-48-

18 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~

Jimin's POV

Lahat kami ay sobrang apektado sa paghihiwalay nung dalawa. Isang linggo na yung nakalipas simula nung huling kita namin kay Kyung.

Hindi rin naman namin alam kung nasaan siya basta ang sabi lang sa amin nila Ji Ah ay umalis daw si Kyung at wala rin silang alam kung saan siya nag punta.

Natapos na din yung presscon, hindi na namin masyadong inisip yung nangyari duon buti na nga lang at hindi nagpang-abot yung tatlong babae duon. Nakita ko kung papaanong nagpigil si Ji Ah at Jherzy ng galit nila.

Malinaw pa din sa memorya kung papaanong sumabog sa galit si Kyung nung araw na sinabi lahat sa amin ni JK.

Lalo na nung nakipag-break na ng tuluyan si Eun Kyung. Sinundan namin si Jungkook dahil sinabi ni Eun Kyung. Naabutan namin siyang nakaupo sa dulong parte ng hallway at may hawak na singsing.

Dalawa yung singsing na hawak niya, mukhang engagement ring pa ata yung isa ibinulsa din naman agad niya yun. Alam ko na may balak na siyang magpropose  dahil naikwento niya sa akin yun last year pero hindi ko alam na may singsing na pala siyang nakahanda. Nakaramdam ako bigla ng panghihinayang dahil yung limang taon na pinagsamahan nila ay parehas na nilang tinapos.

"Engagement ring ba yung binulsa ni Jungkook?" rinig kong bulong ni Hoseok hyung sa likod ko.

"Promise ring ata yun, yung binalik ni Eun Kyung kanina" sagot ni Taehyung. Para kaming mga tanga na nakasilip dito sa pader.

"Ungas, couple ring yun." bulong ni Jin hyung.

Nagsimulang magtalo yung tatlo na parang mga bubuyog dahil pabulong silang nagbabangayan.

"Promise ring at Engagement ring yun. Mukhang magpopropose na yata dapat si Jungkook kanina" mapaklang sambit ni Yoongi hyung na prenteng nakasandal sa pader.

Pagtapos nung araw na yun ay lahat kami ay matamlay. Lalo na yung dalawang babae. Panay lang iyak nila dahil labis daw silang nag-aalala kay Kyung.

Nag-aalala na din ako kay Ji Ah dahil ilang araw na siyang umiiyak at sinasabing wala na siya kwentang kaibigan.

"Jagi, please stop crying. Nasasaktan ako pag nakikita kang umiiyak" pagpapatahan ko sa kanya.

"Let's find Eun Kyung. B-baka mag isa lang yun. B-baka umiiyak yun mag-isa. Jimin, hanapin natin siya" mas lalong lumakas yung hikbi niya.

Alam kong sobrang na-aapektuhan din siya sa nangyayari lalo na't hindi nila alam kung saan nagpunta yung best friend niya.

"She'll be fine. Just trust her" ngumiti ako sa kanya.

Lahat kami nasasaktan para sa kanilang dalawa. Hindi man magsabi si Ji Ah sa akin, alam kong kahit siya ay durog na durog din. Kahit ako gusto kong hanapin si Eun Kyung para mapanatag si Ji Ah pero hindi ko din alam kung saan ako mag-uumpisang maghanap sa kanya. She left without any traces.

Ganito pala yung pakiramdam pag nakikita mong umiiyak yung taong mahal mo. Parang sinasaksak yung puso ko sa bawat pag patak ng luha niya.

Paano kaya kinaya ni Jungkook na titigan si Eun Kyung sa mata nung araw na nag-hiwalay sila? Kasi kung ako yung nasa sitwasyon na yun baka hindi ko na pinakawala si Ji Ah.

———

Yoongi's POV

Iniwan ko yung limang ugok duon nung nakita ko yung imahe ni Eun Kyung na naglalakad pasakay ng elevator kaya agad akong pumunta sa kanya.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon