8

209 8 0
                                    

"Eilly, nasa labas si Kuya Dos." bungisngis na sabi ni Ella. Inirapan ko lang siya at kinuha na ang cellphone ko.

"Ate, ano mo ba si Kuya Dos? Boyfriend mo? Ayaw kasi magtanong ni Mommy kaya ako na lang. Boyfriend mo ba si Kuya Dos?" pangungulit sakin ni Ella.

"Hindi ko boyfriend si Dos." sabi ko at lumabas na sa kwarto. Nakita ko si Dos na nakaupo sa sofa namin. White t shirt and faded jeans ang suot niya at amoy na amoy ko ang panlalaking amoy niya.

Naging mas close kami ni Dos dahil sa lagi niya akong inaaya kung saan saan. Kain dito, kain doon. Bili ng ganto, bili ng ganyan. Iniispoil ako ni Dos in short.

"Hey.." bati niya sakin at nginitian ako. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay.

"Bat ang iksi naman ng damit mo?" taas kilay niyang sabi sakin. Napaka arte talaga. Inirapan ko siya at hindi pinansin ang nakakamatay na tingin.

"Tigilan mo nga ako diyan, Dos." sabi ko at nauna ng lumabas. Nakasuot ako ng halter top na white at loose faded jeans at white shoes.

Bibili kami ng gamit para sa school. Sabado ngayon at sa lunes ay may pasok na. Magdo Doctor si Dos. Ayon ang course niya sa St. Damian.

Sabi niya ay kasama naman namin sina Hannah, pero hiwa hiwalay na kotse ang gamit. At tutal wala akong kotse, kay Dos ako lagi nakikisakay. Inaasar nga kami eh dahil baka kami na raw. Aware ako na gusto ako ni Dos pero di niya alam na gusto ko rin siya, I'm not really sure kung gusto ko siya as a man o gusto ko lang siya makilala ng sobra. It's fucked up. Magulo kaya di ako umaamin, ayokong paasahin si Dos. Pero di ko kayang magbigay ng salita dahil baka di ko mapanagutan 'yon.

"Tres." tawag niya sakin. Nilingon ko siya at nagtaas ng kilay.

"Si Clevin at Lianna, break na sila. Nahuli ni Clevin si Lianna na may kahalikan sa bar. Clevin is a mess right now." sabi niya at nagsimula ng magmaneho.

Nakikita ko si Clevin na umiinom sa rooftop noong nakaraang gabi. Naninigarilyo nga rin eh. Kaya pala ganon ko na lang siya kabihira makita kapag may lakad kaming lahat. Hindi siya sumasama. It's a good thing for me dahil sa tuwing nagkikita kami ay nagkakapikunan. But now, hearings his reasons why he's always missing in action, I kinda feel sad for him.. He's an asshole but cheating is cheating..

Bakit naman ginawa ni Lianna yon? Clevin is nice pero minsan KJ. Pero di naman siguro deserve ni Clevin ang ginawa ni Lianna.

"Mabuti nga at sumama na siya ngayon eh. Halos pilitin pa ni Andres para lang sumama ngayon." nanatili akong tahimik sa gilid.

"How about Lianna? Nasaan na siya?" tanong ko.

"Ewan ko dun sa babaeng yon." tanging sagot ni Dos. Tahimik lang kami sa buong biyahe hanggang sa nakarating na sa Hunchins' Mall.

Ang sabi ni Dos, andito na daw sina Hannah kasama si Sebastian. I wonder kung anong meron sa dalawang 'yon. Hmm. Palagi kasi silang magkasama and they seems close..

Lumabas kami ng sasakyan at pumasok na sa loob ng Mall. Ang sabi ni Dos ay nasa may food court sina Sebastian at Hannah. Papunta na rin doon sina Andres. Bibili ng mga gamit at iba pa.

"Nakakainis, andaming tumitingin sayo." inis na bulong ni Dos sakin.

"Pabayaan mo sila." sabi ko at inirapan na lang siya. Nakita ko si Hannah at Sebastian na kumakain at nagtatawanan. Agad naming tinungo ang pwesto nila.

"Oy Eilly!" bati sakin ni Seb. Nginitian ko lang siya at tumabi kay Hannah. Kumuha ako ng fries.

Nag uusap si Dos at Seb kaya kumakain lang kami ni Hannah. Maya maya ay dumating na sina Andres. Nasa likod niya si Clevin na magulo ang buhok at nakasimangot. Napatingin siya sakin kaya nginitian ko siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at umupo na sa tabi ko.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon