-38-

9 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~

Eun Kyung's POV

Kinabukasan gumising ako ng parang walang nangyari. Buti na lang at hindi na gaanong namamaga yung mata ko. Pupunta ako ng BigHit ngayon and like what I planned last night, I'll act as if wala akong alam.

Sana lang mapanindigan ko yung desisyon ko. Ayokong dumagdag sa stress na meron si Jungkook ngayon. Kaya ko pa naman tiisin.

Pagdating ko sa building ay sinalubong agad ako ni Jungkook. I smiled at him pero deep inside gustong gusto ko siyang sigawan.

"Good morning Love. Hindi kita nakita kahapon." syempre hindi talaga ako nagpakita sayo kaya paano mo ako makikita. I tried to be cheerful when I greet him back.

"Good morning, date na lang tayo later?" ako na nagyaya sa kanya. I just want to spend time with him kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw.

"Hmm, I can't go out with you later. I have important things to do later." nag-aalangan niyang sabi. Na-disappoint naman ako sa sinagot niya pero hindi ko pinahalata.

"Aww. Maybe tomorrow? since, sunday naman. pretty please" naka-ngusong sambit ko sa kanya.

"Sure. I'll date you tomorrow. I promise" he pinched my nose. He intertwine our hands as we walk towards the elevator.

Tahimik lang kaming pareho sa loob ng elevator. Walang gustong mag-salita hanggang sa nakarating kami sa office ko.

"I'll see you later bago ako umalis." bakit parang double meaning yung huling sinabi niya sa akin o sobrang oa ko lang talaga?

"Okay. See you" tugon ko, pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay gustong gusto ko ng tumalikod sa kanya. He kissed my forehead before he walked away.

Get a grip on yourself, Eun Kyung. Mahaba yung araw. You can do this. Hindi ka pwedeng umiyak ngayon. Tibayan mo loob mo, kasalanan mo din yan kung hindi ka kasi sumunod hindi ka magkakaganito.

I hope I can survive this day without shedding any tears. Kahit ngayong office hours lang, I want a piece of mind. Inabala ko yung sarili ko sa pag-eedit ng mga videos nila. Hindi ko na halos napansin yung oras. It's already 5pm and hindi man lang ako naglunch, wala rin naman kasi akong ganang kumain at nakatulog din ako kanina habang nag-eedit.

Sabi ni Jungkook pupuntahan niya ako bago siya umalis pero hanggang ngayon wala pa siya or baka naman naka-alis na at nakalimutan mag-paalam sa akin.

"Eun Kyung, dumaan pala si Jungkook kanina dito kaso tulog ka sa desk mo kaya hindi ka na niya ginising" sambit nung isa sa mga co-editor ko. I smiled at her and mouthed thank you.

Umuwi ako ng bahay na pagod na pagod. Kagaya kagabi pagpasok ko ng kwarto diretso agad sa banyo at duon ko binuhos lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Isang araw pa lang pero napapagod na agad akong magpanggap na wala akong alam paano pa kaya sa mga susunod na araw? Kaya ko kaya?

Nagising ako ng may naramdaman akong kamay na humahaplos sa buhok ko. Kahit hindi ko idilat yung mata ko, kilalang kilala ko kung sino yun dahil kabisado ko ang amoy niya.

"Wake up sleepy head. Remember, we're going to have our date" malambing na sabi ni Jungkook.

"Dito muna tayo sa loob, gusto ko pa matulog" nakapikit na sabi ko. Naramdaman ko naman na humiga din siya sa tabi ko. I hugged him tight at ibinaon ko yung mukha ko sa dibdib niya.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon