-39-

14 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~

Eun Kyung's POV

Isang linggo na yung nakalipas pero hindi pa rin alam ni Jungkook na narinig ko yung usapan nila ni Lian sa parking lot. Kabi-kabila na din yung mga schedules nila dahil sa mga year-end show na aattendan nila.

Sobrang busy na din kaya siguro halos kalimutan ko na yung narinig ko sa parking lot pero may mga oras pa din na naiiyak ako pag naaalala ko yun.

One week na ding hindi nagpapakita si Lian kaya mabuti na din yun. Sana huwag na siyang magpakita kahit kailan sa kanila lalo na kay Jungkook.

"Bee, nakabili ka na ng mga regalo?" tanong sa akin ni Ji Ah. Christmas na kasi next week and may mini christmas party kami dito sa bahay kasama yung pito.

"Hmm, wala pa. Punta tayo ng mall? Ang duga ni unnie hindi nag-aya" hindi kasi kami sinabi ni Jherzy unnie kahapon. Yayain sana namin kanina pero may date daw sila ni Yoongi oppa. Masaya din ako para sa dalawang yun.

Nagpunta kami ng mall ni Ji Ah para mamili ng mga panregalo namin. Halos masimot nga yung cash ko dahil sa sobrang dami kong binili. I also decided to buy some gifts for my co-workers.

Nalibot na namin yung buong mall pero itong si Ji Ah wala pa ring nabibiling regalo para kay Jimin Oppa. Bigat na bigat na ako sa mga dala ko.

"Ano ba kasing hinahanap mo? Napapagod na ako kakasunod sayo?" inis na tanong ko sa kanya. Sino ba naman kasing hindi maiinis, kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall.

"Yung favorite brand na shoes ni Jimin, hindi ko makita kung saan dito" sagot niya. Tinulungan ko na lang siyang hanapin yun gamit yung mall directory. Nung nabili na namin yun ay umuwi na rin kaming dalawa.

Syempre dahil wala din naman akong gagawin, sinimulan ko ng ibalot yung mga regalong ibibigay ko. Inuna kong binalot yung regalo ko kay Jungkook. It's a customize in-ears. Bago ko ibalot yun ay nagsulat muna ako ng letter at inilagay yun sa box kasama yung mga polaroid pictures namin.

Kaya in-ears yung niregalo ko sakanya para magamit niya pag may mga performance sila and dahil na din on-going yung tour nila. I gave him that so, he can remember me whenever he's on stage.

Inabot rin ako ng gabi kakabalot sa mga regalo na binili ko. Bumaba muna ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Sakto naman na kakahain lang ni Mama Gen.

"Nak, uwi ako ng Pinas next week ba gusto niyong sumama? Babalik rin naman ako before magpasko" sambit ni Mama Gen.

"Hindi na po. Nakaleave po yung dalawang stylist ng Bangtan kaya wala din pong papalit samin pag sumama kami" sagot ko. Ngumiti lang siya at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Kami na ni Ji Ah yung nagligpit ng pinag-kainan. Simula kasi nung dito na tumira si Mama Gen hindi na kami kumuha ng household helper dahil ayaw din niya pero pag busy naman kaming lahat ay nagpapatawag si Tito ng pwede naming makatulong dito sa bahay.

Saktong pagtapos namin maglinis sa kusina ay dumating si unnie kasama yung limang itlog.

"Ang iingay niyo naman. Kanina pa kayo sa van" yamot na sabi ni Yoongi oppa dun sa apat.

"Eh kasi sino ba kasing gumalaw sa mario collection ni Jin hyung pati ako nadadamay sa kalokohan niyo eh." sambit ni Hoseok oppa habang hawak hawak yung dala niyang plushie ni Mang.

"Hindi ako. Tahimik akong naglalaro ng overwatch sa sala, nadamay lang din ako" nakabusangot na sagot ni Jungkook.

"Alangan ako, kapapasok lang namin ni Jherzy ng pinto nung biglang sumigaw si Jin Hyung" walang emosyong sagot ni Yoongi Oppa.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon