"Gago. Gago. Gago." sabi ko at agad na bumaba ng kotse ni Arthur. Sumilip ako sa bintana at nagpasalamat."Thank you, pasundo na lang ako mamayang 4:30 pm." sabi ko at tumakbo na ng mabilis papasok ng school.
Ininda ko ang pagkahilo at tuloy tuloy ang lakad papuntang unang klase ko. Late na ako ng 30 minutes. Putangina!
Nakita kong sarado na ang pinto ng classroom. Kumatok ako at binuksan ang pinto.
"Sorry, I'm late." nakapikit kong sabi habang hinihingal. Pagbukas ko ng mata ko ay nakita ko ang varsity team na nasa harap. Lahat ng kablock ko ay nakatingin sakin.
Halos lumabas ang puso ko ng makita si Clevin na nakatingin sakin, nakasandal siya sa lamesa ng professor. Buti na lang wala si Prof! Thank you, Lord!
"You're 30 minutes late, Ms. Dominguez!" sabi ni Clevin. Napataas ang kilay ko at umupo na sa likuran.
"Traffic eh." sabi ko at sumandal sa upuan.
"Saan ka ba galing?" usisa niya. Lahat ng kablock ko ay nakatingin sakin.
"Wala ka na ron." sagot ko sa kanya. Napailing na lang siya. Rinig ko ang ilang bulong ng mga kaklase ko.
Nagrerecruit pala sila kaya sila nandito. Naghahanap ng bagong member ng Varsity Team. Hindi naman ako nakikinig sa kanila, nilalaro ko lang ang ballpen ko habang nakatingin sa malayo. Tangina, nahihilo pa din ako!
Hindi ako palainom kaya mabilis akong malasing. Nakailang lata kami kagabi ni Fiya ng beer kaya hindi maiiwasan ang pagkalasing.
Sa lahat ng klase ko ng umaga ay lutang lang ako at walang maintindihan. Kailangan ko ng softdrinks, baka mawala ang hangover ko.
Walang softdrinks sa cafeteria. May malamig lang na botteled water pero walang softdrinks. Wala akong kinaing almusal dahil nagmamadali ako sa pagpasok dahil late ako nagising. Wala din akong gana kumain dahil sa sakit ng ulo.
Umupo ako sa garden at uminom ng malamig na tubig. Sasabunutan ko talaga si Fiya mamaya!
Tumunog ang phone ko at nakitang si Clevin ang nagtext.
From : Clevin
Where are you? Saan ka nagstay kagabi? Please, reply.
Hindi ko siya nireplyan at pumunta na lang ng library. Wala akong gana kumain kaya matutulog na lang ako. Isang oras pa naman ang breaktime namin.
Kahit medjo hilo ay nagawa kong makapunta sa library. Ang malamig na temperatura ay lalong nagpaantok sakin. Pumwesto ako sa pinakalikod at nagheaddown. Nagsuot ako ng earphones at nag alarm.
Agad naman akong nakatulog.
---
"Ms. Dominguez, you are late." sabi ni Mrs. Urmatam. Napakamot ako sa ulo ko.
"I'm sorry, Ma'am. Nagka LBM po kasi ako." I lied. Napapadalas na ang pagsisinungaling ko ah!
"Magpahinga ka sa clinic." agad naman niyang sabi. Gusto ko yan!
"Pero baka may activity po, Ma'am." sabi ko.
"Wala tayong activity, checking of papers lang. Sige na, pumunta ka na sa clinic at humingi ng gamot. Baka magkalat ka pa dito." mahinhin na sabi niya. Napatango na lang ako at agad na lumabas ng classroom. Kung sinuswerte ka nga naman! Napangiti ako at agad na pumunta ng Clinic.
Pagkapasok ko doon ay wala ang Nurse kaya humiga ako sa isang kama. Sinilip ko ang isang kama at nakita doon si Hannah, nagsecellphone.
"Oy! May sakit ka?" tanong niya sakin ng makita niya ako.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...