-26-

10 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~

Natapos na yung mga comeback stages nila and now they are preparing for their world tour na magsstart na next week. Sobrang abala na din kaming lahat para sa paghahanda. Nandito kami ngayon nila unnie sa company dahil wala naman kaming gagawin sa bahay kaya naisipan ko na lang din na mag-edit ng mga bangtan bombs video nila. Sila Unnie at Ji Ah ay nandun sa office ni Tito nanggugulo. Wala din kasing practice yung pito dahil pahinga nila kaya hindi na rin namin kinulit.

Busy ako sa pag-eedit ng videos nila nung biglang nag-ring yung phone ko. Pagtingin ko sa caller id ay nakita ko ang pangalan ni Seokjin Oppa kaya agad ko din naman iyon sinagot.

["Oppa"] bungad ko.

[Kyung, punta ka dito sa dorm]

[bakit?] nagtatakang tanong ko.

[nag-iinarte boyfriend mo, ikaw daw mag-alaga sa kanya. Nilalagnat] naiimagine ko yung pag-irap niya.

[Sige, tapusin ko lang yung ginagawa ko.] sagot ko.

[Okay. Ingat] sabi niya bago binaba yung tawag.

Kaya naman pala hindi nagtetext si Jungkook dahil nilalagnat. Nandun naman si Seokjin oppa pero gusto ako pa talaga mag-aalaga, napaka-arte. Sabagay, nasanay na rin kasi yun simula kasi nung dito na kami sa Seoul tumira pag masama pakiramdam niya laging ako ang hinahanap.

Sa dorm ko na lang nila ito tatapusin. Nagpasama ako kay Manager Sejin pumunta sa dorm nila. Pagdating ko sa dorm nila ay agad akong nagtungo sa kwarto niya.

Bumungad sa akin ang isang Jungkook na balot na balot ng comforter niya. Hininaan ko muna yung aircon niya bago ko hawakan yung noo niya para icheck kung nilalagnat pa rin siya.

Sobrang init niya kaya naman kinuha ko yung thermometer sa bed side table niya, galing na din siguro si Seokjin Oppa dito kanina dahil may basin at towel na nakaready.

Dahil nga sobrang taas ng lagnat niya, pinunasan ko siya para kahit papano bumaba yung temperature niya. After ko siyang punasan ay ginising ko muna siya saglit para pagpalitin ng damit dahil medyo nabasa yun nung pinupunasan ko siya.

"Love, palit ka muna saglit ng damit" bulong ko sa kanya.

Dumilat naman siya at tumayo para hubarin yung suot niyang shirt at sinuot niya yung binigay kong sweater niya. Nahiga din naman siya ulit. Tatayo na sana ulit ako para ilagay sa hamper yung hinubad niya pero mabilis niyang nayakap yung bewang ko.

"Dito ka lang, please." mahinang bulong niya.

Naka-idlip din ako sa tabi niya. Medyo mainit pa din yung katawan ni Jungkook pero hindi katulad kanina nung dumating ako na sobrang init. Dahan dahan akong tumayo para hindi siya magising.

Nagpunta ako sa cr para maligo muna. May mga damit naman ako dito sa kwarto niya kaya okay lang na maligo ako dito. But, I prefer to wear his clothes especially his sweatshirts. Wala lang sobrang comfortable kasi ng mga damit niya.

After kong maligo, sinuot ko yung isa sa mga sweatshirts niya and pinartneran ko lang yun ng black sweatpants ko. Since, 6pm na din at hindi pa kumakain si Jungkook nagdecide ako na magluto na lang muna ng soup para na din makakain siya at makainom ng gamot. Pag may sakit kasi yun hindi kumakain ng kanin puro soup or noodles lang ang gustong kainin.

Wala akong naabutan na tao sa sala kaya dumiretso na ako sa kitchen nila. Habang hinihintay kong maluto yung soup para kay Jungkook, nagluto na din ako ng para sa dinner. Nung natapos na akong magluto ay bumalik na ako sa kwarto ni Jungkook dala yung soup na niluto ko.

"Love, kain ka muna para makainom ka ng gamot" bulong ko sa kanya.

"Hmm" sagot niya pero sarado pa rin ang mata.

Minulat rin naman niya yung mata niya at dahan dahang umupo sa kama. Medyo maputla din yung kulay niya gawa nga ng hindi maganda yung pakiramdam niya.

"Kaya mo ba?" tanong ko sa kanya dahil napansin kong hinang hina pa din siyang kinuha yung kutsara.

Bago pa siya makasagot ay kinuha ko na sa kamay niya yung kutsara at ako na lang ang nagpakain sa kanya. Naubos naman niya yung soup kaya pinainom ko na din siya ng gamot.

"Kakain muna ako ng dinner sa baba huh, tulog ka lang dito" tumango lang siya at nahiga na ulit. Inayos ko muna yung comforter niya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto dala yung pinagkainan niya.

Pagdating ko sa kitchen ay naabutan ko si Hoseok Oppa na kumakain mag-isa.

"Oppa, saan sila?" tanong ko sakanya tsaka kumuha ng plato at umupo sa harap niya.

"Hindi ko alam, kararating ko lang galing studio then dito ako dumiretso kasi gutom na ako" natatawang sagot niya.

"Sana kumatok ka sa kwarto ni Jungkook para may kasabay ka man lang kumain" patapos na kasi siyang kumain.

"Okay lang. Kamusta na pala si Jungkook?" turan niya bago sumandok ulit ng kanin.

"Medyo mababa na yung lagnat niya, hindi katulad kanina na sobrang taas"

"Buti naman, kagabi pa yun nilalagnat. Nagpalitan pa nga kami nila Hyung magbantay sa kanya dahil hindi bumababa yung temperature niya." Bakas sa mukha niya yung pag-aalala kay Jungkook. Bukod kasi kay Seokjin oppa, isa si Hoseok oppa sa palaging nagchecheck kay Jungkook pag masama pakiramdam niya.

Sinabayan niya lang akong kumain. Si Hoseok oppa na din ang nagpresintang maghugas ng mga ginamit namin kaya nagpunta umakyat na din ulit ako sa kwarto ni Jungkook at nahiga sa tabi niya.

Mabilis lang lumipas yung mga araw. Start na bukas ng world tour nila kaya nandito kaming lahat sa practice room nila para ayusin yung mga wardrobe nila sa concerts and finafinalize na rin namin yung mga magiging looks nila bukas.

Sobrang kalat nga dito sa loob dahil sa mga luggages na paglalagyan ng gamit nila bukas. Sobrang magiging busy nanaman kaming lahat dahil bukod sa world tour nila malapit na rin yun mga year-end award ceremony na aattendan nila.

Tahimik lang kaming kumakain ng pizza na inorder ni Jin Oppa kanina dahil natalo siya sa pustahan nila ni Ji Ah. Nabasag yung katahimikan namin nung biglang sumigaw ng pagkalakas si Hoseok Oppa kaya lahat kami napabaling sa kanya at nakita namin siyang tumatakbo kasunod si Jungkook na may hawak na kung ano.

"Hoy maknae, ilayo mo nga yan. Dudukutin ko talaga yang ilong mo" sigaw niya.

Natatawang hinagis naman ni Jungkook yung hawak niya kay Hoseok oppa kaya napanlundag siya. Mabilis namang nadampot iyon ni Jungkook ata agad na hinagis sa pwesto namin kaya lahat kami ay napatili at napatalon rin sa sobrang gulat habang siya ay mamatay-matay kakatawa sa ginagawang kalokohan.

Dinampot ko yung hinagis niya at nakitang fake insect yun. Saan kaya niya nakuha ito, lahat talaga ng kalokohan alam ng lalaking to.

"Yahhh!!! Jeon Jungkook!!!" tili ko kaya napahinto siya sa pag tawa niya.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya pero nakatayo din naman agad siya kaya amg ending naghabulan kaming dalawa dito sa loob, kaming sampu lang kasi yung naiwan dito dahil yung ibang kasama namin ay lumabas saglit.

"Uy! Habulan sali ako" excited na sabi ni Taehyung oppa kaya tumakbo din siya hanggang sa lahat kami ay hinabol na si Jungkook na patuloy pa din sa pag takbo.

Nung naabutan namin siya ay agad namin siyang kinuyog ng hampas pero mahihina lang naman. Nahuli niya yung kamay ko at pagkatapos ay kiniliti ako sa bewang. Napahagikgik naman ako ng mahina kaya nabaling yun atensyon nilang lahat sa akin. Nagtinginan muna silang lahat bago umariba ng kiliti yung dalawang impakta. Natigil lang yung dalawa sa pagkiliti sa akin dahil sa narinig namin.

"Boys!" sabay sabay pa kaming na patingin sa pinanggalingan ng boses at pareho kaming nagulat ni Ji Ah dahil sobrang pamilyar nung babaeng tumawag sa pito.

"Lian?" sabay na tanong namin ni Ji Ah sa babaeng nakatayo sa pintuan ng practice room.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon