15

156 8 0
                                    

"Saint." tawag ko sa kanya. Nakahiga ako sa sofa habang kumakain ng chips na nasa tyan ko.

"Stop it, baby.." ganti naman niya, binato ko siya ng throw pillow.

"Sus, kinikilig ka lang eh." sabi niya pa at inabutan ako ng gatas. Kinuha ko yon kaagad.

"Tumigil ka na sa junk foods. Hindi na ako natutuwa." sabi niya at kinuha na ang chips sa tyan ko. Tumayo na siya galing sa sahig at itinapon yon sa basurahan.

Umupo ako sa sofa at ininom ang gatas na tinimpla niya. Pangatlong araw ko na 'to dito kay Clevin, at tulad nga ng sinasabi niya, hindi niya ako pinapabayaan.

Kakatapos lang namin manood ng isang movie, alas dose na din at inaantok na ata si Clevin.

"Saint, Saint, Saint." banggit ko sa pangalawang pangalan niya. Nilingon niya ako at nginisihan. Inaayos na niya ang TV.

"Alam mo, Beatriz. Isa pang tawag mo sakin niyan, iisipin kong gusto mong tawaging 'baby'." nakangising sabi niya. Inirapan ko siya at umiling.

"Saint is a nice name. Gusto ko yon itawag sayo because you are good to me, I will call you Saint because I want to, not because I want you to call me 'baby', duh." and I gave him a "duh" look. Tinawanan niya lang ako at nag unat siya. Mukhang inaantok na ang mokong.

"Dalian mo na uminom ng gatas para matulog na tayo." sabi niya sakin at inilock ng maayos ang pintuan. Isinara na din niya ang kurtina at bintana. Inubos ko na ang gatas at inilagay sa sink para hugasan.

Pagtapos ko hugasan ay tinanggal ko na ang tali ko sa buhok at dumiretso na sa kwarto. Napatitig ako kay Clevin na naglalatag ng comforter sa sahig. Sumandal ako sa pintuan.

Alam kong pagod siya dahil may practice sila kanina ng basketball. At napuyat pa dahil nanood kami ng movie dahil sa kagustuhan ko. Siya pa ang nagmamaneho at nagluluto ng pagkain naming dalawa dahil hindi ako gano karunong.

"Saint, pwede naman tayo magshare sa kama." sabi ko. Nilingon niya ako at umiling siya.

"I can sleep here." nakangiting sagot niya at naghubad siya ng tshirt.

"This is your bed. Alam kong pagod ka, may practice kayo kanina, ikaw pa gumagawa ng gawaing bahay at nagmamaneho, you deserve the bed. Palit tayo ngayong gabi." sabi ko at nginitian siya.

Umiling siya. Aba antigas ng ulo?!

"Ayokong matulog ka sa lapag." sabi niya at humiga na sa lapag.

Napabuntong hininga ako. Umupo ako sa kama at sinilip siya. Nakapikit at nakalagay ang kanyang braso sa kanyang mukha. He really looks tired.

"Tabihan mo na lang ako. Hindi ako sa lapag at hindi ka din sa lapag. We can share the bed." sabi ko at tinapik ang higaan.

Pumasok ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Nagsuot din ako ng pajama at pullover. Masyadong malamig sa kwarto ni Clevin kaya ganito ang suot ko.

Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakasampa na sa kama. Napangiti ako. Nakadapa siya at nakakumot na pero nakahubad baro.

Pinulot ko ang tshirt niya at binato yon sa kanya. He groaned at binato uli ang tshirt sa lapag.

"Magsuot ka ng tshirt." sabi ko at sumampa na din sa kama. May unan na nakaharang sa gitna at magkaiba ang kumot namin.

"Ayoko magtshirt." his voice become husky and baritone. Sheez. I like his voice.

Humiga na ako sa kama at nagkumot na. Maaga ang pasok namin bukas ni Clevin dahil friday na. Masyadong busy kaya di na kami sabay kumain minsan pero sinisigurado niyang kumakain ako.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon