Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng mag ring ang phone ko. It's already 3 in the morning my gosh!Chineck ko ang caller at nakitang si Fiya yon. I tapped the answer button ang placed it in my ear. I'm really sleepy.
"Fiya?" tawag ko sa phone. Nakita kong mahina ang signal sa kwarto kaya siguro ay di ko siya marinig. Lumabas ako ng apartment namin at umakyat sa rooftop. Tahimik na ang buong building ng apartment namin kaya nagdahan dahan ako.
At nang makarating ako sa rooftop ay narinig ko na din sa wakas ang boses ni Fiya.
["Eilly, kamusta na ang ulo mo?"] tanong niya.
"Ayos naman na ako, kailangan ko maging maayos para di na mag alala ang mga taong nakapaligid sakin..." mahinang sabi ko at sumandal sa railing ng rooftop. Malamig ang simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Hinahangin na din ang mahaba at nakalugay kong buhok.
["Eilly, you need to tell what you feel! Mamaya ay bigla kang mamatay jan at wala silang kaalam alam! Oh God Lara and others will freak out when they found out this. I'm telling you Eilly! Tell to your Mom that you don't only have 7 cuts in your fucking head! You have more than 10 cuts for goddamn sake Eilly!"] bulyaw nito sa kabilang linya. Napapikit ako at pinipigilang umiyak.
"Fiya...ayaw ko silang mag alala. You know that." mahinang sabi ko at humihikbi.
["Gaga ka talaga! Sa tingin mo anong mabgyayari kapag bigla kang nahimatay ha? Malalaman din nila yan! Nakatago man ang iba, malalaman din nila yan!"] inis na sabi niya at binabaan ako ng tawag.
Oh great.
Napabuntong hininga ako at humarap sa mga malalayong gusali na tanaw na tanaw dito sa taas.
My life is fucking useless. I am useless!
Gustong gusto kong sumigaw pero ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak. Wala akong ibang magawa kundi umiyak.
I have my 10 cuts in my head. Yung tatlo ay napatungan kaya naging 7 lang ang nakikita. Yung iba ay matagal na at ang iba at 2 years ago lang. Muntikan na akong mamatay dahil sa mga tahi ko sa ulo. Sometimes they bleed and sometimes it's aching. But I have no choice but to endure all the pain.
Napabuntong hininga ako. This is all my father's fault. Whenever he's mad, ako ang magiging punching bag niya or ako ang gagawin niyang sparring partner. Ako ang pinagbubuntungan niya ng mga frustrations at galit niya. Lahat ng cuts sa ulo ko ay galing sa hampas niya ng tubo o kaya ng kung anong mahawakan niya.
Lalo akong naiyak sa tuwing naaalala ko lahat ng yon. Walang awa at walang pakundangan kung saktan niya ako. And I accept it all. Wala akong karapatan na tumanggi dahil may kapalit yon. At ayoko ng mga kapalit na inilalatag niya.
"Why are crying in the middle of the night?" nanigas ako sa kinatatayuan ko at nagpunas ng luha at humarap sa lalaking nagsalita.
Peke akong ngumiti sa kanya. "Napuwing lang ako. Bakit gising ka pa Clevin?" segway na sabi ko.
"I heard your foot steps." sabi nito at humilig sa railings.
"Ow." yan lang ang lumabas sa bibig ko. I don't know what to say.
"Again, why are you crying Beatriz?" malalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Siya lang ang natatanging tumawag sakin sa pangalawang pangalan ko!
"I'm not crying." I lied. "Napuwing nga lang ako." sabi ko at hinarap siya.
"Liar, Beatriz." malamig nitong sabi at tinaasan ako ng kilay. Aba aba!
"Kung ayaw mo maniwala, edi wag." masungit kong sabi at napayakap sa sarili ko. Oh God please not again! Tinanggal ko nga pala ang bra ko kanina bago matulog! Lupa lamunin niyo na ako please!
"Young lady, why are you...?" magkasalubong ang kilay nito at mukhang galit.
"Uhmm...it's okay. Maliit lang naman ang dibdib ko. Walang mapapala kung titignan niyo. Wala din naman akong pakealam." sabi ko at tinanggal ang braso kong nakaharang sa dibdib ko. Rinig ko ang pagmumura niya.
"Beatriz, kahit ano pa yan, kahit maliit man o malaki..Putangina." galit na sabi niya at nagmamadaling lumabas sa rooftop.
Mabuti naman. Anlakas niya magreklamo eh siya na nga nakakita! Kasalanan ko ba na makita niya eh ang akala ko mag isa lang ako dito. Bigla bigla siyang susulpot tapos sakin sa magagalit kasi wala akong bra?
Napailing na lang ako. Baka sabihin niya na liberated ako o kaya walang delikadesa. I don't care. I receive more harsh words. And that made me to be this. Wala na akong pake sa iisipin nilang lahat. All I want is to be genuinely happy. I don't want to please everyone, if they think that I am a bad person, I will let them think that way. They never knew what happened to me and how my life is fucked up. I will never explain my side to them, think whatever they want.
Napagpasiyahan kong bumalik na sa kwarto ng mag aalas sinco na ng umaga. Di na ako nakatulog uli kasi nawala na ang antok ko. So, I decided to jog around the park.
Naka simple white loose shirt ako at isang shorts at rubber shoes. Kitang kita ko kung paano ngumiti ang araw sa mga taong magsisimula na uling magbanat ng buto. They have those smiles na alam mong kuntento at sanay na sila sa pang araw araw na buhay nila.
I can't stop but to smile. Nyuborn is full or positivities at mahahawa at mahahawa ka talaga.
"Magandang Umaga hija!" bati ng isang matandang lalaki sakin at maganda ang ngiti. Siya yung nagtitinda ng taho dito malapit sa park.
"Maganda umaga din po." magiliw kong sabi at bumili ng soya sa kaniya. Naupo muna ako sa park at ininom ang soya.
"Bago ka lang dito hija no? Ikaw ba ang anak ni Janessa? Di mapagkakaila na maganda ka." nakangiting sabi nito.
"Opo, mommy ko po siya saka kakalipat lang ho namin two weeks ago, ngayon lang po ako lumalabas labas." sabi ko at inubos ang soya at nagpaalam na kay Manong.
Dumaan ako sa may plasa bago umuwi. Madaming nagtitinda ng gulay at mga karne. Madami ding iba pang tinda dito sa plasa at alas sais pa lang ay maingay na ito dahil sa mga namamalengke at mga nagdedeliver.
Pagkauwi ko ng bahay ay tulog pa silang lahat. Siguro ay puyat dahil ang alam ko ay nanood pa sila kagabi kaya siguro ay tulog pa.
Napagdesisyunan kong magluto ng agahan. Di naman ako ganon kagaling magluto pero marunong ako sa mga pritong pagkain. Kumuha ako ng hotdogs at eggs sa ref at nagsimula ng magluto.
Nang matapos ay tinakpan ko yun sa lamesa at pumasok na sa kwarto ko. Ngayon pala ang orienation ko. At alas diez yun ng umaga, alas siyete na.
Naghanda ako ng susuotin ko. Isang black fitted top at loose denim jeans ang susuotin ko. Nahiga muna ako sa kama dahil maaga pa.
Pagkaopen ko ng phone ko ay nakita ko ang tadtad na messages ng mga kaibigan ko. They are all worried.
'Humansda ka sakin Eilly kapag nakita kita. Ako na ang magsusumbong sa mommy mo!'
'Antigas talaga ng ulo!!! SABIHIN MO NA KAY TITA JANESSA KUNG HINDI AY AKO ANG MAGTETEXT!!'
'Please, sabihin mo na sa Mommy mo Eilly. Para matahimik na din kami, please.'
Napabuntong hininga na lang ako. Sana ganon lang kadali. Sana madali lang sabihin lahat ng hindi ka nababasag at nawawarak. Sana mabilis lang sabihin lahat ng tinatago mo, lahat ng nararamdaman at lahat ng hinanakit. Sana madali.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...