1

359 10 0
                                    


"She will be okay, don't worry too much." ani ng di pamilyar na boses.

Napamulat ako at nasilaw sa liwanag. Nakita ko si Mommy na nasa gilid at si Tita Almira.. Nandon din si Hannah at isang lalaki na nakatalikod sakin, kausapt ata yung doktor o ewan.

Wala ako sa hospital and that's for sure. Mukhang clinic lang to.

"Mommy..." mahinang sabi ko at agad silang naglapitan sakin.

"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ng doktor, nagulat ako ng lumingon ang isang lalaki. Si Clevin.

"I'm okay..." mahinang sabi ko.

"Siguro ay nahilo ka lang ng sobra dahil sa lakas ng impact ng bola at laking pasalamat natin ay hindi bumuka ang isa sa mga tahi sa ulo mo." napaiwas ako ng tingin ng marinig yon.

"I'm okay...Gusto ko na umuwi." sabi ko sa mababang boses.

"Pwede ka na umuwi after mo uminom ng gamot." sabi ng doktor at nagpaalam na aalis na.

Tahimik lang ang buong kwarto. Walang nagsasalita. Ako ay nakayuko lang dahil sa hiya at takot. Paano kung bumukas ang isa sa mga tahi ko sa ulo? Paano?

"Ilan ang tahi mo sa ulo, Eilly?" tanong ni Tita Almira. Napabuntong hininga ako.

"Seven po ata, hindi ko ho sure." mahinang sabi ko. Rinig ko ang pagsinghap nila sa narinig. Maski si Clevin ay mukhang nagulat.

"Janessa! Bakit andaming tahi sa ulo ni Eilly?!" histerikal na tanong ni Tita Almira. Kita ko ang galit at gulat sa mga mata niya.

"Ginagawa siyang punching bag ng---"

"Mommy, please." madiin kong sabi kaya tumigil si Mommy. Ayaw na ayaw kong pinagsasabi ang mga sikreto ko sa iba.

Sa tingin ko ay huhusgahan lang nila ako at kukutyain. Baka kawawain at lalo lang nila akong pag initan dahil sa mga sikreto ko. Nakakatakot. Nakakatakot husgahan ng mga taong di mo naman kilala pero anlakas manghila pababa. Nakakatakot husgahan at kaawaan dahil sa mga nangyari sa buhay ko. Nakakatakot balikan yung mga binaon ko na sa hukay na alaala.

Nangilid ang luha ko at agad iyong pinigilan. Di dapat ako umiiyak. Walang nakakaiyak.

Life is unfair but we need to accept it. Napabuntong hininga ako at tumayo na sa kama. Nakainom na ako ng gamot kaya pwede na akong umuwi.

Nauna si Mommy at Tita dahil nag uusap sila, naiwan si Hannah at Clevin. Si Hannah ay inaalalayan ako at si Clevin ay nasa unahan namin.

"Dark Kings are worried. Di naman nila sinasadya pero that's first time at ikaw pa ang natamaan. Everyone is worried, lalo na to." bulong ni Hannah at nginuso si Clevin na nasa harap namin.

"It's okay, wala naman silang kasalanan, aksidente naman ako natamaan, di naman nila sinasadya." mahinang sabi ko at ngumiti.

"Galit na galit si Clevin, nagsisisi siya, dapat daw di na siya nakipag agawan sa bola." bulong niya uli.

"Nanalo ba sila?" tanong ko at nilingon si Hannah.

"Clevin is a beast, lalo na nung tinakbo ka na sa clinic, lalong nag init ang laro. And yes, panalo sila. May injury nga lang ang karamihan dahil naging madumi ang laro." sabi niya at binuksan ang gate namin.

Napatikom ang bibig ko. Masakit ang ulo ko but it's fine. Lagi naman kasi talaga itong masakit. I have seven head injury before at lahat yon ay tinahi. One of the scariest nightmare that happened to me.

"Mommy, magpapahinga na ako sa kwarto. Tita, Hannah and Clevin...salamat po sa pag aalala at pag alaga." sabi ko at bahagyang ngumiti bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. Alas 5 na ng hapon at papadilim na.

Pumasok ako sa banyo at naghilamos at nag ayos. Nagsuot ako ng sleeveless at pajamas at nahiga sa kama ko.

Napabuntong hininga ako at kinuga ang cellphone ko. I need to let this out. Fear and sadness is eating me up again.

I texted Fiya. She's one of my bestfriends but we are now away from each other.

'My head is aching. Natamaan ako ng bola kanina habang nanonood ng liga.'

Then I hit the send button. My friends are very worried to me always. The have seen many scars, wounds and bruises that I have. They are very thankful that I finally left that place.

"Eilly, kakain na." rinig kong sabi ni Mommy sa likod ng nakasarado kong pinto.

"Okay, lalabas na." sabi ko at nagtali ng buhok.

Wala ng tao sa sala pagkalabas ko, for syre nasa dining area na. Pagkapasok ko ay lahat ng mata nila ay nasa akin.

Holy shit wala akong bra!

Kita ko ang pag iwas ng tingin ni Clevin. Bakit nandito sila?

May iba pang kalalakihan doon at si Hannah, Tita Almira, Ella at Ken.

"Sorry." sabi ko at mabilis na umalis para magbihis.

Sobrang init ng mukha ko dahil sa nangyari. Lahat sila ay nakatingin sakin at for sure nakita nila to. Oh God! Bakit ba ang bobo ko lagi? Argh!!!

Bumalik ako sa dining area ng nakatungo. Hiyang hiya ako. Akala ko sila Mommy lang ang nasa dining kaya anlakas ng loob ko na di mag bra.

"Eilly, maupo ka na para kumain." sabi ni Tita. Umupo ako agad sa tabi ni Hannah.

Nakangisi si Hannah habang nakatingin sakin.

"You shocked them Eilly. Pulang pula ang mga tenga nila kanina." natatawang bulong ni Hannah. Napailing ako at nahiya.

"Sino ba ang mga yan?" pag iiba ko ng topic. May tatlong kalalakihan dito at si Clevin. Naalala ko ang mga mukha nila. Mga player sila ng Dark Kings pero di ko sila kilala.

"Si Larren yang kulot na may piercing, si Carlos naman yang moreno na may dimples kada salita at si Andres, yang tahimik. Mga kababata natin yan. Si Clevin at Arcon ay mas matanda ng isang taon pero sabay sabay tayong naglalaro dati." sabi ni Hannah at kumain na. Iginila ko ang mga mata ko at nakitang mga binatang binata na sila.

Holy shit. Ano na lang iisipin nila sakin? For my breast's sake! For sure nakita ang dibdib ko dahil sa manipis ang suot ko. Holy God!

Halos panggigilan ko ang steak na nasa plato ko dahil sa inis ko sa sarili ko. Kahit kailan ay tanga tanga ako kumilos. Argh!!

"Eilly, ayos ka lang ba?" napaangat ako ng tingin ng magsalita si Mommy. Lahat sila ay nagtatakang nakatingin sakin.

"Ho?" ayan lang ang lumabas sa bibig ko at nagtaas ng kilay.

"Ayos lang naman ako Mommy." lutang kong sabi.

"Ayos ka nga lang, pero yung steak hindi ayos." natatawang sabi ni Carlos. Napababa ako ng tingin sa steak kong durog durog na. Oh shit.

"Ah, mas okay na durog.." sabi ko at kumain na. Nakita ko ang pagngisi at pag iling ni Clevin. Anong problema niya?

Nang matapos akong kumain ay kumuha na ako ng leche flan para sa dessert.

"Anong course ang tinetake niyo sa college?" tanong ni Mommy sa mga binatang kasalo namin sa hapag kainan.

"I'm taking Civil Engineering." sagot ni Clevin at bumalik sa pagkain.

"Ako naman ay Law." sagot ni Andres. Wow. Law. Wow.

"Mechanical Engineering, here." sabi naman ni Larren.

"Criminology." sagot ni Carlos.

Wow. These guys are amazing. I'm amazed.

"Eh ikaw Hannah?" tanong ni Mommy.

"Business po, Tita." sabi ni Hannah at bumungisngis.

"Eh si Eilly po? Ano po ba ang kinuha niya?" tanong ni Larren.

Napatikom ang bibig ko.

"Uhm.. Architecture." sabi ko at ngumiti.

Napatango sila at nag open ng panibagong topic. Binalik ang mga alala noong mga kabataan kami. Nagtatawanan kami at nag aasaran sa harap ng hapag kainan.

Masaya. Pinangarap ko 'to. Masaya sa harap ng pagkain. Tawanan lang at masasayang ngiti ang makikita. Walang baril na nakatutok. Walang sigawan.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon