-11-

17 1 0
                                    

Mabilis lang lumipas yung mga araw. Masyado rin kaming naging busy dahil sa mga preparations para sa comeback nila and today is the day. Finally, BTS is coming back on stage with their new album.

Nandito kami ngayon sa Mnet studio para sa comeback show nila including Jherzy unnie. Nauna na kasing umuwi sila Mama Gen at Troy sa Pilipinas dahil may mga dapat daw silang asikasuhin dun. Nagpaiwan lang si Jherzy unnie dito para supportahan ang kanyang boyfriend. Babalik din si Unnie sa Pinas after ng mga promotion ng Bangtan then balik siya ulit dito before the Festa Day.

Busy kaming lahat dito sa stand-by room ng Bangtan dahil inoorganize naming mga stylist yung mga gagamitin nila later. Nasa labas kasi yung pito para magrehearse. Hindi ko namalayan na pumasok na pala dito sa loob yung pito dahil masyadong nadivert yung atensyon ko sa pag-aayos ng mga gamit ni Jungkook. Naramdaman ko na lang na may biglang yumakap sa bewang ko mula sa likod kaya napalingon ako.

Bumungad sa akin ang mukha ng boyfriend kong nakabusangot. "Tapos na kayo magrehearse?"tanong ko habang patuloy na inaayos yung mga gamit niya.

''Yep. Gutom na ako" sagot niya habang nakayakap pa rin sa akin. Kaya pala nakabusangot ang mukha.

"Sa bagpack ko may bread, kunin mo. Ayun muna kainin mo habang wala pa yung lunch na pinadeliver." utos ko sa kanya pero imbes na bumitaw ay mas lalo niya pang hinigpitan yung pagkakayakap niya.

"Ikaw na kumuha, Ayoko bumitaw. Nagchacharge pa ako" sabi niya sabay pout. Ang cutie niya tuloy. How can I resist him? Kaya ang ending ako din ang lumapit kung nasaan yung bag ko at ang loko nakayakap lang sakin habang naglalakad. Sanay naman na yung mga staff ng BigHit sa aming dalawa kaya parang normal na lang sa kanila pag nakikita nila kaming sweet pero kailangan pa rin naming mag-ingat para iwas chismis.

Dahil nga naglalambing ang kuneho kong boyfriend ay ako na rin ang nagpakain sa kanya nung tinapay na dala ko. Hindi ko nakuhang humindi pano nagpacute ang loko.Minsan lang din naman yan maglambing kaya pinagbigyan ko na. Madalas kasi ako ang naglalambing.

Dumating din naman agad yung lunch namin kaya kumain na kami ng saba-sabay. Mamaya pa daw sila magpeperform para sa pre-recorded video performance kaya pinabayaan muna namin silang magpahinga.

Hindi na rin kumalas sa pagkakayakap si Jungkook sa akin simula kanina. Ako pa nga nagpakain sa kanya ng lunch kanina. Nakatulog na si Jungkook sa balikat ko habang nakayakap pa din sakin kaya pinabayaan ko na lang. Minsan lang maging clingy si Jungkook pero grabe naman halos buong araw akong hindi bibitawan or lalayuan.

Habang natutulog siya sa balikat ko ay dahan dahan ko siyang nilingon para titigan. I really love staring at his face lalo na pag tulog. Ang cute niya kasi parang baby, well baby naman talaga siya. Baby ko. Ang sarap niya din panuorin matulog kasi ang kalmado ng mukha niya. While, staring at him naalala ko yung mga memories namin nung bata before we became lovers at dahil sa naalala ko kinilig ako kaya bahagya akong napangiti. I was too busy staring at him to even notice that he was also staring at me with a smirk on his face.

"Love, if you want to kiss me, just do it" seryosong sabi niya pero inirapan ko lang siya. Laking gulat ko ng bigla niya akong halikan sa labi dahil sa ginawa niya naramdaman ko agad ang pag-init ng mukha ko. Para na siguro akong kamatissa sobrang pula. It was jus a peck pero grabe yung epekto sakin. Magpa-five years na kami pero ganun pa rin yung epekto sakin pero parang mas lalo yatang dumami yung paru-paru sa tiyan ko.

"Love, you're so naughty." sabi ko sa kanya nung nakabawi na ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Tinawanan lang ako ng loko at hinalikan ulit ako ng mabilis. Umandar na naman ang kapilyuhan ni Jungkook. Buti na lang at hindi nakita ng mga kasama namin iyon. Humanda ka sakin Jungkook.

Maayos din naman natapos yung comeback show nila kaya after nun ay nagtungo na kami sa restaurant na pinareserve ng staff nila para sa isang dinner. Dumating din naman si Tito Shiyuk at sumabay sa amin mag dinner.

Naagaw ni Yoongi Oppa ang atensyon namin nung bigla siyang tumayo at nagsalita."Guy, i have something to tell you all" seryoso pero parang nahihiya niyang sabi. Nilingon ko naman yung anim na nagtataka sa sinabi ni Yoongi Oppa.

"Hyung, may problema ba? pag-usapan natin. Huwag kang padalos-dalos ng desisyon" nagulat kaming lahat sa sinabi ni Jimin Oppa kaya halos lahat ng atensyon na sakanya na lahat pati si Yoongi Oppa ay nagtaka na rin sa sinabi ni Jimin Oppa.

"Bakit Jimin, may alam ka sa sasabihin ni hyung?" tanong naman ni Taehyung Oppa na parang naiiyak na. Napailing naman si Yoongi Oppa bago nag salita ulit.

"Panira kayong dalawa ng moment" sabi ni Yoongi Oppa bago nilingon yung dalawang takas sa mental. "As what i'm saying, I want you all to meet my beautiful girlfriend, Jherzy Mondejar." nakangiting sabi niya pagtapos ay tumingin ito kay unnie na katabi ko at nilapitan niya para alalayan si unnie sa pagtayo. Nilingon ko naman yung anim na mukhang wala talagang alam sa mga nangyayari. Hindi siguro sinabihan ni Yoongi Oppa yung anim.

Nagpalakpakan naman kaming lahat sa announcement ni Yoongi Oppa. Lumapit din si Tito Shiyuk sa kanila para i-congratulate. Dahil din sa naging announcement ay nagkayayaan silang uminom muna bago umuwi. Double celebration daw kumbaga. Nauna nang umuwi si Tito Shiyuk. Nagpaiwan lang kami dito at ihahatid naman daw kami ng service pauwi. Hindi rin naman kami nagtagal duon dahil nagyaya nang umuwi yung pito dahil gusto na daw nilang magpahinga.

"Good night Love. Sleep well" sabi ni Jungkook bago ako hinalikan sa noo.

"Good night din. Text me pag nasa dorm na kayo" paalala ko sakanya. Tumango naman siya bilang sagot. "I love you" sabi ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

"I love you too. Sige na pasok ka na sa loob." sabi niya bago niya tuluyang isara yung pinto ng van. Hinintay muna nila akong pumasok sa loob ng bahay bago sila tuluyang umalis.

Dala ng sobrang pagod ay hindi ko na nasagot yung text ni Jungkook at tuluyan na akong nakatulog. Ang hirap din palang maging stylist ng isang sikat na kpop group nakakaubos ng energy. 

Last day na ng promotion nila kaya medyo hindi na rin kami ganun kabusy unlike nung mga nakaraan dahil medyo kabi-kabila yung mga schedule nila. After nito ay may one week silang pahinga bago sila sumalang ulit sa mga puspusang practice para sa Festa Day nila. Si Jherzy unnie ay umuwi na kahapon ng Pinas dahil may emergency meeting daw at kailangan nandun siya.

Nandito lang ako sa backstage nakatambay kasama yung ibang staff. Hinihintay kasi namin silang matapos, last day na rin kasi ng fan-sign event nila. Mula rito sa likod ay naririnig pa din namin yung mga hiyawan at pagtawag nila sa Bangtan para lumingon sa mga camera nila. Nasanay na din naman ako pero kasi may part pa rin sa akin na nagseselos lalo na kapag may hinahawakang kamay si Jungkook pero yung selos na nararamdam ko ay hindi nakakamatay.

Natural lang naman sakin ang magselos dahil girlfriend niya ako pero kaya ko naman tiisin yun. Naiintindihan ko naman yun, it's part of his chosen career.  Atsaka, natutuwa din ako pag nakikita ko yung mga expression ng fans nila pagnakikipag-interact sila sa Bangtan. Interacting with their fans is their way to give thanks and give back to their fans for supporting them. And, as BTS Jungkook's girlfriend I need to love and adore their fans just how they adore and love them. Mahal ko si Jungkook kaya kailangan ko siyang supportahan sa lahat. Maybe, that's one of the reason why our relationship became stronger.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon