32

138 9 0
                                    


"Bakit kailangan sa bahay pa ni Isagani?" inis na tanong ni Clevin sakin. Tinignan ko siya ng masama.

"Ayon ang napag usapan. Don't be a jealous boyfriend, Clevin. Project ang ginagawa namin, hindi pamilya." inis na sabi ko at inirapan siya. Alas syete na ng umaga at dito ako sa kanya nag umagahan. Pagkagising ko, nakaluto na siya kaya wala na anong magagawa kundi kainin.

"Hindi ba talaga ako pupwedeng sumama?" tanong niya sakin at uminom ng kape.

"Hindi. Madidistract lang ako at si Isagani sayo." may pinalidad ang boses ko at tinapos ko ang pagkain.

Hindi na uli nagsalita si Clevin. Niligpit niya lang ang mga pinagkainan namin. Sarado pa ang pinto namin, tulog pa sila Mommy. Maaga pa naman, maliligo na lang naman ako eh.

"Susunduin na lang kita mamaya." sabi niya sakin.

"Okay, para hindi na mahirapan si Isagani sa paghatid sakin." sabi ko at umupo sa sofa.

Naghuhugas ng plato si Clevin sa kusina. Sa kwarto niya ako nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung saan siya natulog o natulog ba. Nauna akong natulog eh tas una siyang nagising. Bahala siya, malaki na siya.

"Oh I forgot to thank you doon sa gift na binigay mo sakin." nakangiting sabi niya habang nagpupunas ng kamay.

"Welcome." sabi ko sa kanya.

"I love the pullover. Una kong pullover yon at galing pa sayo. And also the book, thank you so much." nakangiting sabi niya sakin. Napangiti ako sa magandang ngiti niya.

"Bihira kasi kitang makitang nakaganon. I mean hindi pa kita nakikita na nakalongsleeeves. Lagi ka lang nakatshirt, kaya binilihan kita non." sabi ko sa kanya at nginisihan.

"So bakit mo ako binilihan ng Fifty Shades na libro?" nakangising tanong niya sakin.

Fifty Shades na libro ang binili ko sa kanya, hindi ko kasi alam kung ano yung gusto niya kaya ayon na lang ang napili ko. Romance naman yon eh.

"Romance kasi. Saka parang nasa sayo na lahat ng mga romance novel eh." sabi ko at humiga sa sofa.

"I thought you want me to be like Christian Grey." he sexily said then chuckles. Napatingin ako sa kanya. He looks so freaking hot while combing his hair! Damn.

"Pwede naman, pero no kisses for you dahil sinaktan mo ako." sabi ko sa kanya at nginisihan. Tumayo na ako at lumipat na sa kabilang apartment.

"Goodmorning, Mommy." bati ko.

"Ayos na ba kayo ni Clevin?" agad na tanong niya sakin.

"Hindi pa gaanong ayos, Mommy. Pero we will go there. It takes time, My." sabi ko at pumasok na sa kwarto. Kumuha ako ng black halter top at black sweatpants.

Naligo ako at nag ayos. Nagbihis ako at nag lagay ng kulay sa mukha. Liptint at blush on then pabango. Kinuha ko ang phone ko at wallet.

Paglabas ko ay nakita ko si Isagani at Clevin sa living room namin. Kausap sila ni Mommy. Tinignan ko ang orasan at 9:20 na pala. Jusko, nakakahiya naman kay Isagani!

"Mommy, aalis na kami." sabi ko sa kanya. Nakita ko ang tingin ni Clevin na ulo hanggang paa. Inirapan ko siya.

"Ako ang susundo sa kanya mamayang gabi. Send me your address, Madrigal." matigas na sabi ni Clevin kay Isagani. Binigay naman kaagad ni Isagani ang address niya. Masama ang tingin ni Clevin kay Isagani. Jusko talaga 'tong lalaking 'to!

Bumaba na kami sa parking, nakasunod si Clevin sakin. Masama ang tingin kay Isagani.

"Wala naman kaming gagawin masama, Clevin." sabi ko sa kanya.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon