-42-

10 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~

Jherzy's POV

Lahat kami ay natahimik dahil sa article na bigla na lang lumabas at kumalat sa social media. Isa lang ang pumasok sa mga utak namin nung gabing yun.

"Si Eun Kyung!" sabay sabay naming bulalas at nagkatinginan.

Naunang kumaripas ng takbo si Ji Ah papunta sa suite namin, hindi na kasi siya sumama sa amin na magdinner dahil napagod daw siya. Hinayaan na lang namin at hindi na kinulit pa dahil maski si Jungkook ay hindi rin siya napapayag.

Pagbukas ng pinto ni Ji Ah ay nakahinga kami ng maluwag dahil bumungad sa amin si Eun Kyung na payapang natutulog. Lumabas din naman kami agad.

Dito kami sa suite ni Yoongi dumiretso lahat. Sobrang nagpupuyos ako sa galit ko kay Lian. Sumosobra na talaga yung babaeng yun. Isa pang galaw niya ng hindi maganda hindi na talaga ako magdadalawang isip na ilapat yung mga palad ko sa mukha niya.

"So anong plano? Sigurado ba tayong hindi to mababasa ni Eun Kyung pag gising niya?" Seryosong tanong ni Namjoon sa amin.

Walang kumibo sa amin. Tila pare-pareho kaming hindi alam yung isasagot. Lahat kami ay napatingin sa direksyon ni Jungkook na hindi man lang umiimik.

"Somosobra na talaga yang Lian na yan. Huwag lang talaga yan magpapakita dito dahil sa oras na makita ko mukha niya, hahablutin ko agad buhok niya. Wala akong pake sa sasabihin ng iba." galit na turan ni Ji Ah. Her expression say it all. Hinaplos naman ni Jimin yung braso ng girlfriend niya para pakalmahin ito.

"That bitch is really getting in to my nerves. I'm freaking sure that she'll show up tomorrow at pag nangyari yun sisiguraduhin kong may marka ng palas ko yung mukha niya" I gritted my teeth. Kating kati na talaga yung kamay ko na sampalin yung babaeng yun.

"Girls, kalma muna kayo please" turan ni Hoseok kaya napatingin kami pareho ni Ji Ah sa direksyon niya.

I know sinusubukan niyang pagaanin yung atmosphere dito sa loob pero sino kasing kakalma sa mga nangyayari? Alam kong hindi relasyon namin ni Yoongi yung masisira pero masakit pa din dahil malapit sa puso ko yung involve dito. Hindi ko kayang makita si Eun Kyung na nasasaktan, that girl is too soft and precious to be hurt.

Isang malalim na buntong hininga yung pinakawalan ko at kasunod nun ay paghikbi. Nasasaktan ako para kay Eun Kyung at Jungkook, hindi nila deserve tong nangyayari sa kanila. Akala ko magiging okay na yung relasyon nila. Akala ko naayos na nila.

I remember the parking lot incident last year, I was there. Narinig ko lahat at nakita ko kung paanong nagbreak down si Eun Kyung sa sulok. Hindi niya alam na sinundan ko siya, silang tatlo. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paanong pinilit ni Eun Kyung umalis sa lugar na yun. I want to follow her pero naisip ko na mas mabuti na munang pabayaan siya. Gabi na nung umuwi siya, sobrang nag-alala kami sa kanya dahil hindi namin siya macontact kaya nung umuwi siya sinermunan namin siya ni Ji Ah.

Nung mga sumunod na araw ay okay naman sila ni Jungkook parang walang nangyari dahil sweet naman sila sa isa't isa kaya akala ko napag-usapan na nilang dalawa. Nakapag-date pa nga sila but, I was wrong dahil isang gabi narinig kong umiiyak si Eun Kyung sa kwarto niya. I didn't bother to knock on her door, ayoko siyang piliting magkwento kaya nanatili lang ako sa labas.

Nung una nagalit ako kay Jungkook dahil sa nalaman ko pero never kong nilabas yung galit ko sa kanya dahil hindi ko din naman alam yung totoong kwento. I know he's having a hard time. Kahit hindi niya sabihin sa amin alam kong nahihirapan na din siya. He maybe tough but, when Eun Kyung is involve ibang usapan na. May part na naiinis ako sa kanilang dalawa dahil mas pinili nilang itikom yung bibig nila kahit pareho na silang nahihirapn. But, I know I can't blame them.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon