-10-

17 1 0
                                    

Jherzy's POV

After a months of not seeing the two bruhas, im finally seeing them. Buti na lang at may kailangan kaming asikasuhing deal dito sa SoKor para sa business nung dalawa na minamanage namin. Himala nga at sumama ang kapatid kong ugok na si Troy, nagulat ako nung sinabi niyang sasama daw siya samin ni Mama Gen dito.

"Troy, tawagan mo nga si Eun Kyung bulok na tayo dito. Asaan na ba yun?" utos ko sa kapatid ko na nakahilig ang ulo sa may upuan. Kanina pa kasi kami nandito sa airport at ang tagal ng sundo namin.

"Bat hindi ikaw tumawag ate, ikaw naman may kasalanan kung bakit tayo naghihintay ng matagal dito" sabi niya habang nakapikit kaya nakatikim siya ng batok sakin. Aangal pa sana ang loko pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya ang ending tinawagan niya rin si Eun Kyung para ipaalam na nasa airport na kami.

Maling oras kasi yung nasabi ko kay Eun Kyung, oras ng flight ni Harper yung nasabi ko sa kanya kahapon at ngayon ko lang narealize na nagkamali ako. Hindi rin naman nagtagal ay dumating yung dalawang bruha. Iniwan daw nila si Tito Shiyuk sa van dahil may mga nakita daw silang media kanina dito sa airport. Pagdating namin sa bahay nila ay nagpahinga na kami.

Medyo hapon na din nung nagising ako kaya naisipan kong itext yung lalaking parang lumunok ng gluta.

To: Glutaman...

Hoy, ano ginagawa mo? Dito na kami sa Seoul.

Wala pa atang five minutes ay nagreply na agad siya. Himala hindi sila busy? Sa pagkakaalam ko ay sobrang packed ang sched nila dahil sa mga practices nila.

From Glutaman...

Kumakain -.- Nandito si Kyung bat di ka sumama?

Kahit talaga sa text nakakawalang gana kausap tong leche na to.

To Glutaman...

Mabulunan ka sana! Di ko naman alam na pupunta yan dyan eh.

Mabilis kong sinend iyon at naghintay ulit ng reply niya pero wala. Malamang ay bumalik na yun sa practice. Since, bored nako dito sa kwarto ay naisip ko na lang na bumaba para tumulong kay Mama Gen, kapatid ni mommy. Nahawa na din kasi ako sa dalawa dahil Mama Gen ang tawag nila kay Tita.

Tinulungan ko lang si Mama Gen magprepare ng dinner namin. Wala rin namin akong masyadong ginawa nung gabi dahil yung dalawang bruha late na din umuwi.

Isang linggo na kami dito pero hindi naman kami masyadong nakakapasyal dahil nga dun sa inaasikaso naming business deal, buti na lang at naclose deal na namin iyon nung Friday kaya pwede na kaming makagala sa mga susunod na araw.

Linggo ngayon kaya nagdecide akong yayain yung dalawang bruha na maglakad lakad. Isinama na rin namin si Troy para may alalay/body guard kaming tatlo.

"Aray ko naman unnie, Bakit ka ba namamatok?" ingit ni Eun Kyung dahil binatukan ko paano para siyang siraulo na naglalakad habang ngumi-ngiti mag isa. Ano nanaman kayang naiisip ng bruhang to.

Naglibot lang kaming apat dito sa park bago nagdecide na mag-shopping. Yung kapatid kong tukmol angal na angal dahil napapagod na daw siya kakasunod sa amin kaya ayun nakailang beses ko siyang binatukan. Nung napagod kaming apat ay nagdecide kaming umuwi.

Dito na rin pinag-dinner ni Mama Gen sa bahay yung Bangtan dahil gusto daw niyang makita yung pito. Kahit ako rin naman. Hindi kasi namin sila mapuntahan gawa nga ng busy kami.

Wala pa atang isang oras nung utusan ni Mama Gen si Eun Kyung na-itext ang boyfriend niya ay nandito na sila agad. Mabilis na puno ng ingay yung bahay ni Tito. Pagtapos ng simpleng dinner namin ay niyaya ng ungas kong kapatid yung pito para mag-inuman sa may pool side, broken hearted kasi. Hindi naman kami pumayag na hindi kami kasama pero syempre medyo malayo kami ng konti sa pwesto nila dahil may pag uusapan daw sila, you know "boys talk" kaya hindi na kami umepal.

Maya-maya lang ay napansin namin na nagpunas ng luha si Troy kaya agad kaming lumapit na tatlo. Pinabayaan lang namin siya na ilabas lahat ng gusto niyang ilabas. Habang nakikinig sa kapatid ko hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil nasasaktan din ako para sa kapatid ko.

Hindi ko alam na ganun na pala yung sitwasyon nila nung ex niya. He never open up that topic to me. Habang naririnig ko yung mga hikbi ng kapatid ko ay mas lalo akong napapaiyak, kahit lagi kong binabatukan si Troy ay mahal na mahal ko yun. Gustuhin ko mang balikan yung babae na naging dahilan ng pag-iyak niya ay hindi ko rin magawa dahil wala ako sa posisyon para dun. They are old enough to handle that kind of situation. Ang tanging magagawa na lang namin ay ang manatili sa tabi ni Troy and help him to heal those wounds.

"Kaya sa mga may minamahal dyan kahit palihim kung ako sayo umamin ka na, baka mamaya mabroken hearted ka pa, iiyak ka din tulad ko. Balita ko pa naman may nagpaparamdam daw na manliligaw tumawag sakin nung nakaraan hinahanap" mapang-asar na turan ng kapatid ko na parang may pinaparinggan. Pagtapos niyang sabihin yun ay humagalpak ng tawa ang loko na parang hindi umiyak kanina.

Naunang nag paalam si Eun Kyung na aakyta na sa kwarto niya dahil inaantok na daw kaya hinatid naman siya ng nobyo niya. Bumalik din naman agad si Jungkook pagkahatid kay Kyung.

Maya maya lang ay nagpaalam na rin yung iba na matutulog na hanggang sa dalawa na lang kami ni Yoongi ang naiwan.

"Hmm, Jherz.. ano may sasabihin sana ako sayo" medyo nahihiyang turan niya.

"Spill it" diretsong sabi ko.

"Can you be my girlfriend?" diretsong sabi niya pero halata mo pa rin na nahihiya. Si Yoongi na kilala bilang astig astig ay nahihiya sa harap ng babae.

"Yes" masayang sagot ko. Niyakap naman niya ako agad pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

Matagal ko nang alam na may nararamdam si Yoongi sakin at ganun rin naman siya. Actually, may one year na din ata kaming nasa MU stage pero hindi ligawan stage. Gets niyo ba? Ang gulo di ba? pero hindi naman na yun importante, hindi naman na kami bata para sa mga ganung stage. Ang mahalaga nagmamahalan kaming dalawa.

Kinabukasan, mga hapon na kaming nagsigising dahil lahat kami puyat. Tumambay lang ulit yung pito dito sa bahay para aliwin yung baliw kong kapatid. Nandun silang walo sa may labas habang kaming tatlong babae ay nandito sa sala. Napansin ko sa peripheral view ko na panay tingin ni Yoongi dito sa pwesto ko pero hindi ko siya pinapansin dahil busy ako. Napansin din ata ni Eun Kyung yun kaya ang bruha agad akong tinanong kung anong meron kaya agad akong pinulahan ng pisngi.

"Sabi ko na eh, ang galing ko talaga" kinikilig na sabi ng bruhang si Eun Kyung, sinabi ko na kasi sa kanilang dalawa yung meron sa amin ni Yoongi. Aba ang dalawang bruha mas kilig na kilig pa sa akin.

"Unnie, we're so happy for you." turan ni Ji Ah. Nginitian ko naman silang dalawa at nagpasalamat.

"Ikaw, kamusta? umuusad na ba lovelife mo?" natatawang tanong ni Eun Kyung sa best friend niya. Bigla namang nagbago ang itsura ni Ji Ah. Isa din tong in-denial, halata naman na gusto nila ang isa't-isa pero mga takot umamin.

"Tss" sagot niya pagkatapos ay nagwalk-out kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Eun Kyung.

Minsan ang hirap din basahin ng bruha na yun, halata naman na gusto niya yung tao or baka nga mahal na kaso dinidistansya niya yung sarili niya. Nagpapansin na nga sakanya yung guy kaso ang bruha laging nagsusungit. Ang in-denial at torpe din kasi ng lalaki, hindi na lang umamin. Basta ako masaya ako na may lovelife na ako. Bahala na silang dalawa dyan parehas mga nagtatanga-tangahan sa sariling nararamdaman. Pag-ibig nga naman...

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon