"Ashton, sabi ko mamayang gabi pa." nakapamaywang na sabi ni Clevin sa binata. Nakaupo lang ako at nakatayo sila. Nakatingala ako sa iritadong mukha ni Clevin at nakangising mukha ni Ashton.
"Kuya, I am bored, let me tag along." sabi nito at nilingon ako at kinindatan. Napaismid naman ako. What the hell.
"Stop flirting with my her, you are just fifteen so go play your games on your room!" galit na sabi ni Clevin at sinenyasan akong tumayo na. Agad na humawak ang kamay niya sa bewang ko. Napangiti ako sa simpleng kilos niya.
"May kapatid ka?" tanong sakin ni Ashton, gwapong binata ngunit mukhang mapaglaro.
"Meron, pero hindi interesado sa katulad mo." pagsisinungaling ko sa kanya, Ella will be excited if she see this young man. May lahing haliparot pa naman yon.
Nagkibit balikat na lang si Ashton at umakyat na sa taas. Hinarap ko si Clevin.
"Masakit sa ulo talaga to si Ashton, fifteen years old, fuck boy, manloloko, babaero, womanizer at malandi." problemadong sabi ni Clevin. Napabungisngis ako.
"Parang di mo naging girlfriend si Miss Joanna nong fifteen ka ah." sabi ko at humalakhak. Lalong hindi na maipinta ang mukha niya.
Hinatak ko na siya palabas at sumalubong sakin ang madaming bulaklak na nasa karton at isinasakay sa truck. Napalingon ako kay Clevin at nakangiti siya sakin.
"Bulaklak ang nakatanim sa malawak niyong lupain?" manghang tanong ko.
"Yes. Flowers." nakangiting sabi ni Clevin at bumaba ang kanyang kamay sa kamay ko and he intertwined his hands on mine. He hold it tightly, like he don't want me to lose.
Hinatak na niya ako papunta sa isang barn o rancho. Nasa kaliwang bahagi yon ng mansyon. Medjo malayo ng kaunti pero kayang lakadin.
Madami kaming nasasalubong at binabati kami. Magigiliw ang mga trabahador, masaya sila sa ginagawa nila. Paano kaya napapatakbo ni Clevin ang ganito kalaking hacienda?
"Mang Jose, pakilabas naman si Miriam." sabi ni Clevin sa isang matanda na may salakot sa ulo. Tirik na tirik ang araw.
"Sige ho sir." sagot nito at pumasok sa loob. Humarap sakin si Clevin at tinignan ako ulo hanggang paa.
"Baby, madudumihan yang white shoes mo and masyadong mainit, baka umitim ka." sabi niya. Nginitian ko lang siya.
"I don't care kung umitim pa ako," nakangiting sabi ko. Sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi. I really love his smile.
"I love you." he said, my heart pound crazily. Tinignan ko siya, nakatalikod siya sakin. This man owns my heart. I'm sure of it.
Napasilip ako sa harap ng rancho ng marinig ang ingay ng isang kabayo. Nakita ko ang isang kulay tsokolate na kabayo na hawak ni Mang Jose.
"Miriam, namiss kita." humahalakhak na sabi ni Clevin at hinawakan ang ulo nito. Nag ingay ang kabayo sa paghawak ni Clevin.
Nilingon ako ni Clevin, siya na ang may hawak ng kabayo. Nakangiti siya at mukhang masayang masaya.
"Eilly, this is my horse since I am 10 years old, her name is Miriam." nakangiting sabi ni Clevin. Lumapit ako at hinawakan ang ulo niya.
"She likes you." napatingin ako kay Clevin nang sabihin niya yon. "Nagwawala si Miriam kapag may humawak sa kanyang bisita, sayo lang siya 'di nagwala." dagdag pa niya. Lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni Clevin.
"Hello, Miriam. Dati ikaw lang sinasakyan ni Clevin, ako na sa susunod yung sasakyan niya." sabi ko at humalakhak. Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Clevin at ang pagtawa ni Mang Jose.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...