Pagtapos naming magkita ni Clevin noong nakaraang linggo, hindi na uli kami nagkita. Hindi siya pumapasok sa trabaho kaya nagtataka ako dahil sa biglaang hindi niya pagpasok. Nagtanong ako kay Isagani pero wala naman siyang maisagot.Pang limang araw na niya 'tong hindi pagpasok. Pagtapos akong bigyan ng anklet na suot ko araw araw ay hindi naman pala siya magpapakita! Hinayupak!
"Ms. Alonzo, pinapatawag po kayo ni Mr. Madrigal." sabi ng secretary ni Isagani.
"Okay, aakyat na ako." sabi ko at pinatay ang computer at kinuha ang purse ko. Inayos ko ang suot kong suit. Naka suit ako at tube na puti ang nasa loob. Nakatali ang mahaba kong buhok. Isinuot ko ang heels ko na nasa ilalim ng mesa ko.
Isinarado ko ang pinto ng office at dumiretso sa elevator. Pinindot ko ang 30th floor at nag antay na makarating doon.
Pagtunog ng elevator ay agad akong pumasok sa opisina ni Isagani. Nakita ko siyang nakasandal sa swivel chair niya. Alala mo hindi CEO eh, nakahoodie jacket lagi.
"Bakit mo ako pinatawag?" tanong ko sa kanya. Ibinagsak niya ang prints sa harap ko.
"Media caught you and Clevin na papunta sa Condo ni Clevin." sabi niya. Tumayo siya at ibinagsak ang isa pang print.
"Lianna and Clevin had their first child. Mas mainit pa sa ulo ko ngayon." sabi niya.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa mga papel na nasa lamesa ni Isagani. Kinuha ko yun at hindi makapaniwala sa balitang nakaprint doon.
'Clevin Echavarria was spotted with Beatriz Alonzo. Are they in a relationship?'
'The Bachelor Millionaire Clevin Echavarria was no longer bachelor because of the confirmation that he already had a first child with Lianna Tuazon. Are they getting married?'
Hindi ko mapigilang magalit. Putangina, akala ko ba wala na siyang katarantaduhan na gagawin?! Itinapon ko ang papel at inapakan yun.
"Hindi ako naniniwala na anak ni Clevin ang bata sa sinapupunan ni Lianna." sabi ni Isagani.
"Hindi aakuin ni Clevin kung walang nangyari sa kanila!" galit na sigaw ko sa kanya. Inis akong nagmartsa paalis sa opisina ni Isagani. Dumiretso ako sa parking lot at agad na pumasok sa kotse.
Hinampas ko ang manibela dahil sa galit at inis. Putangina, kaya pala hindi nagpapakita ang hinayupak! Inis kong tinanggal ang anklet ko at inilagay sa bag. Tangina, sana hindi na lang ako naniwala sa kanya.
Nagmaneho na ako pauwi. Halatang nagulat si Kuya Stan sa pag uwi ko ng maaga. Binuhat ko si Eli at pumasok sa kwarto.
Hindi ko na naiwasang maiyak dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko. Hinubad ko ang heels ko at yinakap ang anak ko.
"Mama." sabi niya at yumakap sa akin. Lalo akong naiyak. Tangina.
Sobrang sakit. Hindi naman nila hahayaan na ibalita yun kung hindi totoo eh. Tangina, Clevin! Tangina mo.
Tahimik lang si Eli habang umiiyak ako. I promised na ipapakilala ko na si Eli eh, naunahan pa ako! Fuck.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako kakaiyak.
----
Nakita kong umaga na. Tumunog ang alarm ko na hudyat na papasok na ako. Wala na si Eli sa tabi ko. Suot ko pa ang suot ko kahapon. Agad akong tumayo para maligo. Pagtapos kong maligo ay nagsuot ako ng sleeveless top at highwaisted jeans. Itinago ko ang anklet na binigay ni Clevin. Isinuot ko ang high heels ko at kinuha ang bag ko.
"Hindi ka kakain?" tanong sa akin ni Kuya. Karga karga niya si Eli.
"Doon na lang, late na ako eh. Ngayon ako pupunta sa lote para sa mga materyales." sabi ko. Kinarga ko si Eli at humalik sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...