"Tito!" bati namin ni Ji Ah kay Tito Shiyuk na nakaupo sa swivel chair niya.

"Dahil tumawag yung Bangtan sa akin at nandun daw sila sa bahay, gusto ko lang sabihin sa inyo na the both of you should prepare your luggages" nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ji Ah.

"Haluh, Tito wag mo naman kaming paalisin sa bahay-" naputol yung sasabihin ko dahil nag salita ulit si Tito

"Anong papalayasin, pupunta tayo ng Europe kasama si Mama Gen niyo. We'll be staying there for a month" what the f--pupunta kaming Europe with Mama Gen? Tapos one month? May hindi ata tama dito bago ko pa maisatinig yung sasabihin ko ay naunahan na ako ni Ji Ah

"OMG!? Is this for real Tito? pero ano pong meron?" tanong niya.

"Travel lang. I want to spend some time with the both you" naka-ngiting sabi ni Tito.

"Eh bakit kasama si Mama Gen tas Europe pa? Are you planning something Tito?" pilyang tanong ko dahil sa nabubuong imahe sa utak ko.

"Ang rami mong tanong Eun Kyung, Wala talagang mailihim sayo. Magpopropose ako kay Mama Gen niyo, Anniversarry kasi namin" nahihiyang tugon ni Tito napanga-nga naman kami ni Ji Ah dahil sa narinig.

"Oh My Freacking Gosh!!! Tito, did i heard it right? You'll be asking Mama Gen to marry you?" kinikilig na tanong ni Ji Ah, tumango naman si Tito kaya mas lalo kaming napatili at nagtatatalon.

"My hunch is right, there's something going on between you and Mama Gen. Ilang year na po?" tanong ko nung medyo kumalma na kami.

"3 years" simpleng sagot ni Tito, titili sana ulit kami pero nag 'shh' sign agad siya. "Ayos na lahat ng travel documents niyo. Tomorrow night yung flight natin" tapos nun ay umuwi na kami ni Ji Ah dahil kawawa naman yung pito sa labas ng gate kanina pa nandun baka sirain na ni Namjoon Oppa yung gate namin.

Medyo malapit na kami sa bahay nung nakita namin silang nakatayo sa tapat ng gate. Akala mo nga batang pinalabas ng bahay at ayaw ng papasukin sa loob.  Medyo madami na din atang nakakilala sa kanila kay dumami yung tao, umikot kami ni Ji Ah para duon na lang sa backdoor dumaan.

"Love, bukas na yun gate." sabi ko sa kabilang linya.

"Okay" sabi niya at mabilis na pinuol yung tawag.

Pagpasok nung pito sa loob ay kanya-kanya agad sila ng pwesto sa sofa. Akala mo sila may-ari ng bahay. Binigyan ko naman sila ng juice.

"Ano ba kasing naisip niyo at tumambay kayo sa labas ng gate? Sana hiningi niyo na lang yung passcode kay Tito" turan ni Ji Ah at umupo sa tabi ni Jimin.

"Nalimutan namin eh, tsaka nakakahiya kaya kay Pd-nim" sagot ni Jimin sa nobya niya.

Ay may hiya pa pala sila sa lagay na yan, halos dito na nga sila tumira. Joke lang, okay lang din naman kay Tito na dito sila tumatambay dahil para din daw may kasama kami yun nga lang hindi kami nakakapasok ni Ji Ah dahil madalas sila dito.

"Ay oo nga pala, mawawala kami ng one month" turan ko.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Taehyung.

"Pupunta kami ng Europe, nagyaya kasi si Tito mag-travel kasama si Mama Gen" sabi ko at sinubo yung chips na hawak ko. Sinabi ko na rin na bukas na ng gabi alis namin at yung plano ni Tito kung bakit kami pupunta duon.

"Tagal niyo pala mawawala, sana pwede kaming sumama" malungkot na sabi ni Jungkook sa tabi ko.

"One month lang yun Love, natagalan nga natin yung 4 years na magkalayo" natatwang sabi ko.

"Kahit na. Matagal pa din yun, Ang bagal kaya ng takbo ng oras pag hindi kita kasama." nakangusong sabi niya kaya naman mahina kong kinurot yung ilong niya.

"Drama mo masyado. Tulungan mo na lang ako mag-ayos ng gamit ko" tumayo ako at naglakad papunta sa taas, sumunod din naman siya.

Tahimik lang akong naglalagay ng damit sa luggage at ito namang si Jungkook ay panay buntong hininga at tanggal ng mga nilalagay kong gamit.

"Love, para kang sira dyan. Hindi naman ako mawawala ng isang taon tsaka bakit mo ba tinatanggal yung mga damit?" inis na turan ko dahil sa ginagawa niya.

"Huwag ka nalang kaya sumama? Dito ka na lang." walang ganang sabi niya.

Ang drama naman ng boyfriend ko ngayon, ayaw akong paalisin. Akala mo naman iiwan ko na siya for good dito. Magbabakasyon lang naman kami sa Europe at uuwi din pagkatapos.

"Love, uuwi naman ako. As if iiwan kita for good. Kung pwede lang kitang isama." hindi kasi sila pwedeng sumama dahil nagbago yung schedule nila. Naghahanda na ulit sila para sa comeback nila sa October or November ata yun.

Natapos naman kami ni Jungkook sa pag-aayos ng gamit ko at pagtapos ay nahiga kami sa kama. Hanggang cuddle lang naman kami ni Jungkook. Sa loob ng 4 years kapag nagkikita, he never crossed that line. Alam niya na hindi pa ako ready gawin yung ganung bagay, ganun rin siya. Nung nag-gabi ay umuwi din sila dahil may practice daw sila kinabukasan at kailangan nilang mag-shoot ng RUN BTS.

----

Nandito na kami ngayon nila Tito sa airport, dito na kasi namin kikitain si Mama Gen. Dapat nung nakaraan pa siya dito kaso nga lang daw ay may inayos pa siya sa hotel na kanina lang umaga natapos. Nakita naman namin agad si Mama Gen kaya kumain muna kami dahil mamaya pa naman yung flight namin.

"Kayo huh, ang galing niyong magtago na dalawa" biro ni Ji Ah kaya natawa ng mahina si Mama.

"Im happy for you, Mama. Alam ko happy din sila mommy and daddy dahil tagumpay yung pagiging match maker nila" halakhak ko kaya mas lalo silang tumawa. 

Tanda ko pa kasi yung pagiging match-maker ng parents ko, kinuwento kasi nila mommy sa akin na sila din daw yung naging dahilan kung bakit nagkatuluyan yung parents ni Ji Ah. My mom and Ji Ah's mom are best friends same as with our dads and Tito. Ang kwento ni Mommy, nag-sstart pa lang daw yung relasyon nila ni daddy ay tinutukso na nila yung parents ni Ji Ah dahil madalas daw silang sumama sa mga dates nila Mommy. Tapos after a year, ayun naging mag kasintahan sila dahil itong si Mommy tinrigger yung mommy ni Ji Ah na umamin sa Dad niya.

Nung nandito pa kasi sa Seoul ay palagi nilang inaasar si Tito at Mama Gen paano ba naman kasi laging nahuhuli ni dad yung tingin ni Tito kay Mama Gen kaso itong si Mama Gen ay palaging dedma, takot yatang magmahal at hindi pinapansin si Tito hanggang sa Pinas na kami nag stay at hindi na ulit sila nagkita. Kaya nung sinabi ni Tito na aayain niya ng kasal si Mama ay nagulat kami thou, pansin namin na may something naman na talaga sa kanila. 

I guess my parents really had that matchmaking abilities because they are really good in matching people. I suddenly miss my parents so bad...

~~~~~~~~

Hello guys, i just want to say thank you for reading my story. I hope you will support Love Maze til' the end. I will do my very best to finish this story. Also, please vote for this fanfic hehehe

Stay safe everyone!  Lovelots <3

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon