41

143 7 0
                                    


I woke up with a light mood. Tumayo ako sa kama at sumilip sa bintana. Nag unat ako at nagtimpla ng kape. Pampatibay sa buong maghapon. Pumasok ako sa banyo at naligo.

Mahaba na ang buhok ko, should I cut it?

"Hoy, Beatriz!" matinis na sigaw ni Chimmy.

"Bakit!?" sigaw ko din.

"Hinahanap ka ni Ali!" sigaw niya uli.

"Sabihin mo naliligo!" sigaw ko sa kanya.

It's been 5 months simula noong umalis ako doon. Wala na akong narinig na balita kahit kanino, minsan nagmemessage sakin sina Lara pero hindi nila binabanggit si Mommy o si Clevin. I missed them but they broke me. I love them but they put me in hell, again.

Pagdating namin dito noon ay puro iyak lang ako. Dumaan ang pasko at nangulila lang ako sa pamilya ko. Pumasok ang bagong taon pero ibang tao ang kasama ko. We're in Batanes, wala masyadong buildings dito, more in dagat at mga puno. Nakatulong din sakin ang dagat at puno para maging ayos ang pakiramdam. Sa pagstay namin dito sa Batanes ay masaya kahit minsan ay hindi ko maintindihan ang salita nila.

Noong dumating kami dito ay tanging ako, si Heldigar at Syd lang ang nag uusap. Pero noong dumating si Chimmy na pinsan ni Syd ay nagkaintindihan kami. Waitress sa bar si Chimmy sa Ilocos, umuwi lang siya dito dahil nandito si Syd. Nakakahiya na din kay Syd at Heldigar dahil sila ang gumagastos samin dito. Kaya simula noong February ay sumasama na ako kay Chimmy sa Ilocos. Mahabang byahe pero ayos lang. Ngayon ay day off namin ni Chimmy kaya nakauwi kami dito sa Batanes.

Napatawad ko na ang ginawa nila sa akin. Naunawaan ko kung bakit nila yon nagawa. They were mad and vindictive. I killed their Mom kaya tinanggap ko kung pinaikot ikot nila ako. Wala din naman akong magagawa dahil huli na ang lahat, tapos na nila ako paikutin, tapos na dahil nahulog na ako sa bitag nila. Pinatawad ko na silang lahat, isinama ko na yun sa mga dapat kong itagong pangyayari sa buhay ko. I just don't want to mess with them, again. Pinagaling at pinatawad ko na ang sarili ko, gusto ko na ng tahimik na buhay.

And about kay Mommy, nasaktan lang ako at nabigla. I still love her dahil hindi niya ako pinabaayan, utang ko ang lahat sa kanya. Utang ko ang buhay ko sa kanya. She's still my Mom kahit hindi ang tunay. Tinuring niya akong tunay na anak at malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

"Beatriz, ano ka na jan sa banyo!?" sigaw ni Chimmy. Talaga tong babaeng 'to, sakit sa tenga!

"Saglit nga! Sabunutan kita jan!" sigaw ko sa kanya.

"Mas mahaba buhok mo kaya mas kawawa ka sakin!" tumatawang sigaw niya. Napailing na lang ako at nagbihis na. Babalik na kasi kami ngayon sa Ilocos, sa susunod na buwan na uli kami babalik. Depende, kung may ipon pang byahe pabalik dito.

Syd and Heldigar are fine, minsan ay umaalis din sila dito sa Batanes, nagtatrabaho din sila. Bihira lang kaming magkita dahil palipat lipat sila ng lugar dahil natetrace sila ng Daddy ni Heldigar. Ang lagi kong kasama ay ang mabunganga na si Chimmy.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Suot ko pa din ang kwintas na binigay ni Clevin, he still owns my heart kahit durog durog na. Kada piraso ng durog kong puso ay pangalan pa din niya ang sinisigaw. Hindi ko na 'to susuotin kapag wala na akong nararamdaman sa kanya. I still love him, hindi ko naman maipipilit na ayawan siya. He have his own place sa buhay ko. No one can erase and change that.

"Alam mo ikaw, kaunti na lang iisipin ko na umiiyak ka sa banyo." bunganga niya sa akin.

"Naliligo lang ako ng maayos, Chimmy." sabi ko sa kanya at pinatuyo ang buhok.

"Pinapasabi ni Ali na aalis na sila at ang sabi niya ay pangalan ni Isagani ba yon? Basta ganon ata, sabi niya sinabi daw ni Ali yung number mo don sa Isagani." sabi ni Chimmy habang humihithit ng sigarilyo.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon