-23-

16 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~

Time flies so fast, nakapag-celebrate na kami ni Jungkook ng birthday and anniversary namin. It was just a simple celebration, umuwi lang kami sa Busan for 2 days para duon magcelebrate kasama yung family niya, sumama rin naman sila Mama at yung boys.

Mama and Tito are already married, last week lang sila kinasal. Their wedding is private and intimate, puro close friends lang ang invited pero may iba ring taga-media. Dahil din sa wedding nila tito nareveal ang relasyon nila Ji Ah at Jimin Oppa sa public paano ba naman kasi napaka-harot nilang dalawa but, we are so happy kasi walang suportado naman ng fans yung relasyon nila thou, may mga hate comments.

Wala din naman silang masyadong schedule kaya nakakapagbonding pa kami katulad ngayon naisipan akong dalhin ni Jungkook sa Lotte World.

He told me that he wanted to spend his whole day with me kaya niya ako inaya dito.

"Where do you want to ride first?" tanong niya sa akin nung tuluyan kaming nakapasok sa loob.

Wala namang gaanong tao kaya malaya niyang nahahawakan yung kamay ko. Naka-disguise din naman siya kaya okay lang.

"Let's try the bump car first" nakangiting sagot ko sa kanya.

Enjoy na enjoy kami sa bump car, naka-dalawang round nga ata kami ng laro dun. Pagtapos namin sa bump car ay nag tungo na kami dun sa roller coaster na gusto niyang itry. Nung nakita ko pa lang yung itsura nung ride na yun halos tumakas na yung kaluluwa ko at gusto ko na lang umatras kaso bago ko pa man magawa yun ay nahila na niya ako sa entrance.

"Pag ako nawalan ng kaluluwa dito, mumultuhin talaga kita" kabado pero inis na turan ko sa nakangiting Jungkook na katabi ko.

"I'll hold your hands tight para hindi tumakasa kaluluwa mo" natatawang sambit niya kaya nakatikim siya ng hampas mula sa akin. Bago pa ako magsalita ulit ay nagsimula ng umandar yung ride.

Halos mapatid na yung litid ko kakatili. Para akong nasusuka na ewan. Parang anytime soon mawawalan na ako ng malay dito sa ere sa sobrang kaba at takot ko. Hawak lang ni Jungkook yung kamay ko althrough out the ride.

10 minutes din ata yung tinanngal namin dun bago kami bumaba ng tuluyan. Halos manlambot yung tuhod ko nung bumaba kami buti na lang at hawak ako ni Jungkook kaya hindi ako natumba.

"Anchors Away naman!" excited na sabi niya. Mabilis akong umiling dahil hindi pa ako nakakarecover sa rollercoaster ay gusto na agad niyang mag try ng isa pang extreme ride.

"Saglit lang naman. Hindi pa nga ako—" naputol yung sasabihin ko nung bigla siyang naglakad at dahil nga hawak niya ako ay natangay din ako. "Heck. are you serious? isasama mo akong sumakay dyan? ayoko ikaw na lang" bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

Jusko nakikita ko pa lang paano magsway yung pirate ship parang nagssway na din paalis sa katawan ko yung mga lamang loob ko at yung kaluluwa ko.

"Just this once, promise after that no more extreme rides" sabi niya with matching puppy eyes pa. Sino ba naman makakaresist pag nag puppy eyes na ang isang Jeon Jungkook? kaya ang ending nagpatangay na lang ulit ako sa kanya.

Katulad nung sa rollercoaster ay sigaw lang ako ng sigaw. Konti na lang talaga mawawarak na lalamunan ko kakatili dito. Halos mamatay na ako dito sa takot pero itong katabi ko halos mamatay kakatawa sa akin. Nakakapit lang ako sa braso niya, may mga time pa nga na nakukurot ko siya pero imbes na umaray ang loko tawa lang ng tawa.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon