Dumating kami sa mansion ni Dos, may iba't ibang kulay ng ilaw at dumadagundong ang party music."Don't drink too much." bilin ko kay Clevin. Tumango naman siya at pinagbuksan ako ng pinto.
Humawak siya sa kamay ko at sabay kaming naglakad papasok sa maingay na mansion ni Dos. Madaming tao at may mga nagsasayawan.
Pumasok kami sa living room. Andoon ang varsity na may kanya kanyang babae sa tabi. Si Dos naman ay katabi si Lana. Nakita ko si Isagani sa tabi ng kuya niyang si Vios na kasama si Fiya.
"Hey, motherfucker!" bati sakin ni Fiya. Napangiti ako sa kanya. Lumapit siya at yinakap ako.
"Dami mong bantay dito, di ka makakainom ng maayos." tumatawang sabi niya. Umiling ako.
"Wala naman akong balak mag inom." sabi ko at tumawa. Napataas ang kilay ni Fiya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Anong ginagawa ng anghel dito?" tanong niya sakin. Sumulyap ako kay Clevin.
"Magkakalat ng kabaitan." sarcastic kong sabi. Tumawa lanh si Fiya at bumalik na sa tabi ni Vios.
Lumapit sakin si Clevin at inabutan ako ng mango juice. Di ako makapaniwalang napatingin sa kanya.
"Mamaya ka na mag hard liquors." sabi niya sakin. Napatango ako at umupo na sa tabi niya. Nakapaikot kami dito sa living room. Si Isagani lang ang walang katabing babae. Wow, goodboy!
Nagtatawanan silang lahat habang umiinom. Nakaputing puti pa naman ako ngayon, gusto ni Clevin na suotin ko ang binilo niyang Angel White dress tapos nakaputing sapatos pa ako ngayon. Mukha akong naligaw sa party.
"You look so gorgeous." bulong sakin ni Clevin. Napangiti ako sa bulong niya. Kumuha ako ng isang shot ng Mojito, naubos ko na ang juice ko.
Nagpaparty si Dos dahil gusto niya lang. Oh diba, nagwawaldas lang ng pera!
Nagkakatuwaan ang lahat. Parang hindi sila nalalasing sa iniinom nilang martini. Hinahayaan lang ako ni Clevin uminom ng alak. Hindi siya umaangal kung kuha ako ng kuha.
"Wag masyadong uminom, Eilly. Baka magpass out ka." paalala niya sakin at hinalikan ang gilid ng ulo ko. Tumango ako at kumuha na lang ng juice. Nakadami na din ako ng inom, I felt tipsy pero kaya pa naman.
Nagkayayaan sila maglaro ng beer pong. Pinapanood ko lang si Dos at Clevin na magkalaban. Tumabi sakin si Isagani.
"Nakita mo na crush mo dito?" tanong ko sa kanya. May hawak siyang red cup at umiinom ng martini. He looks so good tonight, messy hair and black hoodie. Namumula ang mga pisngi niya.
"Nakahanap ako ng bagong crush." nakangiting sabi niya. Nanliit ang mata ko. Sino naman kaya?
"Sino?" tanong ko sa kanya. Ngumisi siya at dumila.
"Secret. Kilala mo eh." he said then chuckles. Napairap ako sa kanya. Lalo siyang natawa.
"Her name starts with a letter...uhm." nagkuwanri pa siyang nag iisip. Kinurot ko ang tagiliran niya. Halatang hindi naman niya sasabihin.
"Let's play darts. Kapag natalo ka, you will kiss the girl you like." aya ko sa kanya.
"I don't play darts." sabi naman niya. Napairap na lang ako sa kanya. Mygad!
"Eh ano lang?" tanong ko sa kanya.
"Di ko naman sasabihin kung sino at hindi ko gagawin ang utos mo kahit manalo ka no!" sabi niya sakin at tumawa. Nagmake face na lang ako at kumuha ng isang shot ng Mojito.
Pinanood ko sina Clevin at Dos. Mukhang malalasing na si Dos dahil laging nakakashoot si Clevin. Umupo ako malapit kay Clevin.
"Eilly, sayaw tayo!" aya sakin ni Fiya. Mukhang lasing na. Nakita kong umiling si Vios.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...