48

139 4 0
                                    


"How's your 3rd trimester?" tanong sa akin ni Isagani habang nasa call.

"Ayos lang naman." sabi ko sa kanya. Christmas and New Year is coming. Ito ang una kong Pasko at Bagong Taon kasama ang tunay kong pamilya. Kaso wala pa din si Ate Mavis at Kuya Stefan, it's been 2 weeks.

"How's Mavin?" tanong niya sa akin. Itinapat ko kay Mavin ang camera, he was busy playing. Isagani sometimes visits here and played with Mavin at tinutulungan ako sa pagrereview. Ewan ko ba kung ano na ang ganap sa kanila ni Hilary, everytime I ask him, hindi niya yun pinapansin.

"Iniinom mo ba ang gatas mo?" tanong niya sa akin. I snorted.

"Yes, boss. Iniinom ko." sabi ko sa kanya. Parehas sila ni Kuya Stan na ganyan. Masyadong nag aalala sa akin.

"Alam mo, ikaw, asikasuhin mo na ang lovelife mo. Hindi ka na bumabata." sabi ko sa kanya.

"Twenty pa lang ako. Madami pang babae jan." sabi niya pa. Umirap ako sa kanya.

"How about Hilary?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"She was happy, hayaan ko na lang muna. Wala pa akong panama sa fiancè eh, saka na kapag mas mayaman na ako." sabi niya sa akin. Natawa ako sa kanya.

"Kailan pa yon?" tanong ko at uminom ng tubig.

"Medjo matagal pa. Pero kung kami talaga, edi kami. Love can wait." sabi niya at ngumisi.

Ilang oras pa kaming nag usap ni Isagani. Nagpaalam siya dahil may aasikasuhin pa daw siya. Humiga ako sa kama at pinanood si Mavin na maglaro mag isa. Minsan ay si Kuya Stan ang kalaro niya pero wala ngayon si Kuya dahil may inasikaso sa kompanya niya.

"Tata, gutom na ako." sabi sa akin ni Mavin. He helped me sa pagtayo at iniabot niya sa akin ang roba at slippers ko. Napangiti ako sa kanya.

Humawak siya sa kamay ko at dahan dahan kaming bumaba. He was very careful habang bumababa kaming dalawa. Wala si Mama at Papa dahil may business trip sa London, sa susunod na araw sila uuwi.

May mga katulong dito sa bahay pero bihira lang sumama sa kanila si Mavin.

"Yaya, palutuan naman si Mavin ng pancakes." utos ko kay Yaya Lucile. She was a Filipina kaya madali makipag usap.

Umupo kami ni Mavin sa sala at nagbukas ng TV.

"Tata, when will Nanay and Dada will go home?" he asked.

"Hindi alam ni Tata eh. Wait mo na lang." sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti din siya at humawak sa tyan ko. He loves touching my big tummy.

Nanonood kami ni Mavin ng Tom and Jerry sa sala ng makita ko si Kuya Stefan. Agad na tumakbo si Mavin sa kanya.

"Dada!" tuwang tuwa na sigaw niya at yumakap sa binti ni Kuya. Halos mawasak ang puso ko nang tanggalin ni Kuya ang yakap ni Mavin sa binti niya at iniwan lang agad si Mavin doon.

Kahit hirap ako sa pagtayo ay nilapitan ko si Mavin.

"Ayaw na ba sa akin ni Dada?" malungkot na tanong niya sa akin. Umiling ako kahit naluluha na.

"Hayaan mo na lang si Dada mo, nood na lang tayo doon at ubusin mo na ang pancakes mo." sabi ko sa kanya. Tumango siya at nagkusot ng mga mata. Dumaan ako sa kusina at tinawag si Yaya Lucile para bantayan si Mavin.

Kahit hirap akong umakyat ay umakyat ako. Gusto kong makausap si Kuya. Dumiretso ako sa kwarto nila ni Ate. Nakita kong kumukuha siya ng damit at inilalagay sa maleta.

"Kuya, sana hindi mo ginawa kay Mavin yun." sabi ko sa kanya at sumandal sa pinto. Nilingon niya ako at umiling.

"Mavin missed his parents. Why are you acting this way, Kuya?" tanong ko sa kanya. Ibinagsak niya ang mga damit niya at napasuklay sa buhok. Bumuntong hininga siya.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon