"Mom. Papunta na kami jan." sabi ni Clevin habang kausap ang Mommy niya sa cellphone. Hindi ko maiwasang kabahan dahil pagkatapos ng ilang taon ay magkikita na kami ni Ms. Priscilla. Lola siya ni Eli.Isang linggo na ang nakalipas noong nagbirthday si Eli. He's already one year old. Tinanggap naman ni Mama at Papa na mag iisang bahay na lang kami ni Clevin. Kuya Stan and Stefan disagreed pero wala din silang nagawa dahil humahabol si Eli kay Clevin.
Kakauwi lang daw ng Mommy at Daddy ni Clevin ngayon galing sa England. Galing sa isang business trip. Ang sabi pa ni Clevin ay excited silang makita ang kauna unahang apo nila.
"Don't worry. Mom likes you and also Dad. Maybe they did some bad things before but I hope we can start over again." sabi sa akin ni Clevin habang nagmamaneho siya. Nasa shotgun seat ako at nasa back seat si Eli. Nakaupo siya sa isang perambulator at tahimik lang na naglalaro.
"I already forgave everyone who did something to me in the past. Kinakabahan lang talaga ako." sabi ko sa kanya at ngumiti.
Naging tahimik ang buong byahe namin. Isang linggo na pero hindi pa din namin napapag usapan ni Clevin kung ano ba talaga kami ngayon. Magulang kami ni Eli pero wala kaming label or what. He's still sweet and caring, ano muna label? Mag ex lovers or parents na? I just want to clarify things. Hindi naman kami kasal, live in lang.
"Ano ang iniisip mo?" tanong niya sa akin. Lumingon ako sa kanya.
"Nag iisip lang kung ano ba label natin." sabi ko at tumawa. His forehead furrowed.
"We're already parents. What kind of label ba?" he asked.
"Yes, we are parents. Magulang tayo ni Eli. Pero anong label natin sa isa't isa? Are we ex lovers forever or what?" I asked. I need answers para hindi ako mag assume or mag expect. Mahirap na, baka si Eli lang ang gusto niya at sabit lang ako. Mahirap ang walang label.
He chuckled. Sumulyap siya sa akin at ngumisi.
"Alam mo, naninira ka ng plano." sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko. Anong plano? Na naman?
"We're soon to be husband and wife, baby." nakangising sabi niya. Inilabas niya ang maliit at kulay itim na box sa bulsa niya. Binuksan niya yun at ipinakita sa akin ang isang maganda at mamahaling singsing.
My whole system dance in happiness and surprise. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Tangina?
"Clevin, eyes on the road!" sigaw ko sa kanya. He was looking at me.
"Marry me, I promise to love you and our son endlessly at ang mga susunod pa nating mga anak. Mamahalin kita ng buong buo, I will cherish you forever. Aalagaan at papahalagahan kita sa abot ng makakaya ko. Marry me." sabi niya at ngumiti sa aki. Hindi ako makapagsalita dahil ako ang nakatingin sa kalsada. He was looking at me intently and lovingly.
"Oo na, ayusin mo ang pagmamaneho mo!" sagot ko sa kanya. Itinago niya uli ang box at ngumisi. Ibinalik niya ang mga mata niya sa daan. Nakahinga ako nang maluwang.
"Napipilitan ka ata?" sabi niya.
"Tangina, bakit ka kasi nagpopropose habang nagmamaneho? Kundi ka ba naman gago!" inis na sabi ko sa kanya. Tumawa siya at umiling.
"Wag ka na magalit at magmura. Basta umoo ka na, wala nang takbuhan." sabi niya at dumukwang ng halik sa mga labi ko. It was flash and that made me stunned. Nakabalik na siya sa pagmamaneho at pasipol sipol.
"Ano ang lipstick mo?" he cheekily asked.
"It's lip balm. Bakit?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Nothing. Antamis kasi ng labi mo." sabi niya at ngumisi. Naramdaman ko ang pag iinit ng mga pisngi ko. Tumingin ako sa bintana para hindi niya mapansin. Si Clevin talaga!
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...