-24-

18 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

Makiki-epal muna saglit si author hehehe. so ayun, gusto ko lang kayong iinform na iniba ko yung timeline ng comebacks, schedules and tour ng bangtan dito. Thank you! Sana mag enjoy kayo hehehe

~~~~~~~~~~~

Magcocomeback pala ulit sila kaya medyo busy na ulit kami. This time kasi sa BBMA ang comeback stage nila. Nung nasa Europe kasi kami ay nagstart na din sila mag film ng MV para sa title track nila which is wala talaga kaming idea kung anong itsura nila dun. Kapag practice naman nila ay hindi rin nila kami pinapapasok sa loob lalo na si Jungkook.

Gustong gusto ko na talagang mapanuod yung bago nilang choreography pero ayaw talaga nilang ipakita sa akin mga siraulo. Katatapos lang kasing meeting namin para dun sa comeback stage nila, balak ko sanang pumuslit duon sa practice room nila pero etong impakta kong bestfriend niyaya akong mag starbucks, ginamitan ako ng magic word na "libre ko" kaya napapayag agad ako. Kasabwat kasi ata siya ng pito.

"Bee, napanuod mo na yung bago nilang choreography?" tanong ko kay Ji Ah habang palabas kami ng building.

"Oo bee, napashet nga ako eh." napanguso naman ako buti pa siya.

"Ang duga, bakit ba kasi ayaw nila akong papasukin sa practice room?" prohibited daw akong pumasok sa loob ng practice room nila pag nagpapractice sila with approval pa ni Tito.

Nagkibit balikat lang siya at tuluyang pumasok sa loob ng starbucks. Nag-order kami ng frappe para sa aming dalawa. She also bought snacks for the boys. Pagdating namin sa practice room ay naabutan namin yung pito na nakalupasay sa sahig, katatapos lang siguro ng practice nila.

"Love, kain ka muna dito." tawag ko kay Jungkook na nakadapa sa sahig.

Lumapit naman siya sa akin, gaya ng palagi kong ginagawa pinunasan ko yung pawis niya habang kinakain niya yung dala namin ni Ji Ah. After ng short break nila ay umalis na din kami dahil tawag daw kami ni tito.

Days have passed and finally mapapanuod ko na din yung MV nila na itinago-tago ni Jungkook sa akin ng ilang linggo. Nagtampo nga ako sa kanya pero isang lambing lang niya bumibigay ako. Marupok ako eh.

Since, naka live sila sa Vlive para sa Special Comeback live nila nandito kaming lahat sa isang hub na nirent namin. They were busy communicating to their fans. Lahat kami dito ay antok na, since nasa Los Angeles na kami sobrang laki ng time difference, madaling araw dito at hapon naman sa Seoul kailangan namin mag-adjust dahil KST and sinusunod namin.

Nung natapos yung vlive ay nag tipon-tipon kami sa harap ng malaking white screen. Yung iconic intro pa lang ng bighit yung nagpplay pero yung puso ko nagpapalpitate na sa excitement. Umpisa pa lang ng MV pero natulala na agad ako. Naririnig ko naman sila puro "woah" lang sinasabi nila. Malapit nasa chorus nung bigla silang nahyper lahat.

"Pause niyo muna, hihinga lang ako" rinig kong turan ni Ji Ah, natawa naman silang lahat.

"Ayan na.... Kyung ready mo mata mo" sambit ni Hoseok Oppa sa tabi ko. Siya kasi yung nasa left side ko habang sa right side ko naman si Jungkook na nakangisi.

Magsasalita pa sana ako ng biglang lumitaw si Jungkook sa video at itinaas yung shirt niya not once, but twice. Sa sobrang bilis ay hindi ako naka-react tanging tili lang ni Ji Ah at nung ibang staff yung naririnig ko. Nung natapos yung Fake Love MV ay nagpalakpakan kami at agad kong nilingon si Jungkook na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"yah, did you just lift you shir-" naputol yung sasabihin ko dahil pumaibabaw na agad yung tawa niya. "Jeon Jungkook!!!!!" tili ko pero mas lalong lumakas yung tawa niya.

"Ano?" inosenteng tanong niya.

"Sana man lang nagbigay ka ng warning. Kainis, buti na lang hindi tumulo laway ko." inis na turan ko. Tumawa lang siya bago kinurot yung pisnge ko.

Grabe yung feels mga bes, di ko kinaya yung pa Abs ng boyfriend ko. Kaya pala ayaw magkwento tungkol sa mv nila dahil may pasabog siya. Lagi ko naman sanang nakikita yung Abs niya pero iba pa din pag yung army side ko yung buhay. Hindi pa sobrang taas yung paglift niya ng shirt paano pa kaya kung tinaasan niya pa.

It's BBMA night, medyo naging busy sila the other days dahil sa mga guesting nila dito sa LA and busy din sila kakapractice, they want their performance to be perfect since sa BBMA stage nila unang ipeperform yung Fake Love.

Dahil nga sobrang busy kami dito sa stand-by room nila nakalimutan ko ng kumain kaya nasermonan ako ni Jungkook.

"Love, kumain ka muna." sabi niya sabay abot ng pagkain sa akin.

"Dyan mo muna, tapusin ko lang ito." sagot ko ng hindi siya nililingon.

Pero dahil makulit ang boyfriend ko hindi niya talaga ako tinantanan hanggang siya na ang nagpakain sa akin..

"Alam mo namang masamang nagpapalipas ng gutom pero ang kulit mo din." ayan na po nag-umpisa na siyang mangaral. Hindi na lang ako kumibo.

"Hindi ka naman idol na may strict diet pero ang tigas ng ulo mo. Payat payat mo na nga hindi ka pa kumakain ng ayos." dagdag niya. 

"Sexy ako love. Hindi payat. Tsaka hindi naman ako nagpapalipas ng gutom, nakalimutan ko lang kumain" sagot ko kaya nakatikim ako ng mahinang pitik sa noo mula sa kanya.

Ngumuso naman ako. "Mga dahilan mo, parehas lang yun." hindi ako kumibo at hinayaan ko na lang siya na pakainin ako. 

Magsstart na yung event kaya pumunta na sila sa red carpet. Agaw pansin nga yung pito dahil sa suot nila, Gucci Collection lang naman. Gusto ko ngang arburin yung suot ni Jungkook. Nag-umpisa na din yung event, nandito lang kami sa dressing room nila. Inihanda na rin namin yung mga susuotin nila para sa performance nila dahil malapit na silang magperform.

The got the same award they get last year. Sobrang nakakaproud kasi isa ako sa mga nakawitness ng hardships nila bago nila narating kung nasaan man sila ngayon. They really deserve it.

After ng awarding binigyan sila ng time for break. May mga artist na dumaan dito sa dressing room nila para magpapicture and to congratulate them. Ang swerte ko nga kasi nakapag-papicture ako kay Taylor Swift with matching autograph pa, thanks to Namjoon Oppa.

They are now on stage habang ako naman ay nasa may harap nila. Ako kasi ang inutusan na kumuha ng pictures nila. They're performance was lit as always idagdag mo pa yung energy ng fans nila. Pagbalik namin sa backstage ay agad lumapit si Jungkook sa akin.

"Gigil na gigil sa pag-taas ng polo kanina huh" biro ko sa kanya.

"Mababa pa nga yun" sakay niya sa biro ko.

"Sus, may pa-lip bite ka pa nga tapos yung dimple mo lumabas" halakhak ko.

"Nasa harap kasi kita kaya ganun. Im seducing you." sagot niya at kumindat pa. Kita ko kung paano pumula yung mukha niya dahil sa sinabi niya. 

"Daming alam. Anyways, Congrats" turan ko pagtapos ay mahigpit siyang niyakap at hinalikan sa pisnge.

Nung natapos yung program ay nagdecide na kaming bumalik sa hotel dahil maglilive daw sila sa vlive para magcelebrate with Armys. May thanksgiving party pa sana kaso hindi na sila pupunta dahil mas gusto daw nilang ishare yung victory nila sa Armys.

I'm really proud to them. Hindi ako nagkamaling tinggalain sila dahil ni minsan hindi sila nakalimot kung saan sila galing. They always look back from where they started. Never nilang nakalimutan yung mga taong sumuporta sa kanila mula umpisa. As their friend and fan, I can say that they are so humble.

Alam kong mas malayo pa mararating nila at sigurado ako duon. As Jungkook's girlfriend,I'm so proud and happy for him. I promised to support him no matter what happen.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon