-8-

21 1 0
                                    

Sunday ngayon at naisipan naming mamasyal nila unnie dahil bugnot na daw siya sa bahay. Niyaya niya kaming mamasyal sa park, sinama na rin namin si Troy para may alalay kaming tatlo pag naisipan naming mamili. Nagpa-iwan si Mama Gen sa bahay, sus may sarili lang silang date ni Tito eh. Lowkey din masyado yung dalawang yun ayaw pa umamin. Mga pa-sweet. Natawa naman ako sa naisip ko kaya nabatukan ako ni unnie.

"Aray ko naman unnie, bakit ka ba namamatok ko" tanong ko habang hawak hawak yung tinamaan ni unnie grabe din kamay nito parang maton.

"pano kasi para kang gaga dyan, nasiraan ka na din ng bait?" inis na sabi niya medyo may mga napapatingin pa nga sa gawi namin eh.

"huh? ayos pa naman ako huh." nagtatakang tanong ko pero inirapan niya lang ako. "okay daw pero parang tanga maglakad pangiti-ngiti pa." sabay irap ni unnie sakin attitude talaga. Hindi ko na lang pinansin si unnie .

Nag ikot-ikot lang naman kami dito sa park pagkatapos ay kumain kami ng lunch. Nagdecide din si unnie na magshopping. Kung ano-ano ang binili namin kaya etong si Troy angal na ng angal dahil napapagod na daw siya samin kakasunod. Naawa na nga din ako kasi naka-ilang batok na si unnie sa kanya feeling ko nga anytime soon bigla na lang hihiwalay yung ulo niya sa batok niya.

Inabot na rin kami ng hapon dito sa labas kaya nung napagod kaming lahat ay nagdecide kaming umuwi na para sa bahay na lang magdinner.

"Nak, pakitext mo nga si Jungkook sabihin mo dito na mag dinner isama niya yung mga hyung niya at miss ko na rin ang mga batang iyon." utos sakin ni Mama Gen na agad ko namang sinunod, hindi pa kasi nila nakikita yung pito simula nung dumating sila unnie dito gawa nga ng busy yung mga loko sa practice at sa mga schedule nila. Sila unnie naman ay hindi rin makabisita sa company dahil may inaasikaso din daw sila dito sa Seoul para sa merging ng business namin ni Ji Ah na sila ang nagmamanage.

To: My Golden Jagiya ❤️

Love, dito na lang daw kayo mag dinner sabi ni Mama Gen, miss niya na daw kayo. Nandito din sila Troy. Dala na lang kayo extra clothes para sure kasi baka di na din kayo pabalikin ni Mama Gen sa dorm.

Hindi rin naman nagtagal at dumating na yung pito kaya agad umingay yung bahay ni Tito. Pagtapos ng dinner namin ay niyaya ni Troy yung pito na mag-inuman dun sa may pool side pero hindi kami pumayag na hindi kami kasamang tatlong babae. In the end wala rin nagawa si Troy dahil panay na ang batok ng ate niya.

Tuwang tuwa naman yung pito dahil ngayon lang daw ulit sila makakapag chill ng ganto. Nakipagkwentuhan yung mga boys kay Troy dahil brokenhearted daw ang loko. Biruin mo yun may napikot pa si Troy joke lang, may ibubuga rin naman siya kahit papano. Papasa siyang 8th member ng BTS pero syempre sa backstage lang siya.

Lumapit kami sa kanila nung napansin namin na nagpunas ng luha si Troy medyo lumayo kasi kami sa kanila kanina. Based on my observation, medyo may tama na si Troy siya kasi yung kanina pa lagok ng lagok ng soju.

"Bro, sobrang sakit. Minahal ko naman siya, binigay ko lahat pero sa huli tangina ako pa din yung naiwan" ramdam ko yung sakit sa bawat salitang binitawan ni Troy.

"iyak mo lang yan brad. HIndi nakakabawas sa pagkalalaki mo yung pag-iyak."sabi ni Yoongi Oppa.

"Anong bang nangyari?" malungkot na tanong ni Ji Ah. Tinignan kami ni Troy bago siya ngumiti ng peke.

"She cheated on me. Masakit sa tropa ko pa" mapaklang sabi niya sabay lagok ng soju.

"w-hat? who cheated on you?"medyo naguguluhang tanong ko.

"Cyn. She cheated with Emman" plain na sabi niya. Like wth! That innocent looking girl.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Unnie. We never imagine magagawa niya yun.

"Oh bakit umiiyak ka? Hindi naman pala ikaw may kasalanan." inis na sabi ni Unnie sakanya.

"Masakit kase ate, masakit dito" sabi niya sabay turo sa dibdib niya. "Ansakit sobra. Binuhos ko lahat sa kanya. Puta, 3 years yung pinagsamahan namin tas tinapon niya lang ng ganun!?" dagdag niya. "Pano na ko? Balak ko ng yayain magpakasal yun sa sobrang pagmamahal ko. Putang ina may singsing na nga akong nabili" turan nito na ikinagulat namin lahat. Hindi din naman lingid sa kaalaman namin na may long time girlfriends kaya nga lang hindi namin ito masyadong nakakasama dahil tinatago ng loko.

"tas alam niyo ba? sa sobrang tanga ko hinabol ko pa, lumuhod pa ako sa harap nilang dalawa. diba ang tanga ng ginawa ko pero wala naman akong napala" medyo natatawang turan niya pero halata mo na nasasaktan talaga siya.

"You didn't do anything wrong, hindi pagiging tanga yung ginawa mo. Ginawa mo yun kasi mahal mo si Cyn." turan ni Jimin Oppa. "Bakit hindi mo ulit habulin? Malay mo bumalik sayo, baka na confuse lang yun" turan pa niya

"Hindi na babalik yun Kuya, nabuntis na nung tropa ko. Wala na akong laban." dismayadong sagot niya at mas lalo pa siyang umiyak.

I didn't know na may ganitong side pala si Troy. Seeing him while breaking down infront of us makes my heart breaks into pieces. Troy is like a brother to me. He's pain will be my pain too. I love him as my brother and hindi ko kayang makita siyang nasasaktan ng sobra. I also saw how Jherzy unnie wipped her tears. The three of us burst in tears. Sinabayan namin si Troy sa pag-iyak. Naramdaman ko naman na hinahod ni Jungkook yung likod ko.

"Hindi naman siguro masama na wag muna ako mag move on diba? Okay lang naman siguro na magpakatanga muna ako hanggang sa mapagod ako?" mapait na tanong niya samin, sinagot naman siya ni Namjoon Oppa.

"Okay lang yun, basta pag dumating yung time na alam mong sobra na itigil muna. Stop yourself. Huwag mong ubusin yung sarili mo sakanya. Tandaan mo na hindi lahat ng gagawin mo ay worth it." nakangiti niyang sabi bago tinapik yung likod ni Troy.

"I've been there, masakit talaga lalo na pag binigay mo lahat. Mahirap bumangon kasi parang wala nang natira para sayo pero wala kailangan mong mag move on, kailangan mong magpatuloy. If kayo, kayo talaga. Kaya mo yan Troy. Nandito lang kami para sayo" sabi ni Hoseok Oppa.

"Sometimes you got to lose somebody for you to able to find someone that will truly love you just like how you will love that person. It's not the end of the world, Troy. It's okay to experience heart breaks coz' those heart breaks will make you stronger." nakangiting sabi ko sakanya bago ko siya yinakap.

Ngumiti naman siya saming lahat "Salamat sa inyo, kahit papano medyo gumaan yung loob ko. I've been keeping these for almost two months with myself, ngayon ko lang nailabas lahat. Sorry pinaiyak ko pa kayo" sabi niya bago tumingin saming tatlo na babae. "Nandito lang pala sa Seoul yung kailangan kumatok sa utak ko." medyo natatawa niyang sabi bago kami niyakap ni Ji Ah.

"Pangit mo umiyak, Troy. Inom na nga lang tayo" sabi ni Jungkook na medyo namumula na din yung ilong kaya natawa naman kaming lahat. Mas lalong lumakas yung tawanan namin nung nakita namin ang isa't-isa pano lahat kami ay ang pula ng mata na kahit si Yoongi Oppa na mas matigas pa sa bato ay nakita naming nagpunas ng luha.

"Kaya sa mga may minamahal dyan kahit palihim kung ako sayo umamin ka na, baka mamaya mabroken hearted ka pa, iiyak ka din tulad ko. Balita ko pa naman may nagpaparamdam daw na manliligaw tumawag sakin nung nakaraan hinahanap" may halong pang-aasar na turan ni Troy.

Pagtapos ng dramahan namin ay nauna na akong pumasok dahil medyo inaantok na ako. Sumunod naman sakin si Jungkook. Hinatid niya lang ako sa kwarto ko at pagkatapos ay bumalik na ito sa labas dahil baka daw bugahan siya ng apoy nila unnie pag hindi siya bumalik dun.

"Sleep well, Love. Good night. I love you" sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

"I love you too." sagot ko bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon