"Ingat kayo. Sa uulitin na pagbisita niyo dito sa Pangasinan." sabi ni Lola Poala samin."Bibisita po kami uli dito. Promise yan." sabi ko at kumaway na sa kanila. Pumasok na ako sa sasakyan at kumaway na kila Ashley.
"I will chat you always, Ate!" sabi ni Ashley at kumaway na.
"Ingat sa biyahe, apo." bilin ni Lolo Mandy kay Clevin. Binuksan na ni Clevin ang makina at pinausad na ang kotse.
Kumaway ako sa kanila sa huling pagkakataon. Bumukas ang gate ng Hacienda Eleazar at tuluyan na kaming nakalabas sa hacienda nila.
"I will miss this place." sabi ko. Nilingon ako ni Clevin.
"They will miss you, too." sabi niya at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Gabi na at tahimik ang kalsada. Mamaya ay hihinto kami para magpahinga.
Mabilis lang ang byahe namin dahil madaling araw. Hindi ko namalayan ang pagtulog ko.
Nagising ako at nakitang nagmamaneho pa din si Clevin. Alas tres na ng umaga at nagmumusic lang siya habang nagmamaneho.
"Hey, gusto mo dumaan sa drive thru?'" he asked. Tumango ako kasabay ang pagkalam ng tyan ko.
"Hindi ka pa nagpapahinga?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Hindi pa naman ako pagod." tipid niyang sagot habang nakatingin sa daan.
Nanaig ang katahimikan samin. Ingay lang ng speaker ang maririnig. Nakatingin lang ako sa bintana. Binibilang ang poste na madadaanan.
"One large fries at dalawang double cheeseburger. Two large coke floats and extra ketchup." sabi niya don sa babaeng halos kuminang ang mata at lumabas lahat ng laway. Psh.
"And also, I want spicy chicken burger." sabi ko at tinaasan ng kilay si Ateng Hiladera.
"May burger ka na ah, are you sure na makakain mo yan?" kunot noong tanong ni Clevin. Nabigla ata dahil nakisali ako sa pag order.
"May pagbibigyan ako." sabi ko at nginitian siya. Yung ngiti na alam mong naasar ka na.
"Oh okay, if you say so." sabi ni Clevin na halatang naguguluhan sa inakto ko.
Minutes passed at inaabot na kay Clevin ang orders. I leaned closer kay Clevin at kinuha ang Chicken Burger.
"Miss, sayo na lang. Grabe ka kasi makanganga sa boyfriend ko, baka gutom ka na." at inabot ko sa kanya ang Chicken burger. Inirapan ko siya at bumalik na sa upuan ko.
"Sorry." sabi ni Clevin sa babae at isinara na ang bintana at pinausad na ang kotse.
"Sana hindi ka nag ganon sa babae." sabi ni Clevin pag kaayos ko ng seatbelt ko. Napairap na lang ako at kumain ng burger.
"Don't roll eyes on me, Eilly." maawtoridad na sabi ni Clevin. I can see his jaw clenching while his gaze was still on the road.
"Wala naman akong masamang ginawa." I stated. "Binigyan ko siya ng pagkain kasi grabe siya makanganga sayo. Halos lumuwa na ang dila." dagdag ko pa.
"Baby, kahit sinong babae ang tumitig sakin. Kahit tumulo pa ang laway nila sa kakanganga sakin, always remember that you own me. I am yours. I don't care about other girls fantasizing about me. So don't be jealous." seryosong sabi niya habang seryosong nagmamaneho.
"I didn't do anything wrong. I am not jealous." sabi ko at nagkibit balikat. Rinig ko ang buntong hininga ni Clevin.
"Just don't be rude, again." sabi niya pa.
Kumain na lang ako ng tahimik. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama. I gave her a burger kasi baka gutom na siya. Leche, bahala siya sa buhay niya!
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...