-46-

13 0 0
                                    

Please vote and drop some comments. Lovelots <3

(2.8k words for this chapter. Sana magustuhan niyo)

~~~~~~~~~~~

(a/n: Play Nothing like us Jungkook cover in this part ayun kasi yung pinapakinggan ko habang sinusulat ko tong part nato hehee)

Jungkook's POV

Akala ko okay na lahat, kaya nagulat ako nung nakita ko si Lian sa hotel. Alam kong hindi ako ang pinunta nyan dito dahil nagkalinawan na kami. Napag-kasunduan namin na sa presscon na magaganap next week namin aayusin lahat.

Hinila ko siya sa pinaka-dulong parte ng hallway kung saan walang tao. Galit ko siyang hinarap.

"What now!? Akala ko ba nagkasundo na tayo?" bulalas ko sa kanya. Hindi niya ako kinibo. Hinapit ko siya sa bewang para mapalapit ng husto sa akin at sinalubong ko yung labi niya. Mabilis na halik lang naman yun. Nagulat din ako sa ginawa ko.

"I already kissed you, now leave." Galit na sabi ko sa kanya. Nanatili siya sa pwesto niya at may bigla siyang nilahad na brown envelope sa harapan ko kaya agad kong kinuha iyon.

Pagbukas ko pa lang ng envelope ay bumungad agad sa akin yung papel na may nakalagay na positive. Sinuri kong maigi yung papel at nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.

"You're the father. Break with her now or I'll ruin your career."  Hamon niya sa akin. Napahigpit pa ako ng hawak sa papel kaya medyo nalukot iyon. Walang pag-dadalawang isip ko siyang sinagot.

"Then, ruin my career instead" determinadong sagot ko sa kanya. Wala akong pakielam kung sirain niya yung career ko pero yung maki-pag break kay Kyung ay sobrang impossibleng gawin ko. Hindi ko kayang igive-up si Eun Kyung at hinding-hindi pumasok sa utak ko yun.

Kung papapiliin man ako ng ilang ulit, I'm going to choose her over and over again.

Mas lalo kong naikuyom yung kamao ko sa sumunod na sinabi niya. "then, I won't spare the life inside my womb. I mean it." Umigting yung panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako sigurado kung ako ba talaga ang may responsibilidad sa dinadala niya dahil wala talaga akong maalalang may nangyari sa aming dalawa pero nakaramdam ako ng galit dahil sa binitawan niyang salita.

"Fine. Do what you want to do with that life in your womb. Kargo de konsensya mo na lang yun." Turan ko bago ko siya iniwang mag-isa.

Tangina bakit biglang ganito? Sigurado ako na wala talagang nangyaring sa amin dahil nung gumising ako wala akong kasama o katabi at nasa dorm na ako o baka naman kaya wala akong maalala dahil sa sobrang kalasingan. Bakit ba kasi wala akong maalala nung gabing yun. Nasabunutan ko yung sarili ko sa sobrang bwiset. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Maayos ko pa ba? May inosenteng buhay na nakasali. Akala ko kaya kong kimkimin lahat ng mag-isa pero may hangganan din pala.

Naglakas loob akong sabihin kila Hyung at Noona lahat, buti na lang at wala pa si Kyung dito. Sinabi ko sa kanila mula umpisa. Nakinig lang naman sila sa akin.

"I swear, hindi ko kailanman hinawakan yung babaeng yun kahit nung pinilit niya akong lumabas kaming dalawa. Tapos bakit biglang may ganito? Hyung, hindi ko alam paano ko sasabihin kay Kyung. Ang gago ko, ang laki kong gago" sambit ko.

"You mean, hindi mo inopen sa kanya to lahat?" tanong ni Ji Ah noona sa akin.

Umiling ako bilang sagot. "Hindi, akala ko kasi kaya kong ayusin mag-isa. I chose to lie to her kasi akala ko mapoprotektahan ko siya pero mas masasaktan pala siya" dismayadong sagot ko. Gusto kong saktan yung sarili ko dahil sa naging desisyon ko.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon