"Mavin, call your Nanay. Sabihin mo lalabas na ang baby ko sa tummy." habol hiningang sabi ko. Sobra ang hilab ng tyan ko, fuck.
baby, wag mo pahirapan si Mama, bababa pa ako ng hagdan.
Humawak ako sa hamba ng pintuan at pumikit. Tangina, lalabas na ang anak ko!
Mabilis na tumakbo si Mavin habang sumisigaw ng 'Nanay'.
Fuck, baby ang sweet mo. February 14 ka pa lalabas. Manang mana ka talaga sa ama mong sweet. Pero tangina, wala siya sa tabi ko ngayong lalabas ka.
Huminga ako ng malalim at napakagat sa labi. Tangina! Humawak ako sa tyan ko at sumandal sa pinto. Nag inhale at exhale ako at pumikit.
"Stan! Mama! Papa! Manganganak na si Beatriz!" rinig kong sigaw ni Ate Mavis galing sa baba.
Nakita ko si Ate na humahangos paakyat. Agad niya akong inalalayan.
"Hingang malalim." sabi niya sa akin at umalalay. Agad kong nakita si Kuya Stan na paakyat.
"Inihanda na ni Papa ang kotse. Tara na, bubuhatin na kita." sabi ni Kuya Stan. Parang wala akong bigat sa kanya. Nakaalalay si Ate Mavis sa likod at kinarga si Mavin. Mabilis na bumaba si Kuya habang bitbit ako.
"Wag ka mag alala, andito si Kuya." sabi ni Kuya at dahan dahan akong ipinasok sa kotse.
Sumakay din sila Ate Mavis sa van, dala niya ang mga gamit ng baby. Kasama din namin si Mavin na busy sa cellphone.
Mabilis ang pagmamaneho ni Papa. Hawak ni Mama at Kuya Stan ang kamay ko.
"Malapit na tayo." sabi ni Papa.
Paulit ulit lang akong humihinga ng malalim. Kumukuha ako ng lakas sa kamay nila Mama.
Nakapikit lang ako habang nakasakay sa stretcher. Panay ang hilab ng tyan ko. Fuck. Lalabas na ang baby ko!
Hindi na pinapasok sina Mama sa loob ng Delivery Room. Si Kuya Stan lang ang kasama ko habang hawak ang mga kamay ko. Fuck.
"She's ready to give birth." ayan ang narinig ng ko sa Americanang Doctor. May ginawa pa silanh seremonyas, labas na labas na ang anak ko.
"Okay, push!" sabi ng doctor habang hawak ang tyan ko. Umire ako hanggang sa kaya ko. Nakakaubos ng hangin at lakas.
"Putangina mo, Clevin!" sigaw ko habang umiire.
Ilang minuto rin akong umiire. Kuya Stan was holding my hands tightly. Nasa ulohan ko siya. Halos mawalan ako ng hininga kakaire. Hinabol ko ang hininga ko at narinig ko ang pag iyak ng isang sanggol. Lumingon ako sa nurse na dala ang baby ko.
"It's a boy." sabi nung nurse at nawalan na ako ng malay.
-----
"She's still asleep for almost 2 days. Hindi namin sinasabi ang pangalan ng baby dahil si Beatriz ang magpapangalan."
"Maybe she was very tired kaya ganyan ang tulog niya."
"The baby is in the nursery room. It's a boy with a curly hair, kamukhang kamukha ni Echavarria."
Napadilat ako at liwanag ang sumalubong sa mga mata ko. May nakakabit na dextrose sa wrist ko. Huminga ako ng malalim at dahan dahang tumayo.
"She's awake." napatingin ako sa dalawang lalaki na nag uusap, si Kuya Stan at Isagani.
"Where's my baby?" agad na tanong ko. Hindi ko gaanong maigalaw ang mga binti ko dahil masakit.
"He's in the Nursery Room. Gusto mo makita?" nakangiting tanong ni Kuya Stan. Tumango ako. I want to see my baby.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...