-4-

30 1 0
                                    

Halos isang buwan na kami ni Ji Ah dito sa Seoul. Medyo busy na din dahil malapit na ang comeback ng BTS and also, yung Festa nila. Sa loob ng isang buwan namin dito, Jungkook and I never had a chance to date dahil sobrang hectic ng mga schedule niya thou, minsan sabay sabay kami ng Bangtan mag-lunch and pagkaya ng time pati din sa dinner.

Dahil wala namang outside schedule ang BTS nandito ako ngayon sa office ng filming department para tumulong sa pag-eedit ng mga videos nila. Tawa lang ako ng tawa habang nag-eedit dahil sobrang laughtrip nung clip.

"Eun Kyung, akyat ka daw sa office ni Bang Pd-nim" rinig kong sabi nung senior ko kaya naman nagpunta agad ako kay Tito.

Pag-akyat ko sa office nakita ko na may kausap pa siya sa phone kaya naghintay muna ako.

"Tito, tawag niyo daw po ako" tanong ko kay Tito pagkatapos niyang makipag-usap sa phone.

"Yes, Actually papauwiin ko na kayo ni Ji Ah sa bahay para magprepare ng dinner kasi wala yung mga household helpers natin pero may mga stock naman na dun sa bahay kaya hindi niyo na kailangan mag grocery" sabi ni Tito, himala nagpaprepare ng maaga si Tito para dinner ngayon kasi usually siya ang nagluluto pag walang household helper sa bahay, baka may bisita siya.

"May kasama po ba tayong magdidinner?" curious na tanong ko.

"Ah oo nga pala, pasabihan yung Bangtan na sa bahay na sila magdinner" nakangiting sabi ni Tito.

"Okay po." sabi ko at dali-daling lumabas ng office niya para hanapin ang bestfriend kong gala.

Una kong pinuntahan yung practice room ng Bangtan para sabihin na sa bahay sila magdidinner. Sakto namang nakita kong lumabas ni Namjoon Oppa kaya sakanya ko na lang sinabi.

"Oppa, sabi ni Tito sa bahay daw kayo magdinner" nakangiting sabi ko sa kanya bago tuluyang umalis.

Halos ma-ikot ko na yung buong building pero hindi ko pa din nakikita si Ji Ah kaya tinawagan ko na lang siya na dapat kanina ko pa pala ginawa.

Calling Pretty Ji Ah 💋.....

Siya nagsave ng number niya sa phone ko kaya ganyan yung pangalan. After ng ilang ring ay sinagot niya yung phone niya.

"Yah! where are you?" bungad ko agad pagkasagot niya ng tawag.

"Nasa labas ako bee. Why?" sagot niya.

"Uwi na tayo, magluluto tayo ng dinner kasi sa bahay daw magdidinner BTS tsaka walang household helper sa bahay"

"Okayyy. Wait mo ako sa labas" masiglang sabi niya pagkatapos ay inend call niya. Hindi man lang nagbabye.

Pagdating namin sa bahay ay nagbihis muna kami ni Ji Ah bago magluto. Niready na namin yung ingredients para sa Beef Bulgogi, Soft-tofu stew, Stir-fry vegetables and fried mackerel. Naghati kami ni Ji Ah ng lulutuin. Inabot din kami ni Ji Ah ng dalawang oras sa pagluluto dahil medyo madami yung niluto namin puro lalaki ba naman yung kasabay naming kakain. Habang hinihintay namin sila ay inayos na muna namin yung dining table.

"Bee, magbibihis lang muna ako ulit. Amoy ulam ako eh" sabi niya pagkatapos ay tumakbo agad paakyat.

Nakapagpalit naman na ako ng damit kanina habang nagluluto si Ji Ah kay tumambay na lang ako sa sala pagkatapos ay tinawaga ko ang aking boyfriend.

Calling My Golden Jagiya ❤️....

Sinagot naman niya agad.

"Love" bungad niya.

"Saan na kayo? Tapos na kami magluto" tanong ko sa kanya.

"Papunta na, hinihintay lang namin si Pd-nim bumaba. Sabay daw siya samin" sagot niya mula sa kabilang linya.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon