Pre-Epilogue

23 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

(a/n: a long chapter ahead hihihi.)

~~~~~~~~~~~

Eun Kyung's POV

It's been one year simula nung nagkabalikan kami ni Jungkook. Sa loob ng isang taon sobrang daming nagbago. Hansung came to our lives, Jherzy's and Yoongi's son. Ji Ah and Jimin got married two months after Jherzy's wedding. May anak na din sila and it's a twin, Jay and Jake.

May nadagdag na din sa grupo naming mga babae dahil nagka-girlfriend na si Jin oppa at Taehyung oppa. Lahat kami may kanya-kanyang buhay pag-ibig and sobrang saya kong makita silang lahat na masaya.

Mas naging matatag yung relasyon namin ni Jungkook. May mga pagkakataon na nagtatalo kaming dalawa pero naaayos din naman agad dahil kahit ako yung may kasalanan siya na yung nag-sosorry. Hindi siya nagdadalawang isip na ibaba yung pride niya para sa akin. Natuto kaming dalawa na mag-sabi sa isa't isa pag may problema. We shared the burden of each other.

Walang araw na hindi kami nag-dedate na dalawa pag nagkakaroon siya ng free time pero nanatiling tago pa din yung relasyon naming dalawa sa publiko.

Yung career nila ay mas lalong umuusbong. Mas dumadami yung nakakarecognize sa music nila. Natupad na din yung pangarap nila na manalo sa Grammy Awards. I was with them when they got their first Grammy award. I was beyond proud to all of them especially to him that day. I remember how all of us cried nung nalaman namin na nominated sila. Kaya halos lahat kami ay sumama sa kanila papuntang America pati mga pamilya nila.

Walang schedule sila Jungkook ngayon dahil may isang linggo silang pahinga. Next month kasi ay huling concert na nila dito sa Seoul para sa world tour nila kaya nandito nanaman silang lahat sa bahay at nanggugulo. Dito na din kasi nakatira sila Jimin oppa at Yoongi oppa kaya halos dito na din sila lahat tumira, okay lang din naman kay Tito Shiyuk at Mama Gen.

"Love, date tayo" sambit ni Jungkook. He wrapped his arms to my waist and lean his chin to my shoulder.

"Kakadate lang natin kahapon. Aren't you tired?" naramdaman ko naman siyang umiling.

"I won't get tired when it comes to you. Kahit galing pa ako ng concert, yayain pa rin kitang mag-date" seryosong sambit niya. I slightly tilt my head to look at him.

I was about to say something ng may biglang tumawag kay Jungkook.

"Papa" sabay kaming napalingon ni Jungkook sa pinanggalingan ng boses.

"My baby is back" salubong ni Jungkook sa kanya at agad niya itong kinarga at pinugpok ng halik.

"Let's play, papa." natatawang sabi niya kay Jungkook.

"Isabella Joyce, I told you not to run" rinig kong sigaw ni Ysa habang papasok sa main door. Narinig ko namang humagikgik si Ella sa kandungan ni Jungkook.

"Papa, run." pilyang utos ni Ella kay Jungkook na agad naman niyang sinunod at tinakbo si Ella palabas sa pool area kung nasaan yung iba.

Ella and Jungkook were so close to each other. Simula ata nung nakabonding ni Ella si Jungkook ay masyado na siyang na-attached dito. Nakalimutan na nga ako ni Ella dahil simula nung naka-bonding niya si JK ay hindi ito lumayo sa kanya at lagi na niya itong tinatawag na Papa. Ewan ko ba kung anong ginawa ni Jungkook kay Ella, may mahika ata siya na nakakapag-paamo sa mga bata dahil kahit yung tatlong lalaki ay malapit sa kanya.

Naalala ko tuloy kung paanong nagwala si Ella nung uuwi na sila ng Canada. Saksi ako sa kung paanong ayaw bitawan ni Ella si Jungkook sa Airport kaya ang ending sumama kaming dalawa sa Canada at nagstay duon ng tatlong araw.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon