24 na ngayon. Isang buwan na kaming nasa isang relasyon ni Clevin. Nakauwi na ako sa apartment, pinagalitan ako ni Mommy, bakit daw ako nag inom.Hawak ko ang dapat na regalo ko kay Clevin. Nakalagay yon sa paper bag, magkasama ang libro at damit. Sana magustuhan niya. Hindi pa kami ayos pero hindi naman masama kung ibibigay ko ang regalo ko.
Nagsulat ako sa isang sticky note at idinikit yon sa paper bag.
Saint,
i love you & i miss you.
Ayan lang ang nakasulat. Hindi na ako nag abala na isulat ang first monthsarry namin, baka hindi naman niya naalala yon.
Nagbihis na ako ng PE uniform at sapatos. Isinukbit ko ang bag ko at lumabas na. Ibinilin ko kay Mommy yung regalo ko, ayoko pa din magpakita sa kanya.
Saktong paglabas ko sa pintuan ay kakalabas lang din ni Clevin sa pinto niya. Hindi na ako tumingin sa kanya at dire diretso na ang paglalakad pababa ng apartment. Nakapara ako agad ng taxi kaya hindi na ako naabutan ni Clevin.
Nakikita ko na nakasunod ang kotse niya sa taxi. Malamang, iisang school lang ang pupuntahan namin.
Nagbayad ako kay Manong at lumabas na ng taxi. Dinaanan ako ng kotse niya. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na. Naglakad ako sa school grounds at nakita ang cheerleading squad na nagpapractice doon. Mukhang may basketball game ata?
Dumiretso ako sa unang klase ko. Nakita ko doon sa likod si Isagani. Agad akong tumabi sa kanya. Nagulat siya sa pagtabi ko.
"Oy, ngayon lang kita uli nakita simula noong nagkita tayo sa bar." sabi niya at ngumiti.
"Ah, oo." sagot ko at nagfocus na sa pakikinig. Andaming tinuro ng prof ko pero wala akong maintindihan, fuck. Tapos may gagawing activity na by pair.
"Tayo na lang partner." lutang kong sabi kay Isagani.
"Hindi ba magagalit si Clevin?" tanong niya sakin. Napalingon ako sa kanya.
"Hindi, bat yon magagalit eh sa pag aaral naman saka hayaan mo yun." sabi ko sa kanya at nagligpit na ng gamit.
Sabay kaming lumabas ni Isagani. Matangkad si Isagani, hanggang balikat niya lang ako. Kaya tinitingala ko siya.
"Saan tayo gagawa?" tanong niya sakin habang naglalakad papunta sa susunod na klase.
"Sa inyo." sabi ko sa kanya at tumawa.
"Sige, sunduin na lang kita mamaya. Kila Clevin ka diba? Alam ko naman yun, sunduin na lang kita." sabi niya, ibinigay ko ang number ko at naghiwalay na kami ng landas.
Naglakad ako papunta sa PE class ko ngayon. Pumasok ako sa gymnasium at nakitang naglalaro ang mga second year. Andoon na sila Yana kaya tumabi ako sa kanila.
"Pinaglalaban ni Mrs. Perez yung second year at first year. May Basketball League ata sa susunod na linggo." sabi sakin ni Yana. Tumango ako at nanoood na lang.
Nakita kong si Dos at Clevin pala ang nasa second year na players. Andoon din si Sebastian at Andres.
Tinignan ko ang mga galaw nila, mabibilis at smooth. Napailing ako sa naisip ko. Ang sabi sakin ni Clevin ay hindi sila gumagamit. Ginagawa lang nila at binebenta.
Hindi naman pala kami mag aactivity kaya chinat ko si Hannah. Inopen ko ang messenger ko at hinanap ang pangalan ni Hannah. Nakita kong online siya kaya nagtype ako kaagad.
Eilly Beatriz : hi, hannah!
Agad naman yong naseen ni Hannah at nagtype.
Hannah Xandreia : oy, you need something?
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...