-49-

15 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

(a/n: this chapter contain some violence cat fight to be exact but, i don't promote violence. Sorry if medyo cringe pagkakanarrate ko.)

~~~~~~~~~~~

Hoseok's POV

Two weeks since that shit happen. Sa loob ng dalawang linggo na yun ay tahimik lang kaming lahat. Lalo nung unang linggo dahil halos hindi makausap yung dalawang babae kaya lahat kami ay nag-aalala sa kanila tapos na laman pa namin kay Yoongi hyung na nakita niya si Jherzy sa cr na may hawak na blade tapos idagdag pa si Ji Ah na hindi tumitigil sa pag-iyak kaya nagcamping kami dun ng limang araw kasama din namin si Jungkook, hindi namin pinapabayaan na mag-isa si Jungkook dahil baka mamaya may hindi magandang gawin ang isang to.

Nanatiling tahimik si Jungkook sa loob ng dalawang linggo, hindi na nga ata yun lumalabas ng kwarto niya simula nung nag-break sila ni Kyung laging nakakulong duon. Napostpone din yung mga natitirang concert namin ngayong buwan dahil sa nangyari. Nagkasundo kami na hayaan munang mag-pahinga si Jungkook dahil kahit hindi siya magsalita sa amin ay alam namin na sobrang nahihirapan na din siya.

Naging malaki din yung epekto sa personalidad ni Jungkook yung paghihiwalay nilang dalawa. Kung dati laging nakangiti si Jungkook ngayon naman ay sobrang hirap na niyang patawanin o pangitiin. Wala rin siyang ganang kumain, naka-ilang suhol na kami na pupunuin namin yung ref ng banana milk niya pero walang epekto.

Inuwi na ni Taehyung si Yeontan dito sa dorm para daw malibang si Kook pero lagi pa ding nasa kwarto. Pati nga ata paglalaro ng overwatch na wala na sa utak niya.

Hindi rin naman namin mapagalitan si Jungkook dahil alam namin na hindi madali para sa kanya na i-let go si Eun Kyung. Sino ba naman kasi yung kakayanin na i-let go yung taong mahal na mahal mo. Kung mahirap para sa amin na kalimutan yung nasaksihan namin paano pa kaya sa kanya, siya pa mismo yung naglakad palayo kay Kyung.

Nung araw na sinabi ni Eun Kyung lahat sa amin na alam niya na, gusto ko sana siyang habulin para kausapin at ako na mismo magpapaliwanag para kay Jungkook kaso nung nakita ko kung gaano kaseryoso yung mukha niya, idagdag mo pa yung mata niyang punong-puno ng galit ay umatras ako. Totoo pala na mas matinding magalit yung mga taong bihira lang magalit dahil pag sumabog sila mas grabe pa sa grabe.

Buti nga ngayon ay medyo maayos na ulit yung lahat maliban kay Jungkook na tikom pa rin yung bibig. Lagi na kaming magkakasamang siyam, naging tambayan na namin tong practice room.

"Hoy Hoseok, manlibre ka naman ng ice cream." sambit ni Jherzy.

"Dyan ka kay Yoongi hyung magpabili. Kakalibre ko lang sainyo kahapon. Maawa naman kayo sa wallet ko." madramang sabi ko kunwari.

"Hoseok nga daw diba? Tapos ipapasa mo sa akin" nagtandem pa talaga tong dalawang mag-jowa na to.

"Hyung, ngingiti na si Jungkook pag bumili ka ng ice cream" turan ni Taehyung tas pasimple pa niyang siniko si Jungkook.

"Diba Jungkook ngingiti ka na pag bumili siya ng ice cream" nakita ko pa kung paano nilakihan ni Jin hyung ng mata si Jungkook para sumakay sa trip nila.

Si Jungkook pa ginamit nila, alam naman naming lahat na sobrang hirap na niyang pangitiin ngayon. Siya na ata pumalit kay Yoongi hyung sa pagiging suplado.

"Kook, ngumiti ka nalang para may ice cream tayo" rinig kong bulong ni Jimin kay Jungkook.

"Namjoon, sumayaw ka sa gitna." utos ko kay Namjoon, papalag sana siya pero nilakihan ko agad siya ng mata.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon