-45-

15 1 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

(A/n: Eun Kyung's promise ring. Credits to google for the photo)
~~~~~~~~~~~

Jungkook's POV

Sa mga nagdaang-araw ang dami kong napapansin na kakaiba kay Eun Kyung parang laging siyang bothered and there is something on her eyes na hindi ko mabasa, nagsimula yun nung gabi na siyang umuwi sa bahay nila. Ayun din yung araw na nag-usap kami ni Lian sa parking lot.

Palabas kasi dapat ako ng building nung araw na yun ng biglang lumitaw si Lian sa harap ko. Sa takot na baka makita kami ni Eun Kyung ay pinili naming sa parking lot na lang mag-usap. Hindi sa ayaw kong mahuli kami ni Eun Kyung, ayaw ko lang na maging dahilan na naman ng away namin si Lian.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain para halikan pagtapos niyang sabihin na may nangyari sa amin sa bar nung gabing yun. Pilit kong prinoseso sa utak ko yun pero wala talaga akong matandaan. Tinulak ko si Lian dahil sa ginawa niya. Inaya pa nga niya akong mag dinner nung gabing yun, tumanggi ako pero dahil ginamit niya ang pangalan ni Eun Kyung sa akin ay napapayag ako.

Kinabukasan ay nagkita kami ni Eun Kyung sa building niyaya niya akong magdate pero tumanggi ako dahil may lakad din ako ng araw na yun kasama ulit si Lian. Nag-alangan pa nga akong tumanggi kay Eun Kyung. Hindi na ako nakapag-paalam sa kanya nung araw na yun dahil nakita ko na naka-tulog siya sa desk niya kaya nagbilin na lang ako sa mga kasama niya sa office.

Nangako ako sa kanya na idedate ko siya ng linggo kaya tinupad ko iyon. Maaga akong pumunta sa kanila pero pagdating ko duon ay tulog pa daw siya kaya pinaakyat na ako ni Tita Gen sa kwarto niya.

""Can you promise me one thing?" bigla kong tanong sa kanya kaya napabitaw siya ng yakap  sa akin at hinarap ako.

"Promise me na sa akin ka lang makikinig at maniniwala" pinigilan kong huwag maging garalgal yung boses ko.

Nangako naman siya sa akin. He even asked me how much do I love her. So, I answered her with all honestly. Pero sa sumunod na tanong na binato niya sa akin ay bigla akong natigilan.

"Did you try to cheat on me?" natahimik ako bigla. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba yung tungkol sa sinabi ni Lian.

Kahit kasi ako hindi ako sigurado kung cheating ba yung tawag duon. Nagdalawang-isip ako pero sa huli mas pinili ko na lang na magsinungaling.

Kinulong ko siya sa yakap pero siya mismo yung kumawala duon. Duon pa lang alam ko ng may iba. Kaya pag pasok niya sa banyo ay lumapit ako sa pinto. "Sorry.. I lied" bulong ko sa pinto.

Lumabas kami ng araw na yun. Pinagmasdan ko lang siya ng tahimik habang sinusuri niya yung mga love lock dito sa love lock tower. Pasimple ko siyang kinuhaan ng picture.

Nagwish kaming dalawa nung kinabit namin yung lock dun sa unang lock na kinabit namin three years ago.

Isa lang naman yung lagi kong hinihiling. Ang manatili si Eun Kyung sa tabi ko hanggang tumanda kami.

Magkasama kaming nagcelebrate ng pasko at bagong taon. Nung pasko ay binigyan ko siya ng promise ring. Akala nga nila engagement ring. Malaking bilog lang yung design nung singsing pero puno ng maliliit na diamond yung paligid.

Kaya yun yung niregalo ko sa kanya kasi I want to seal my promise to her na papakasalan ko siya and it also symbolizes my fidelity and commitment to her. The moment I laid my eyes on her sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maghahanap ng iba. Sigurado na ako sa kanya.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon