"Mamimiss ko kayo, bigla niyo akong iiwan dalawa!" inis na sabi ni Gael. Parehas kaming natawa ni Chimmy.
"May videocall naman, duh." sabi ni Chimmy habang nag eempake. Uuwi na siya sa Batanes at ipupursue ang modeling pagkatapos.
Nandito si Gael sa apartment namin. Nakasimangot sa aming dalawa.
"Grabe, iiwan niyo lang ako biglaan! Iiwan niyo ako kay Lucifer!" pagmamaktol niya. Tumawa kaming dalawa ni Chimmy. Lucifer ang tawag niya sa fiancè niyang si Lucy.
"Alam mo, kung pinakasalan mo na yang si Lucy at inanakan mo na, edi sana busy ka na ngayon." sabi ni Chimmy.
"Magpapakasal ako sa taong mahal ko no! Hindi ko naman yan mahal si Lucifer. Kung hindi lang ako masunurin kay Tatay, hindi ko yan gagawing fiancè eh!" sabi niya.
"Matututunan mo ding mahalin yan si Lucy." sabi ko sa kanya at ngumisi. Gael snorted. Ayaw na ayaw niya talaga kay Lucy.
"Pangalan niya pa lang pangmangkukulam na! Lucianna Ysabel Samonte. Hindi bagay ang De Dios sa pangalan niya." sabi pa niya.
"Lucianna Ysabel De Dios, bagay naman." pang aasar ni Chimmy. Binato siya ni Gael ng damit. Nagtawanan kaming tatlo.
Kaya ayaw na ayaw ni Gael doon ay maldita at maarte daw. Pero mukhang mabait naman si Lucy, mala anghel nga ang boses! Baka hindi lang talaga tipo ni Gael kaya ayaw niya.
"Kapag sumikat ka, Chimmy, ano ang gagawin mong stage name?" tanong ni Gael.
"Chimera Hebe. Para malaman ng mga taong nanliit sa akin na kaya kong maging successful kahit na salat ako sa buhay." sabi niya.
Chimmy stopped studying because of bullying noong highschool. Mahirap lang sila at walang pera kaya hindi niya gaanong afford ang pag aaral. Ang Lola at Lolo niya lang ang nagtatrabaho pero pinatigil na ni Chimmy at siya na lang ang nagtrabaho sa murang edad. She was extraordinary and strong woman. Parehas namatay ang mama nila ni Syd sa iisang sakit. Pneumonia dahil sobrang kakatrabaho. Kaya naiwan silang dalawa ni Syd pero si Syd ay mayaman ang tatay pero si Chimmy, hindi niya kilala ang totoo niyang. Ang tanging iniwan lang sa kanya ay apelyido.
"I will miss you two." sabi ni Gael. Yumakap si Chimmy sa kanya. They were friends simula nung dumating ako dito. Yumakap ako sa kanila. Gael was kind, he gave us work and income. He was a true friend.
Ang sabi sa akin ni Kuya Constantine ay malapit na sila. Nag eroplano sila kaya mabilis lang. They will be here in any minutes.
Nagpaalam na ako kagabi sa mga kaibigan ko. I texted Mommy and bid my goodbye. Nagsabi na din ako kay Isagani, Syd at Heldigar. I will miss them.
Mamimiss ko silang lahat. Even Clevin and the others. They became close to my heart kaya nga mabilis nilang nasira eh. Pero siguro ito na ang sign na magkakaroon na ako ng maayos at tahimik na buhay. I will come back here in Philippines kapag ayos na ang lahat. Kapag fully healed na ang puso at pagkatao ko. I will come back dahil dito talaga ako. I will come back for those who waits.
"Ingat, Chimmy! Pasabi kay Lolo at Lola na maraming salamat sa pagtanggap nila sa akin. I love you, Chimmy. I will wait for your turn to shine. Prove everyone wrong." sabi ko sa kanya at yumakap. Yumakap din siya sa akin.
"Hoping for peaceful and better future to us!" sabi niya at yumakap ng mahigpit.
"I will miss you, chat ka ha!" sabi ko at kumaway. Ihahatid siya ni Gael doon sa sakayan, hinakot na kasi niya lahat ng gamit niya.
"I will miss you, too! See you soon!" sigaw niya at kumaway. Sumakay na sila sa kotse nila at kumaway na lang ako sa kanila.
Nang mawala sa paningin ko ang kotse nila ay umakyat muna ako sa apartment namin ni Chimmy. Ibinenta na namin ang ibang gamit dito tulad ng ref at iba pang appliances.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...