-33-

11 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~
Jungkook's POV

It's been fvcking three days pero hindi ko pa rin macontact si Eun Kyung, pag nakikisuyo naman ako kila noona ay ayaw din akong kausapin. Tangina, nakakapraning. Kung wala lang kaming schedule baka nagpunta na talaga ako sa Pilipinas.

"Hyung, tawagan mo nga si Noona tanong mo ano ginagawa ni Eun Kyung" utos ko kay Jimin hyung.

"Utusan moko?" pang-aasar niya pa. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tatawagan mo o tatawagan mo?" hamon ko sa kanya.

"Alam mo ang kulit mo, bakit kasi hindi mo na lang puntahan sa Pilipinas para makapag-usap kayong dalawa" casual na sabi niya. Ang galing rin talaga, alam naman niyang sobrang dami naming schedule ngayon. Nung huling takas ko nung nasa Japan kami para sa tour ay halos sumalo ako ng bomba dahil sa sermon ni Jin hyung at Namjoon hyung.

Katatapos lang kasi ng unang araw ng concert namin dun sa Japan ng tumawag si Pd-nim sa akin at sinabing nag collapse daw si Eun Kyung dahil masyado daw mastress sa tensyong naganap nung puntahan nila si Troy. Dahil sa sobrang pag-aalala nagpaalam ako kay Pd-nim na sasaglit ako dun kahit mas mahaba pa yung oras ng byahe kesa makasama ko si Eun Kyung, okay lang basta masiguro ko lang na maayos siya.

Hindi na nga ako nakapag-palit ng damit nun sa sobrang pagmamadali buti na lang atay helicopter na naka-abang dito sa venue kaya yun na lang ginamit namin. Medyo mabilis lang din naman yung naging byahe. Kahit sobrang pagod ako ng araw na yun ay hindi ko ininda. Pagdating ko sa Palawan, sinalubong ko agad ng sapak si Troy bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Eun Kyung. She's sleeping pero bakas sa mata niya na galing siya sa pag-iyak. Nung nagising siya ay umalis din agad ako dahil may concert pa kami. Pagbalik ko sa Japan katakot-takot na sermon ang inabot ko kila hyung.

"Sana kung pwede, hindi na kita kinukulit na tawagan si Noona" pamimilosopo ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Nakita ko namang lumabas si Namjoon hyung ng kwarto niya.

"Nag-usap na kayo ni Eun Kyung?" bungad na tanong niya sa akin at naupos sa bakanteng couch.

Bago pa ako makasagot ay isa-isa na silang nagsilapitan sa amin. May radar ata tong mga to pag dating sa chismis ultimo si Yoongi hyung na mahal na mahal pagtulog nandito na din.

"Hindi pa din. Patay pa din phone eh. Pag sila noona naman tinawagan ko ayaw din akong kausapin" sambit ko.

"Aww saklap naman" rinig kong hirit ni V hyung. Siniko naman siya ni Hoseok hyung.

"Ngayon lang kayo nag-away ng ganito kalala. Umabot ng tatlong araw." ani ni Seokjin hyung.

Hindi naman kasi talaga kami nag-aaway ng malala ni Eun Kyung kahit nung LDR pa kami, ngayon lang talaga tapos may sangkot pa na babae. Tangina talaga. Hindi naman ako nambababae, sobrang mahal ko yun kaya hindi ko magagawang lokohin yun. Ang laki kong gago pag ginawa ko yun.

"Yun nga hyung eh, gusto kong magpaliwanag pero ayaw naman akong kausapin. Alam kong may mali ako pero ayaw ko din naman salubungin init ng ulo niya baka kung saan pa mapunta usapan naming dalawa" seryosong sabi ko. Naiinis ako sa inaakto niya pero hindi ko magawang magalit sa kanya kasi alam kong wala naman siyang kasalanan.

"Hirap talaga pag selos na yung naging dahilan ng away rekta hiwalay na" natatawang sabi ni Yoongi hyung.

Fvck. Mas lalong hindi ko kaya yun, isipin ko pa lang yung salitang hiwalay sobrang nawawasak na puso ko paano pa kaya pag nangyari? Naramdaman kong may namuong luha sa mata ko kaya agad akong yumuko bago pa man tumulo yun.

"Gagi hyung, umiiyak si JK. Dila mo kasi masyadong matabil" nakangiwing sabi ni V hyung habang hinihimas yung likod ko.

"Oh, mag-usap kayong dalawa. Sumasakit ulo ko sa inyo. Napaka-iyakin niyong parehas." ani ni Yoongi hyung sabay abot ng phone niya sa akin. Nakita ko naman dun yung pangalan ni Eun Kyung kaya agad kong kinuha yun.

"Love, hindi na ako galit. Sorry na." naiiyak na sabi niya sa kabilang linya.

"Okay, Let's talk. Dun tayo sa phone ko mag-usap." binaba ko naman yung tawag at ibinalik kay Yoongi hyung yung phone niya.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at dinampot yung phone ko, tinawagan ko agad si Eun Kyung gamit yung Facetime app.

"Love..." bungad niya. "Sorry" nakita kong may pumatak na luha sa mata niya.

"You don't need to be sorry, Love. I understand. May mali din ako. Dapat sinabi ko agad sayo na nawala yung phone ko. Yung kay Lian wala yun. I'm just being nice to her. I won't cheat on you" dire-diretsong sabi ko dahil baka mamaya hindi ko nanaman ma-explain yung side ko.

"I t-thought you're cheating on me. I called you thrice then babae yung sumasagot ng phone mo then, narinig ko pa na nasa kwarto mo siya tas galing ka pang bathroom kaya naisip ko na baka pinagpalit mo na ako" mas lalo siyang humagulgol ng iyak.

Seeing her cry breaks my heart. The last time I saw her cried like that was when her parents passed away. Nung araw ding yun pinangako ko sa sarili ko na I won't let her cry like that again.

"Shh. You're just being paranoid, Love. I love you so much kaya hindi ko magagawa yun sayo. So, please don't cry. Wala ako sa tabi mo para punasan yung luha mo." malumanay na sabi ko sa kanya.

"Bati na tayo? Hindi ka galit sakin?" humihikbing tanong niya.

"Hindi naman ako nagalit sayo. Ikaw lang naman yung galit sakin" mas lalo siyang humikbi dahil sa sinabi ko. "Oh shit. Love.. please stop crying. I can't hug you right now" natatarantang sabi ko.

"Can you give me a virtual hug? I really miss you" naka-pout na tanong niya pero bakas pa din sa pisnge niya yung luha.

"Virtual kiss na lang Love, okay lang?" natatawang tanong ko sa kanya. Inilapit naman niya yung phone niya sa mukha niya kaya ginaya ko din.

"I'm going home soon. Hintayin lang namin matapos yung rehabilitation program ni Troy, we promised to him na hihintayin namin siya bago kami bumalik ng Seoul" sambit niya.

"It's okay. I'll wait for you here. Anyways, ang laki ng eyebags mo hindi ka ba natutulog?" pag-iiba ko ng topic namin

Ngumuso naman siya. She's so cute when she do that. "How can I sleep properly when I'm thinking of you?" sambit niya.

"You want me to sing for you? So, that you can have a proper sleep?" ganyan kasi ginagawa ko pag hindi siya nakakatulog, I always sing for her until she feel asleep.

"Yes please, I really miss your voice." naka-ngiting sabi niya.

"Okay then, I'll say good night na baka tulugan mo ko." natatawang turan ko dahil laging ganun ang nagiging eksena namin.

"Good night Love, I love you" sambit niya.

(play Beautiful Goblin OST cover by Jungkook ...)

I start to sing one of her favorite K-drama OST, Beautiful one of Goblin's OST. Simula nung kinanta ko sakanya to, ito na ang naging lullaby song niya.

Right after I ended the song, nakita ko na mahimbing na yung tulog niya. I stared on her face for almost 10 minutes bago ko tuluyang pinutol yung tawag.

"Good night, Love. I love you so much"

Ngayong nakapag-usap na kami ulit ay napanatag na ako ng husto.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon