-50-

13 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

~~~~~~~~~~~

Namjoon's POV

"Maknae, are you sure?" tanong ko kay Jungkook.

"Yes, hyung. Kailangan kong magpatuloy." Naka-ngiting sagot niya.

Natapos na kasi yung one month na binigay ni Pd-nim sa amin para magpahinga pero sinabi niya na kung hindi pa daw kaya ni Jungkook at kailangan niya pa ng oras pwede naman daw na huwag muna siyang sumama sa amin. Nagulat kami dahil siya pa mismo yung nagsabi kay Pd-nim na gusto na niyang magperform.

Nakikita ko yung determinasyon ni Jungkook na mag move-on. Buti nga at unti-unti nang bumabalik yung pagiging pala-ngiti niya pero may mga oras pa din na nahuhuli ko siyang natutulala at bigla na lang iiyak. Madalas pa rin naman siyang magkulong sa kwarto niya.

Naalala ko tuloy nung pinasok ko yung kwarto niya. Nakita ko yung malaking picture nila ni Eun Kyung na nakasabit sa pader sa may tapat ng kama niya. Mas namangha ako nung nakita ko yung isang side ng kwarto niya na puno ng pictures nilang dalawa na nakadikit sa pader, halos puro Polaroid films yun. Bago lang niya sigurong nilagay yun dahil wala naman yun nung nakaraan. Napadpad yung tingin ko sa divider na nasa sulok at natanaw ko yung isang maliit na box, nakabukas yun kaya lumapit ako para tignan kung anong laman.

Nagulat pa nga ako nung biglang lumitaw si Jungkook sa tabi ko. "Maganda ba hyung?" tanong niya habang naka-tingin dun sa laman ng box. Tumango ako bilang sagot.

"Mas maganda sana yan kung nakalagay sa daliri niya" matabang na sabi niya. Nanatili lang yung tingin niya duon.

"Ito ba yung hawak mo nung nakita ka naming sa dulo ng hallway?" tumango naman siya. Naalala ko kasi na may tinitignan siyang singsing nung araw na nagbreak sila.

"So, ibig sabihin dapat magpopropose ka na nun? Kahit alam mong magulo?" nanatili lang yung tingin niya duon sa dalawang singsing na nakalagay sa box.

"Sana. Baka kasi biglang magbago yung isip niya pero hindi ko na tinuloy nung sinabi niyang ayaw na niya. Duon pa lang alam kong hindi ko na mababago yung isip niya." Pinilit niyang ngumiti pero may lumandas na luha sa mata niya.

Tinapik ko yung balikat niya. "Alam naming nahihirapan ka, hindi madaling magpalaya ng taong mahal na mahal mo. Naiintindihan ka namin dahil maski kami ay nasaktan din sa nangyari sa inyo. Kaya kung sakaling kailangan mo ng masasandalan, you can always lean on us. Malay mo sinubok lang talaga kayo ng tadhana pero sa huli kayo din pala."

"Salamat, Hyung." Naka-ngiting sabi niya.

Iba talaga maki-paglaro yung tadhana, masyadong nakakasakit pero kailangan mong sumabay para malaman kung ano yung naghihintay sa dulo. Dalawa lang naman yung pwedeng makuhang sagot, yung kayo hanggang dulo o yung may kailangan magpalaya.

Mabilis lang lumipas yung mga araw at buwan, nakikita naming na bumabalik na talaga si Jungkook sa dati niyang personalidad. But, he's still on the healing process. Hindi naman namin siya pinabayaan. Inalalayan namin siya nung mga panahong kailangan niya ng masasandalan. Madaming araw na yung lumipas pero maski isa sa amin ay wala pa rin alam kung nasaan si Eun Kyung at kung ano nang nangyayari sa kanya. I hope she's doing fine. We really miss her so much.

------------

Taehyung's POV

Limang buwan na yung lumipas simula nung break-up nila Eun Kyung at Jungkook. Bumalik na din naman sa normal yung lahat. Nakakatawa na ulit kaming siyam pero minsan nararamdaman pa din namin na may kulang sa grupo. Sobrang laki ng naging epekto sa amin ng pag-alis ni Eun Kyung. Isa si Eun Kyung sa pinagkukunan naming ng energy pag sobrang drain na kaming lahat kaya nung nalaman naming na pinutol niya lahat ng connection niya sa amin ay naging matamlay kaming lahat. Ngiti pa lang niya nakakahawa na. She's so thoughtful and lovely, kaya hindi na ako nagtaka kung bakit mahal na mahal siya ni Jungkook.

May concert kami ngayon kaya sobrang busy ng lahat. Maaga pa naman kaya naisip kong lumabas muna sa field kung nasaan yung stage naka-set up at naabutan ko duon si Jungkook.

"Kook, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya nung naka-upo na ako sa tabi niya.

Nagulat pa nga siya sa presensya ko. "Oo naman hyung. Namiss ko lang si Kyung" ngumiti siya. Wala namang araw na hindi niya na bigkas na namimiss niya na si Kyung. Sino ba naman kasing hindi makakamiss sa babaeng yun? Maging matamlay nga lang yun ng isang araw halos mabaliw na kaming lahat lalo na si Jungkook.

"Miss na din namin siya. Kook, may sasabihin pala ako sayo." Seryosong sabi ko.

"Ano hyung?" tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin. "Ang gwapo ko sobra." Kumawala yung malulutong na tawa ko, nakakatawa kasi yung mukha niya sobrang seryoso.

"Hyung, gusto mong mamatay? Akala ko naman seryoso, hays" inis na sabi niya. Tumigil din naman agad ako sa pagtawa.

"Ito seryoso na, naka-usap ko nung nakaraan si Mark yung bestfriend ni Lian" nilingon naman niya ako ng may seryosong tingin. "Sinabi niya sa akin na wala daw nangyari sa inyo ni Lian nung gabi sa bar. Siya daw yung naghatid sayo sa labas ng dorm. Kaya wala ka daw maalala kasi sobrang lasing ka daw nung gabing yun. At sinabi din niyang----" huminga muna ako ng malalim at ngumiti. "hindi naman daw buntis si Lian, it's a fake pregnancy."

Nakita ko kung paanong namuo yung luha sa mata niya. "Hyung, seryoso?" hindi makapaniwalang tanong niya kaya tumango ako.

"Actually, gusto ka daw kausapin ni Mark kaso nahihiya siya sa ginawa ng best friend niya." Sambit ko.

Nung nalaman ko iyon ay gusto kong sugurin bigla si Lian dahil sa ginawa niyang kagagahan may mga nasaktang tao at may nasirang relasyon. Hind tuloy ako makapaniwala na minahal ko ang isang yun. Sa lahat ng naging desisyon ko sa buhay, yung minahal ko si Lian yung sobrang pinag-sisisihan ko. Hindi lang ito yung unang beses na may nasira siyang relasyon dahil kamuntik na niyang masira yung relasyon namin nila hyung.

Nalutas na yung isang problema, may chance na ulit sila Eun Kyung at Jungkook kaso lang hindi naming alam kung saan hahanapin si Eun Kyung dahil mukhang wala talaga siyang balak magpahanap.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon