"Thank you!" sabi ko sa isang customer na tinulungan ako. Hindi ko kasi mabuhat yung mga baso. Medjo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon eh.
"Always welcome." baritonong sabi niya sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya at inilagay na sa counter ang mga baso.
Damn, ansama talaga ng pakiramdam ko!
"Ayos ka lang?" tanong sakin ni Gael. Umiling ako.
"Ansama ng pakiramdam ko. Gusto ko na muna magpahinga." sabi ko at umupo sa tabi niya.
"Hanapin ko si Chimmy para umuwi na kayo, wala din sa timpla si Chimmy eh. Mukhang hindi na niya pinapansin si Xaverian. Nagmomove on na ba?" nakangising tanong ni Gael.
"May fiancè si Xaverian, tas nilalandi pa si Chimmy. Oh di ba mas masahol pa sa tae ng aso." sabi ko sa kanya at napaismid.
"Damn, you should take Chimmy pabalik sa Batanes, para di na yan makita dito ni Xaverian. Nagbigay ng motibo yun pala iba ang gusto! Saka nagsubmit ng file yan si Realonda at Echavarria sa munisipyo tungkol sa ipapatayong hotel dito, ano sabihin ko ba kay Tatay na huwag pirmahan?" inis na sabi ni Gael.
"Kung sinaktan man kami ng dalawang yun, wag mo na idamay ang negosyo nila. Hayaan mo, uuwi ko si Chimmy sa Batanes. Saka hinahanap ko na din ang totoo kong pamilya. Baka iwan ko din si Chimmy doon sa Batanes, kawawa naman si Chimmy walang kasama." sabi ko sa kaya at bumuntong hininga.
"Sus, si Chimmy pa ba? Ako ang bahala sa kanya." nakangising sabi ni Gael. Tumango na lang ako at tumahimik.
Sinundan ng tingin ko si Chimmy na walang buhay na naglalakad at nagseserve. Hindi siya ganyan magserve, she was smiling and cheerful while serving before. Mukhang naapektuhan talaga siya ni Xaverian.
Nakita kong tinawag siya ni Xaverian, nilingon niya lang yon at nagtaas ng kilay. Bakas ang gulat sa mukha ni Xaverian, nakaawang ang mga labi. Umiling si Xaverian kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad papunta sa amin.
Pagdating niya sa amin ay kumuha siya ng shot ng Vodka at nagbigay uli ng order sa iba.
"She was fierce, damn. Kunin na natin yan bago niya sipain si Xaverian." sabi ni Gael at tumayo na, sumunod ako sa kanya.
Napatigil kami ni Gael ng nasa table ni Xaverian si Chimmy, nakahinto siya doon at basag ang mga bote sa lapag.
"Pinatid mo ako, please pakibayaran ang mga nabasag na bote, Sir." madiin niyang sabi kay Xaverian.
"I didn't do it. Anga anga ka sa paglalakad mo, Miss. Hindi ko kasalanan kung nahulog... ang mga bote." nakangising sabi ni Xaverian habang nakataas ang kilay.
"The bottles fell dahil bigla mong hinarang ang paa mo sa daan ko, so kasalanan mo kung nahulog at nabasag ang mga ...bote." matapang na sabi ni Chimmy. Lalong ngumisi si Xaverian.
"Wala akong babayaran. You tripped because of my feet? Hindi ko na yun kasalanan, hindi mo iniwasan ang paa ko kahit nakita mo na. Sometimes, don't blame the person if you fall because of something about him, it was your choice to fall and it was your choice to repel." nakangising sabi pa ni Xaverian. Fuck, may double meaning yon! Napakagago!
Tumingin ako kay Chimmy na nanginginig ang mga kamay, tumango siya at umupo para pulutin ang mga boteng basag. Gael rescued her there. Pinatayo niya si Chimmy, may mga dugo na ang kamay niya pero hindi siya tumayo. Lumapit na ako at hinila na siya paalis. Tinignan ko si Xaverian na masama ang tingin kay Gael. Mahigpit ang hawak niya sa bote at madilim ang awra.
"Iuuwi ko na kayo ni Eilly." sabi ni Gael habang ginagamot ang mga sugat sa daliri ni Chimmy. Her expression were blank and dim. Chimmy never cries, she never admit that she was in pain. She's stronger than me.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...