28

126 7 0
                                    

"Anak, pinabibigay ni Clevin. Kausapin mo naman na siya, lagi mo siyang dinadaan daanan lang." sabi ni Mommy at inabot sakin ang isang pumpon ng bulaklak. Iniwan ko lang yon sa lamesa. Nakita kong may sulat yon kaya binasa ko.

Dear Eilly,

I know I've caused pain and frustrations. Please, talk to me and I will explain everything. I won't get tired pleasing and begging for your forgiveness. I told you before, I'm not saint. Please, talk to me or just reply on my messages. I miss you, it's been 3 days na hindi mo ako pinapansin. Don't forget that I love you so much everyday.

Iniwan ko lang don ang letter at kumuha ng tubig sa ref. Hindi alam ni Mommy ang tungkol sa drugs. Ang naikwento ko lang ay ang nangyari sa rooftop noong nakaraan.

Todo muna ang pag iwas ko kay Clevin, alam kong lalong gugulo pero gusto ko muna hindi siya kausapin. Ayokong masira ang relasyon namin. Kailangan kalmado ako kapag mag uusap na kami.

Sa tatlong araw na hindi ko kinikibo si Clevin, nawawasak din ang puso ko kapag dinadaan daanan ko lang siya. Nakayuko lang siya at pilit na ngumingiti. Laging magulo ang buhok niya at parang wala sa sarili. Ganon din sina Andres, Larren at Carlos. Yumuyuko sila kapag nakakasalubong ko sila. They look so guilty.

Linggo ngayon at wala akong magawa sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Clevin sa apartment niya. Ewan ko kung nandon ba siya.

Naligo ako at nagsuot ng sleeveless halter top na baby blue at highwaist denim loose jeans, isinuot ko ang white sneakers ko at nag ayos ng mukha. Nag lagay ako ng liptint at blush on. Naglagay din ako ng mascara at nagpabango.

Naisipan kong magmall mag isa. Wala naman akong magawa kaya magshoshopping na lang ako. Kailangan ko din bumili ng mga color pen at pencils.

"Mommy, punta lang ako sa mall. May bibilhin lang." sabi ko at lumabas na. Pagkalabas ko ay nasa tapat lang ng pinto si Clevin.

He looks like a mess. Magulo ang buhok at malaki na ang eyebags. Tinignan niya ako ulo hanggang paa, nakaawang ang mga labi.

"S-Saan ka pupunta?" he stuttered.

"Mall. Clean yourself, Clevin." sabi ko at hinila siya papasok sa apartment niya. Yes, galit ako sa kanya at may problema kami pero he's my boyfriend.

"What are you doing?" he whispered. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Clean yourself.." sabi ko at tinulak siya papasok ng apartment niya.

"We'll talk later. Aalis na ako, clean yourself." sabi ko at naglakad na paalis.

"W-Wait." napalingon ako sa kanya.

"Can I come with you? Okay lang kung hindi mo ako papansinin." sabi niya at kumamot sa ulo niya.

"No, I will be with my friends." Again, I lied. Bumagsak ang mata niya sa lapag at tumango.

"Okay, ingat." sabi niya at pilit akong ngitian. My heart breaks when I saw his tug smile. Tumango na lang ako at umalis na.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mall. Hapon na at madami ang tao sa mall dahil linggo.

Nag ikot ikot ako sa buong mall at pumasok sa isang Men's wear shop. Naghanap ako ng damit na sasakto sa katawan ni Clevin, magfifirst monthsarry na kami sa 24 at ito ang una kong ireregalo sa kanya.

Nakakita ako ng dark green na pull over, hindi ko nakikita si Clevin na nagsusuot ng ganito kaya ito ang bibilihin ko para sa kanya. Nagbayad ako sa cashier at nakitang may ganon pang style at color pero mas maliit naman. Napangiti ako at binili ko din. Magmumukha kaming couple dahil sa binili ko.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon